Ang ambisyon
Sa kanilang strategy nitong 2025-2030 na “Creative Education for a Changing World,” inilalarawan ng Arts University Plymouth ang ambisyosong pananaw na iangkop ang kanilang curriculum sa mga umuusbong na technology at nagbabagong pangangailangan ng industry. Bagama't madalas na gumagamit ng mga advanced Adobe tool ang mga creative arts student, mas lumaki ang pangangailangan para sa remote access at pantay na paggamit simula nang mangyari ang COVID-19. Paliwanag ni Adam Levi, senior learning technologist sa Arts University Plymouth:
“Maraming estudyante ang malayo ang commute o may mga personal na commitment, kaya mahalaga ang remote access, lalo na sa lumalaking bilang ng mga mature na estudyante. Kahit sa mga course na gumagamit ng advanced software, nagbibigay ang Adobe Express ng simple at epektibong pagpipilian para sa paggawa ng mga presentation, social media content at, digital na pagpapakita ng gawa.”
Adam Levi
Senior Learning Technologist, Arts University Plymouth
Ang solusyon
Bagama’t gusto ng university na gamitin nang buo ang Adobe Creative Cloud, hindi ito posible dahil sa mga kumplikadong programa at limitadong budget. Naging kapaki-pakinabang na solusyon ang full student coverage option para sa Adobe Express, na ipinakilala sa pamamagitan ng Jisc Adobe enterprise term licence agreement (ETLA). Paliwanag ni Adam:
“Nag-aalok ng abot-kaya at flexible na tool ang Adobe Express option na available sa Jisc Adobe ETLA. Accessible ito sa loob o labas ng campus, sumusuporta sa digital literacy ng lahat ng estudyante at staff. Higit sa lahat, pinalawak din nito ang mga posibilidad sa assessment sa lahat ng course at sinusuportahan ang mas malawak naming mga layunin sa digital capability."
Adam Levi
Senior Learning Technologist, Arts University Plymouth
Making it work
Hindi pa sapat ang pagkakaroon lang ng Adobe Express: kailangan ng Arts University Plymouth na iangkop ang paggamit dito sa kanilang natatanging context para mapabilis ang digital transformation at mapalaki ang epekto nito.
Saklaw ng unique na Common Unit Framework ng university ang lahat ng subject na may magkakaparehong learning outcome sa lahat ng discipline, kaya likas din na naka-align ang mga assessment point.
“Para sa aming mga estudyante, ang authentic assessment ay ang pag-design ng mga assessment task na sumasalamin sa mga totoong sitwasyon sa creative industry. Halimbawa, nakakatulong sa mga estudyante ang paghiling sa kanilang mag-pitch ng ideya o mag-design para mag-practice ng mga industry-relevant skills."
Adam Levi
Senior Learning Technologist, Arts University Plymouth
“Nag-spark ang Adobe Express ng mas malawak na usapan tungkol sa digital pedagogy, curriculum innovation at employability. Madalas na nagsisimula ang mga estudyante sa fixed na career goal, pero hindi laging linear ang kanilang landas. Nakakatulong bumuo ng mga transferable skills ang pagpapahusay ng digital literacy at nagbo-boost ng adaptability sa isang competitive jobs market."
Adam Levi
Senior Learning Technologist, Arts University Plymouth
Pagkatuto mula sa collaboration
Naging susi para sa Arts University Plymouth ang pagsali sa Jisc Adobe “transforming together” programme - available exclusively sa mga member na bumibili ng Adobe licensing sa pamamagitan ng Jisc ETLA:
“Bilang maliit na institusyon na patuloy pang umuunlad sa digital, napakahalaga para sa amin na makipag-ugnayan sa Jisc, Adobe, at iba pang university - para magbahagi ng mga ideya, makatanggap ng suporta, at mapataas ang digital profile ng Arts University Plymouth sa larangan ng digital education.”
Adam Levi
Senior Learning Technologist, Arts University Plymouth
“Mas makakatulong sana kung naisama namin nang mas maaga ang mga senior staff para makakuha ng buy-in. Sa tingin ko, nangangailangan ng mas malaking institutional commitment ang pag-roll out ng Adobe Express kaysa sa inaasahan at kaya naming suportahan. Nag-focus muna ang ibang “transforming together” institution sa staff habang direkta kaming naka-focus sa mga estudyante at sa pagpapalakas ng kanilang engagement.”
Adam Levi
Senior Learning Technologist, Arts University Plymouth
Mga pagmumuni at susunod na hakbang
Kung bibigyan ulit ng pagkakataon, ano kaya ang dapat ibang ginawa ni Adam?
“Gusto ko sanang magkaroon pa ng oras na magplano bago ang roll out. Kapag nagsimula na ang lahat, mahirap nang mag-pause at mag-adjust. Noong una, nag-focus kami sa mga estudyante, pero mas mahalaga pala na ma-engage nang maaga ang academics para makita nila kung paano mapapahusay ng tool ang pagtuturo, pagkatuto, at assessment.”
Adam Levi
Senior Learning Technologist, Arts University Plymouth
“May maliliit na grupo na ngayon ng mga estudyante ang gumagamit ng Adobe Express nang mas creative. Dati, marami ang umaasa sa Google Docs at Slides. Nag-unlock ang Express ng mga bagong creative na paraan para sa mga estudyante na gumawa ng mga video report at digital na ipakita ang kanilang mga gawa."
Adam Levi
Senior Learning Technologist, Arts University Plymouth
“Magplano muna bago bumili. Magsama ng multi-disciplinary team na may mga malinaw na time commitment at magdagdag ng mga tao kung kinakailangan. Nakakatulong ang mga regular na meeting–pero kung nakikita lang ng mga stakeholder ang kahalagahan ng tool."
Adam Levi
Senior Learning Technologist, Arts University Plymouth
“Sa bagong LMS, sa patuloy na pag-unlad ng mga assessment at sa Jisc'sdigital capability discovery tool, puno ng mga exciting na oportunidad ang susunod naming yugto—excited akong makita kung saan tayo dadalhin ng ating digital transformation."
Adam Levi
Senior Learning Technologist, Arts University Plymouth
Tungkol sa Arts University Plymouth
Ang Arts University Plymouth ang pinakabagong specialist arts university sa UK at nangunguna sa creative education sa buong bansa. Napili itong South West England University of the Year 2024 and 2025 sa Whatuni Student Choice Awards, at naging ikalawa sa UK para sa student satisfaction ayon sa Times Higher Education noong 2024. Nakakuha din ng pinakamataas na ranking ang Arts University Plymouth para sa student experience at nasa ikalimang puwesto sa buong bansa para sa student satisfaction. Pinapatakbo ito ng mga artist at designer para sa mga artist at designer, at umuunlad sa pamamagitan ng creativity.