ADOBE CREATIVE CLOUD

Gumawa ng mas marami, mas maganda, mas matalino, nang sama-sama.

Pwede ka naming ikonekta sa lahat ng pinakamahusay na plugin at integration. Pwede kang magdagdag ng mga feature, mag-automate ng mga gawain, at gumawa ng magandang gawa sa mga Creative Cloud app mo. Ikonekta ang Creative Cloud sa mga paborito mong third-party na app para manatiling mas produktibo kaysa dati.

Hanapin ang mga perpektong plugin.

Isa ka mang fan ng Photoshop o user ng Premiere Pro, freelance na designer o bahagi ng team ng enterprise, pwede ka naming tulungang hanapin ang mga plugin at integration na kailangan mo para mas magustuhan mo ang mga Creative Cloud app. Bisitahin ang Stock at Marketplace para i-browse ang lahat ng ito.

Pinagsama ang creative na daloy at daloy ng trabaho.

Sa ilang mabilis na pag-click, ikonekta ang mga Creative Cloud app mo sa mga third-party na productivity app, tool sa pakikipag-collaborate, at iba pang tool sa pag-design. Pagkatapos, mula sa pagsisimula hanggang sa matapos ang bawat proyekto, magagawa ng team mo na mag-share ng mga asset, kumuha ng feedback, mas mabilis na umulit — at gumawa nang mas mahusay nang sam-sama kahit saan.

Itinatampok sa wish-list ang mga nangungunang developer.

Kung gusto mong mas maraming magawa ang Creative Cloud app mo, posibleng kayanin nito — gamit ang isang plugin mula sa komunidad ng developer namin. Paganahin ang Arranger sa loob ng XD. Pabilis ang pagde-design sa Illustrator gamit ang mga plug-in mula sa Astute Graphics. I-plug ang mga video transition at effect ng Boris FX sa Premiere Pro. Libo-libro ang pagpipilian

Gumawa ng sarili mo.

Hindi mahanap ang perpektong plugin? Kailangan ng bagong integration? Sa pamamagitan ng aming mga API at SDK, pwede mong palawakin ang mga desktop app ng Creative Cloud tulad ng Photoshop, Premiere Pro, at InDesign. I-embed ang mga serbisyo ng Creative Cloud, tulad ng Mga Library. Magdagdag ng kaunting magic ng Photoshop. At i-supercharge ang mga workflow mo. Bumuo ng mga plugin at integration para sa sarili mong paggamit o para i-share.

cc
Logo ng Creative Cloud

Creativity para sa lahat.

Photography, video, graphic design, illustration, at napakarami pang iba. Lahat ng kailangan mo, saan ka man dalhin ng imahinasyon mo.