- {{annual-paid-monthly}}
- Pang-isang taon, prepaid
Ano ang Adobe Acrobat?
Ano ang pagkakaiba ng Acrobat Standard at Acrobat Pro?
May mga basic na feature ng PDF ang Acrobat Standard, gaya ng mga sumusunod:
- Mag-edit at mag-ayos ng mga PDF
- Mag-convert sa at mula sa PDF ang mga dokumento
- Magsagot ng mga form, lumagda ng mga dokumento, at humiling ng mga e-signature
- Protektahan ang mga file gamit ang password
Kasama sa Acrobat Pro ang lahat ng nasa Acrobat Standard, pati na ang mga advanced na feature para sa PDF at e-signature, gaya ng mga sumusunod:
- Gawing mga nae-edit at searchable na PDF ang mga na-scan na dokumento
- Magkumpara ng mga PDF para suriin ang mga pagkakaiba
- I-redact ang sensitibong impormasyon mula sa mga PDF
- I-brand ang iyong mga kasunduan sa pamamagitan ng pagdaragdag ng logo at custom na URL
- Gumawa ng mga web form at reusable na template ng e-sign
- Mangolekta ng mga bayad gamit ang Braintree kung available
- Tumanggap at subaybayan ang maraming e-signature sa pamamagitan ng pag-send nang maramihan
Ano'ng kasama sa subscription ko sa Acrobat?
Kasama sa subscription mo sa Acrobat ang desktop software, online access, at mga mobile app:
Desktop software ng Acrobat Standard o Acrobat Pro: Gamitin ang mga tool sa Acrobat sa desktop mo at makakuha ng mga update sa feature at quarterly na pagpapahusay ng seguridad para lagi kang may access sa mga pinakabago at pinakamagandang pagpapahusay.
Acrobat online: Gumamit ng mga PDF at e-signature tool sa anumang web browser. Pinapadali ng aming mga prebuilt na integration para sa Microsoft OneDrive, Google Drive, at marami pa na mag-store at mag-share ng mga file online. Pwede ka ring mag-send ng mga dokumentong lalagyan ng e-signature at sumubaybay sa mga sagot nang real time.
Acrobat Reader mobile app: Gawin ang mga PDF mo on the go — at gumawa ng mga pag-edit sa telepono o mga tablet device mo.
Adobe Scan mobile app: Gamitin ang mobile device mo para i-scan ang anumang bagay at gawin itong isang PDF.
Ano ang Adobe Acrobat Sign Solutions?
Legal ba ang mga electronic signature?
Ilang dokumento ang puwede kong i-send para sa mga signature?
May kasamang unlimited na transaksyon bawat user kada taon ang mga individual at team plan ng Acrobat Standard at Acrobat Pro na binili sa pamamagitan ng Adobe.com.
Ang presyo ng Acrobat Sign Solutions ay batay sa bilang ng mga user o inaasahang transaksyon; tingnan ang mga limit sa transaksyon para sa higit pang detalye. Alam naming posibleng maging mahirap ang pagtantya sa eksaktong bilang ng mga transaksyong kailangan. Makipag-ugnayan sa sales team namin sa pamamagitan ng pagtawag sa {{phone-business}} para makapag-customize kami ng plan na makakatugon sa mga pangangailangan mo.