Ang Diskarte Namin.
Hindi namin sinasanay at hindi namin kailanman sinanay ang Adobe Firefly gamit ang content ng customer.
Sinasanay ang mga Adobe Firefly model sa isang dataset ng licensed content, gaya ng Adobe Stock, at public domain content na nag-expire na ang copyright. Saklaw ang Adobe Stock content sa ilalim ng hiwalay na kasunduan sa lisensya, at binabayaran ng Adobe ang mga contributor para sa paggamit ng content na iyon.
Hindi namin sinasanay at hindi namin kailanman sinanay ang Adobe Firefly gamit ang content ng customer.
In-update namin kamakailan ang aming Mga Pangkalahatang Tuntunin ng Paggamit para tahasang ihayag ang pangakong ito (Seksyon 2.2F at 4.3C2).
Sinasanay lang namin ang Adobe Firefly gamit ang content kung saan may pahintulot kaming gawin ito.
Sinasanay ang mga Adobe Firefly model sa isang dataset ng licensed content, gaya ng Adobe Stock, at public domain content na nag-expire na ang copyright. Saklaw ang Adobe Stock content sa ilalim ng hiwalay na kasunduan sa lisensya, at binabayaran ng Adobe ang mga contributor para sa paggamit ng content na iyon.
Hindi kami nagmimina sa web o mga video hosting site para sa content. Nagsasanay lang kami gamit ang content kung saan may karapatan o pahintulot kaming gawin ito.
Binabayaran namin ang mga creator na nagko-contribute sa Adobe Stock para sa paggamit ng content nila sa pagsasanay ng Adobe Firefly.
Sinasanay ang mga Adobe Firefly model sa isang dataset ng licensed content, gaya ng Adobe Stock, at public domain content na nag-expire na ang copyright. Saklaw ang Adobe Stock content sa ilalim ng hiwalay na kasunduan sa lisensya, at binabayaran ng Adobe ang mga contributor para sa paggamit ng content na iyon.
Makakahanap ka ng iba pang impormasyon dito.
Hindi kami nagmimina ng content mula sa web para sanayin ang Adobe Firefly.
Maraming ibang kompanya ang nagsasanay sa mga generative AI model nila gamit ang content na kinokolekta mula sa web nang walang pahintulot (na kadalasang tinutukoy bilang "online data na available sa publiko"). Hindi kami naniniwalang makatarungan ito sa mga creator, at hindi ganito ang diskarte namin.
Sinasanay ang mga Adobe Firefly model sa isang dataset ng licensed content, gaya ng Adobe Stock, at public domain content na nag-expire na ang copyright. Saklaw ang Adobe Stock content sa ilalim ng hiwalay na kasunduan sa lisensya, at binabayaran ng Adobe ang mga contributor para sa paggamit ng content na iyon.
Binuo namin ang grupo namin ng mga Adobe Firefly model na ligtas gamitin sa paraang komersyal, at para pigilan silang gumawa ng content na lumalabag sa copyright o mga karapatan sa intelektwal na ari-arian.
Naka-focus ang Adobe sa pagsasanay sa mga model nito sa paraang responsable at may paggalang sa mga karapatan ng mga creator. Naglalagay kami ng mga proteksyon sa bawat hakbang (bago ang pagsasanay, sa panahon ng pag-generate, sa prompt, at sa paggawa ng output) para matiyak na hindi gagawa ang mga Adobe Firefly model ng content na lumalabag sa copyright o mga karapatan sa intelektwal na ari-arian at ligtas itong gamitin para sa gawaing pangkomersyo at pang-edukasyon.
Bukod pa rito, nagbibigay ang Adobe ng bayad-pinsala sa intelektwal na ari-arian para sa mga enterprise customer para sa content na na-generate gamit ang Adobe Firefly.
Hindi namin inaangkin ang anumang pagmamay-ari ng iyong content, kabilang na ang content na ginagawa mo gamit ang Adobe Firefly.
Pagmamay-ari mo ang iyong content. Hindi inaangkin ng Adobe, at hindi kailanman nito aangkinin, ang pagmamay-ari ng iyong content, anuman ang paraan ng paggawa nito.
Bagaman ito na ang patakaran naman noon pa man, in-update namin kamakailan ang aming Mga Pangkalahatang Tuntunin ng Paggamit para gawin itong mas malinaw (Seksyon 4.2).
Hindi inaangkin ng Adobe ang copyright o pagmamay-ari sa content na ginagawa mo gamit ang Adobe Firefly.
Naniniwala kami sa pagprotekta sa mga karapatan ng mga creator at itinatag namin ang Content Authenticity Initiative (CAI) na nakatuon sa pagtiyak ng transparency sa pagmamay-ari ng content at kung paano ito ginawa.
Ang Adobe ay isa sa mga nagtatag ng Content Authenticity Initiative, na kasalukuyang may mahigit 5000 miyembro at naglalayong magbigay ng transparency sa kung paano na-generate ang content at kung sino ang gumawa nito.
Puwedeng magpakita ang mga provider ng platform ng mga kredensyal na nagsho-showcase sa pinagmulan nito. Ang Meta at LinkedIn ay ang dalawang pinakabagong site na nagpapakita ng Content Credentials.
Makakahanap ka ng iba pang impormasyon tungkol sa Content Authenticity Initiative dito.
Ipinagtatanggol namin ang mga karapatan sa intelektwal na ari-arian ng creative community sa pamamagitan ng pagsulong sa Federal Anti-Impersonation Right Act.
Tahasan naming pinagbabawalan ang mga third party na magsanay gamit ang content ng customer na naka-host sa aming mga server (gaya ng sa Behance).
Pinagtibay namin ang mga diskarteng ito sa pamamagitan ng maraming pagbabago at update sa patakaran:
Nakasaad sa aming mga tuntunin sa paggamit ang mga diskarte sa itaas at malinaw na nakalagay rito na hindi namin sinasanay ang Adobe Firefly sa iyong content at hindi namin inaangkin ang pagmamay-ari sa iyong content.
Inayos namin ang aming mga patakaran sa pag-moderate sa Adobe Stock, at pinadali namin ang pag-uulat ng content na lumalabag sa mga alituntunin sa contributor ng Adobe Stock, partikular na ang content na tumutukoy at/o gumagaya sa mga pangalan at style ng ibang mga artist nang walang pahintulot nila.