Mga bagong bold stroke 

para sa drawing at painting.



Mula sa fine art hanggang sa anime, mga watercolor hanggang sa collage ng larawan, ang Adobe painting at drawing software ang bahala sa canvas mo. Tuklasin ang Adobe Fresco, isang bagong app na idinisenyo para lang sa Apple Pencil at mga touch device na nagbibigay-daan sa iyong mag-paint gamit ang mga brush na kamukha, kapareho ng dating, at gumagana tulad ng totoong brush.




Kuhang-kuha namin ang digital drawing at painting.


Binibigyang-daan ng Adobe software ang mga artist na ipahayag ang kanilang sarili sa mga kahanga-hanga at bagong paraan.


Bagong kakayahan para sa paintbrush.

Fresco

Bagong kakayahan para sa paintbrush.


Maghandang idampi ang brush mo sa Adobe Fresco, isang bagong app para sa mga artist, illustrator, animator, sketcher, at sinumang gustong tuklasin ang saya ng drawing at painting. Gamitin ang mga live brush na nagbo-blossom at nagbe-blend sa pamamagitan ng daliri mo. Gumuhit ng malilinaw at malilinis na linya gamit ang mga vector brush. Ginawa ang Adobe Fresco para lang sa Apple Pencil at mga touch device, kaya may kalayaan kang mag-paint at gumuhit saanman magkaroon ng inspirasyon.

 

Alamin pa




Photoshop

I-reimagine ang realidad.


Inilalagay ng Photoshop ang pinakamalaking koleksyon ng mga expressive na brush sa buong mundo sa mga kamay mo. Gayahin ang media sa totoong buhay mula sa chalk at oil paint hanggang sa mga lapis, pastel, at marker. Pagsamahin ang mga digital element tulad ng mga larawan, effect, at text sa iba't ibang layer para makagawa ng mga ganap na bagong image. Mag-paint ng mga perpekto at symmetrical na pattern at gawing pulido ang dating gamit ang stroke smoothing.

 

Alamin pa


I-reimagine ang realidad.

Illustrator

Perpektong pag-draw.

 
Gamitin ang Illustrator para gawing mga kumplikadong logo, icon, at graphics ang mga simpleng hugis at kulay. Gumawa ng magagandang blend ng kulay na nagbibigay ng mas natural na hitsura at dating sa mga object at artwork mo nang walang kahirap-hirap. Gamit ang mga vector-based na tool sa drawing, pwede mong paliitin ang artwork mo para sa mga mobile screen o gawin itong kasing laki ng billboard — at palaging magiging detalyado ang hitsura nito.

 

Alamin pa


Perpektong pag-draw.

Gumagawa ng mga kahanga-hangang bagay nang mas mabilis.

Gumawa ng mga kahanga-hangang bagay nang mas mabilis.


Sa Creative Cloud, nakakasabay ang mga app sa mga ideya mo sa lahat ng device mo. Magsimula ng drawing o painting sa telepono o iPad mo at tapusin ito sa desktop mo. Gamitin ang Adobe Capture para gawing mga natatanging tema ng kulay, pattern, stencil, at brush ang mga larawan. At magka-access kaagad sa mga paborito mong brush, hugis, at kulay sa Mga Library mo sa Creative Cloud.

Alamin pa ang tungkol sa Creative Cloud



Magkaroon ng inspirasyon at magsimula.


Gumawa ng custom na brush.

Gumawa ng custom na brush.


Gawing brush na pwede mong gamitin sa Photoshop ang larawan o sketch sa telepono mo.

Tingnan kung paano


Speed painting kasama si Lois van Baarle.

Speed painting kasama si Lois van Baarle.


Gumagamit ang artist na si Lois van Baarle ng mga brush sa Photoshop para i-sketch, kulayan, i-blend, at pagandahin ang mga digital painting niya.

Tingnan ang gawa niya


Creative House Calls kasama si Luke Choice.

Creative House Calls kasama si Luke Choice.


Nagkukwento ang designer na si Luke Choice sa pamamagitan ng dynamic na kulay at komposisyon gamit ang lettering technique niya na "Smudge Script."

Tingnan ang gawa niya

Artist ng portrait.

Artist ng portrait.


Gumagawa ang Colombian illustrator at graphic designer na si German Gonzalez ng mga natatanging portrait na may magagandang palette.

Tingnan ang gawa niya


Tingnan kung ano ang ginagawa ng mga artist gamit ang mga app namin.

 

I-follow ang Adobe Drawing sa Instagram. 

 



Mga app na magandang gamitin nang sama-sama.


Pinagsasama-sama ng Creative Cloud ang pinakamagagandang creative app sa mundo para sa desktop at mobile, at mga mas konektadong paraan ng paggawa at pag-share.

Alamin pa



Photoshop Sketch

Drawing at painting sa iPad


Photoshop

Pag-edit at pag-composite ng image


Fresco

Mga vector graphics at illustration


Capture

Gawing mga tema ng kulay, vector graphics, pattern, at iba pa ang mga image



Purchase by phone: +65 3157 2191

Are you a business? Request a consultation

Purchase by phone:
+65 3157 2191

Are you a business?
 Request a consultation