Paano mag-rotate ng PDF
Sundin ang madadaling hakbang na ito para mag-rotate ng mga page ng PDF gamit ang tool sa pag-rotate ng PDF ng Acrobat:
- I-click ang button na Pumili ng mga file sa itaas, o mag-drag at mag-drop ng isa o higit pang PDF sa drop zone.
- Piliin ang PDF file o mga PDF file na kailangan mong i-flip ang mga page ng PDF.
- Pagkatapos ma-upload ng Acrobat ang mga file mo, gamitin ang checkbox na Piliin lahat na nasa itaas para piliin ang lahat ng thumbnail ng page o piliin ang mga partikular na thumbnail ng page para i-rotate.
- I-click ang icon na i-rotate clockwise o i-rotate counterclockwise sa toolbar sa itaas.
- Piliin ang I-save para ilapat ang mga pagbabago sa bago mong PDF file. Pwede mong i-download ang file o pwede kang kumuha ng link para i-share ito.
Subukan ang libre naming tool na pang-rotate ng PDF
Mag-rotate ng mga PDF file
Mabilis at madali lang ang pag-rotate ng mga page ng PDF gamit ang mga online na serbisyo ng Adobe Acrobat. Mag-upload ng isa o higit pang mga PDF file, pagkatapos ay i-rotate ang mga tiyak na page o lahat ng mga page na pakaliwa o pakanan.
Mag-flip nang hanggang 1,500 page
Binibigyang-daan ka ng Acrobat na mag-rotate ng hanggang 1,500 page sa PDF online, na may limitasyon ng kabuuang laki ng file na 100MB. Kung kailangan mong bawasan ang laki ng isang file, subukan ang tool na Mag-compress ng PDF ng Acrobat.
I-set up ang perpektong PDF
Pagkatapos mag-rotate ng mga page ng PDF sa portrait o landscape mode, pwede kang maglagay, muling isaayos, o burahin ang mga PDF page. Ayusin ang file mo sa paraang gusto mo gamit ang mga online na tool namin na pang-edit ng PDF.
Gumamit ng mga PDF tool sa anumang device
Pwede kang mag-rotate ng mga page ng PDF clockwise o counterclockwise sa anumang web browser gamit ang anumang device. Buksan lang ang tool sa pag-rotate ng Acrobat sa desktop, laptop, tablet, o telepono mo.
Pinagkakatiwalaang seguridad ng dokumento
Naglalagay ng mga hakbang sa seguridad ang Adobe sa bawat PDF na ginawa gamit ang Acrobat. Bilang karagdagan, buburahin namin ang mga file mo sa aming mga server maliban na lamang kung mag-sign in ka para ma-save ang mga ito sa account mo.
Ang pinakamahuhusay na tool sa pag-edit ng PDF
Ang Adobe ang nag-imbento sa PDF format. Kapag gumamit ka ng mga online na tool ng Acrobat para ayusin ang content mo, makakasiguro kang mataas ang kalidad at maaasahan ang mga ito.
May mga tanong? Masasagot namin 'yan.
Bibigyang-daan ka ng na tool na Mag-rotate ng mga page ng PDF ng Acrobat na mag-flip ng PDF sa pamamagitan ng pag-rotate ng isa o mas marami pang page ng PDF nang pakaliwa o pakanan. Mag-upload ng file o maraming mga file, pagkatapos ay piliin ang mga page na gusto mong i-rotate. Bibigyang-daan ka ng Acrobat online tool namuling isaayos ang mga page sa pamamagitan ng pag-drag at pag-drop ng mga page thumbnail o burahin ang mga piniling page sa pamamagitan ng paggamit ng icon ng trashcan. Maaari ka ring mag-insert ng hanggang 100 file, na ang maximum ng bawat isa ay 500 page. Ang kabuuang bilang ng mga page sa iyong na-rotate na PDF ay maaaring hanggang 1,500 page, na may maximum na laki ng file na 100 MB.
Kung kailangan mong mag-flip ng image sa PDF nang pahiga o patayo, subukan ang Acrobat Pro nang libre sa loob ng pitong araw.
Madaling mag-rotate ng indibidwal na page sa PDF gamit ang mga online na serbisyo ng Acrobat. Pagkatapos mag-upload ng file, piliin ang isang page na gusto mong i-rotate at i-click ang icon na i-rotate clockwise o i-rotate counterclockwise. Pwede ka ring pumili ng paisa-isang page, magkakasunod na page, o maraming page na hindi magkakasunod para i-rotate ang mga ito nang sabay-sabay.
Para sa mga mas advanced na PDF tool, pwede mong subukan ang Adobe Acrobat Pro nang libre sa loob ng pitong araw sa Mac o Windows. Binibigyang-daan ka ng trial ng Acrobat Pro na gumawa ng mga PDF, mag-annotate ng mga PDF, gamitin ang iba pang PDF editing tool, mag-extract ng mga page, tumukoy ng na-scan na text (OCR), mag-convert ng mga PDF, mag-convert ng mga HTML page, magdagdag ng mga bilang ng page, maglagay ng mga bookmark, magdagdag ng mga watermark, mag-split ng PDF ayon sa page range, mag-store ng mga file sa cloud storage, at marami pa.
Gumamit ng mga Acrobat tool nang libre
- Mag-sign in para sumubok ng 25+ tool, tulad ng mag-convert o mag-compress
- Magdagdag ng mga komento, magsagot ng mga form, at mag-sign ng mga PDF nang libre
- I-store ang mga file mo online para i-access ito sa anumang device
Gumawa ng libreng account | Gumawa ng libreng account Adobe Acrobat Mag-sign in