I-explore ang mga feature ng After Effects.
Mag-mix ng 2D at 3D nang tuloy-tuloy.
Gumawa, mag-import, at mag-animate ng mga 3D object kasama ng 2D graphics sa tunay na 3D workspace na ginawa para sa mga motion designer.
Mag-extract ng mga object gamit ang AI.
Madaliang piliin at ihiwalay ang anumang object sa background, kahit pa ang hinahanging buhok at mga transparent na element, gamit ang AI-powered na Roto Brush.
Subaybayan ang mga element habang gumagalaw ang mga ito.
Sundan ang paggalaw ng kahit anong object sa clip mo. Palitan ang mga screen sa mga mobile phone, magdagdag ng mga pangalan sa mga gumagalaw na subject, o palibutan ng mga musical note ang isang bandang nagmamartsa.
Alisin ang hindi mo gusto.
Burahin ang kahit ano mula sa hindi sinasadyang boom mic hanggang sa mga taong nasa background. Pupunan ng Content-Aware Fill ang mga puwang sa bawat frame ng video para magkaroon ka ng malinis at pulidong footage.
Palitan ang background.
Ilagay ang isang character sa ganap na bagong kapaligiran. Gamit ang mahuhusay na tool sa pag-key, puwede kang magpalit ng background, mag-apply ng visual effects, o magdagdag ng mga bagong element sa eksena mo.
Gumawa ng mga template ng Motion Graphics.
Magdisenyo at magbahagi ng mga nako-customize na template ng Motion Graphics tulad ng mga animated title at lower thirds para sa instant na paggamit sa {{adobe-premiere}}.