
illustrator
Paano gumamit ng mga digital drawing tool, pen, at tablet.
Tumuklas ng mga paraan para masulit ang mga digital tool para sa paggawa ng art, note-taking, at marami pa. At, alamin kung paano makakatulong sa iyo ang mga tool na ito para pabilisin ang workflow mo at gumawa ng mga kamangha-manghang likha.

Pinapaganda ng mga digital drawing tool ang art.
Bagama't kadalasang humahantong ang tradisyonal na art sa mga itinapong draft na umaapaw sa basurahan, mas pinapadali ng mga digital drawing tool ang pagsubok, pagkakamali, paggawa, at pag-explore kaysa dati. Nagbibigay-daan ang mga ito sa iyo na gumuhit, mag-sketch, at gumawa ng mga digital note, at marami pa na may ginhawang dulot ng unlimited na pag-uulit at digital storage. At, gamit ang mga tablet at mobile app, makakagawa ka nasaan ka man, kailanman. Tuklasin ang lahat ng paraan kung paano ka makakagawa gamit ang mga digital medium na nagiging mas advanced araw-araw.
Pagpapalit ng pen at papel para sa stylus at screen.
Ang paggawa gamit ang isang tablet at stylus ay naging mahalagang bahagi ng workflow ng maraming artist at designer. “Magkakaroon ka ng higit na kontrol at higit na flexibility kaysa sa mouse, at mas maraming opsyon kaysa sa lapis,” paliwanag ng designer na si Robin Casey.
Mabilis at madaling gamitin ang mga digital drawing tool, na nagbibigay-daan sa user na gumawa nang hindi kinakailangan i-refill ang anumang pisikal na supply. Sa halip na itapon ang isang buong canvas kapag nagkamali o mabahala sa pagsasayang ng mga mamahaling material, pwede lang i-click ng mga artist ang “undo” at subukan ulit. Ang tagal ng baterya ng rechargeable na smartpen mo ang dapat bantayan.

Pagdating sa mga digital tool, pwede kang gumamit ng smartpen stylus sa desktop display, touchscreen na device tulad ng iPad o Wacom tablet, o kahit na sa mga smartphone at mobile device. May mga advantage ang bawat isa sa mga ito. Halimbawa, ang pagguhit nang direkta sa isang tablet ay nakakagawa ng mas natural na experience sa pagguhit kaysa sa pagkonekta ng tablet sa display sa pamamagitan ng USB cable. At, nagbibigay-daan sa iyo ang mga display tablet na tingnan ang gawa mo habang gumuguhit ka, tulad ng gagawin mo kapag gumamit ka ng mga tradisyonal na drawing tool.
Ang uri ng setup na pipiliin mo ay nakadepende sa kung ano ang kaya ng budget mo, pero huwag mong gawing pangunahing priyoridad ang gear. “Gumawa gamit ang kung ano ang meron ka,” ipinayo ng artist na si Kevin Mellon. “Hindi mo kailangan bumili ng gear na nagkakahalaga ng libo-libong dolyar.” Advanced na ang digital drawing technology, kung kaya, kahit ang mga entry-level na opsyon ay may mahusay na functionality.
Isang digital pen na ginagamit.
Panooring gamitin ng mga artist ang combo ng digital pen at digital ruler na Ink and Slide.
Tingnan kung paano magsimulang mag-paint gamit ang isang digital pen.
Alamin ang mga pangunahing kaalaman sa pag-paint at paggamit ng mga brush gamit ang isang digital pen sa Adobe Photoshop.
Pag-alam sa mga tool sa digital drawing.


Ang pinakamahusay na paraan para maging komportable sa paggawa gamit ang digital pen ay mag-eksperimento at sumubok ng iba't ibang setting. “Maging pamilyar dito. Tingnan kung paano ito tumutugon sa iba't ibang tool,” sabi ni Casey. “Ang paggamit nito ang pinakamahusay na paraan para malaman kung paano mo ito magagamit.” Inirerekomenda ng illustrator na si Adam Bujorian ang pagsisimula sa medium na pinakanakasanayan mo: “Gumamit ng pamilyar sa iyo. Magsimula ka roon at doon ka magpatuloy.”
Bagama't higit na mas natural ang pen sa kamay, pwede pa rin itong makapinsala sa mga kamay at pulsuhan mo. “Bilang mga artist, palagi tayong umiiwas sa carpal tunnel,” sinabi ni Mellon. “Binabalutan ng ilan ng tape ang mga pen para pakapalin ang mga ito, dahil mas matigas sa kamay ang mas maninipis na pen." Alamin kung ano ang pinakamainam para sa iyo para makagawa ka ng setup kung saan madarama mong hindi ka nahihirapan at productive ka.
Hindi limitado ang mga digital drawing tool sa mga bagay na nahahawakan mo. May kasamang iba't ibang opsyon sa brush ang mga platform gaya ng Photoshop, Adobe Illustrator, at Adobe Fresco na nagbibigay-daan sa iyong gumuhit o mag-paint sa iba't ibang style at texture. Pwede ka ring bumili ng mga brush na ginawa ng iba pang designer at mag-customize ng sarili mo — walang limitasyon sa mga uri ng mga brush na pwede mong ipares sa pen mo. Alamin pa ang tungkol sa paggamit at paggawa ng mga digital brush sa pamamagitan ng pagtingin sa mga tutorial na ito:

Pagsisiyasat ng mga accessory sa digital drawing.
Sumubok ng matte na screen protector.
Ang mga matte na screen protector ay isang sikat na accessory para sa mga screen ng tablet dahil nagbibigay ang mga ito ng higit na experience na parang sa papel gumuguhit. Ginagawa ring mas magaspang ng matte na protector ang surface, ibig sabihin ay mas may friction at texture ang pen kaysa sa kung gumuguhit lang sa salamin.
Pag-eksperimentuhan ang iba't ibang pen nib.
Depende sa anong uri ng stylus ang mayroon ka, psobleng mong mapalitan ang tip. Pwede itong magkaroon ng malaking epekto sa kung ano ang pakiramdam kapag ginagamit at pinangguguhit ang pen. Hindi pa naglalabas ang Apple Pencil ng iba't ibang style ng nib, pero karamihan sa mga Wacom at Anoto Livescribe smartpen ay may iba't ibang opsyong mapagpipilian. Kahit na masaya ka sa default na nib, tandaang napupudpod ang mga nib sa paglipas ng panahon. Para sa pinakamahusay na tuloy-tuloy na performance, kakailanganin mong palitan nang madalas ang nib mo.
Illustrator ka man, designer, o studio artist, nagbibigay ang mga tool sa digital drawing ng mga kapana-panabik na bagong paraan para makagawa. Kung gusto mong magdagdag ng drawing tablet o pen sa workflow mo, alamin pa ang tungkol sa paggamit ng mga tool na ito sa Illustrator, Animate, at Photoshop.
https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/seo-articles/do-more-illustrator-color-blade