AI-generated na bubuyog na idinagdag sa isang image gamit ang Generative Fill sa Photoshop Generative Fill sa Photoshop

Generative AI sa mga Creative Application namin.

Nagbibigay kami ng opsyong gamitin o hindi ang mga partner model

Binibigyan namin ang mga user ng opsyong gamitin o hindi ang mga partikular na partner model. Nakakatulong itong tiyaking may transparency tungkol sa kung aling mga model ang ginagamit at nagbibigay-daan ito sa mga user na i-research ang mga model para masigurong angkop ang mga ito sa mga pangangailangan nila.

Lilinawin namin kapag ginagamit ang mga partner model

Malinaw na ipapakita sa mga application namin kapag ginagamit ang mga partner model. Kabilang dito ang mga UI element at iba pang indicator, pati na rin ang paggamit ng Content Credentials para ma-tag ang content na ginawa gamit ang mga partner model.

Hindi kailanman ginagamit ang data at content ng customer para sanayin ang mga generative AI model

Ang user data at content sa mga application namin ay hindi ginagamit, at hindi gagamitin, para sanayin ang mga generative AI model—mula man sa Adobe o sa mga partner nito ang mga model na iyon. Tahasan itong ipinahahayag sa mga kasunduan namin sa mga partner company na nagbibigay ng access sa mga partner model, pati na rin sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit:

https://www.adobe.com/ph_fil/legal/terms.html