.

Paano Makakatulong ang AI sa Pagpapaunlad ng Creative Thinking sa Classroom at Higit Pa

Paano Makakatulong ang AI sa Pagpapaunlad ng Creative Thinking sa Classroom at Higit Pa

Sa loob ng maraming taon, inaasam ng mga guro ang personalized learning bilang paraan para iangkop ang edukasyon sa natatanging pangangailangan ng bawat estudyante. Sa mga pag-unlad sa AI, nagiging katotohanan na ang vision na ito. May kakayahan ang AI na baguhin ang mga classroom sa pamamagitan ng pag-alok ng mga personalized learning experience na umaayon sa mga individual strength, interest, at learning need.

Kasabay nito, mas binibigyang-diin ang pagpapaunlad ng creativity at authenticity sa gawain ng mga estudyante. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng AI sa pagsuporta sa creative process, mula sa paggawa ng mga ideya hanggang sa pagsasaayos ng mga proyekto. Sa pamamagitan ng pagpapaganda at pagpapadali ng access sa creative process, tinutulungan ng AI ang mga estudyante na malampasan ang mga hamon at maipahayag ang kanilang natatanging pananaw. Hindi lamang pinapalakas ng diskarteng ito ang engagement, inihahanda rin nito ang mga estudyante para sa hinaharap kung saan mahahalagang skill ang creative thinking at problem-solving.

Brian Johnsrud - Director of Education Learning and Advocacy, Adobe
Brian Johnsrud - Director of Education Learning and Advocacy, Adobe
Kamakailan, nakausap ng EdSurge si Brian Johnsrud, ang director of education learning and advocacy sa Adobe, tungkol sa paggamit ng mga educational tool na hindi lamang basta ginagamit ang kakayahan ng AI kundi nirerespeto rin ang creative integrity ng mga estudyante at guro. Binibigyang-diin niya kung paano makakatulong ang AI sa pag-personalize ng learning sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa mga estudyante na maipakita ang kanilang pag-unawa at mga ideya sa iba’t iba at naka-personalize na paraan. Dahil sa pagbabagong ito mula sa mga standardized assignment patungo sa mga personalized project, puwedeng gawing mas engaging at nauugnay ang learning para sa bawat estudyante.

EdSurge: Paano magagamit ng mga guro ang AI nang ligtas at responsable para sa mas personalized na learning?

Johnsrud: Matagal nang pangarap sa larangan ng edukasyon ang pagkakaroon ng learning personalization. Nakatuon ang unang yugto sa pagbibigay ng tamang content sa tamang estudyante sa tamang oras. Ngayon, sa AI, nasa ikalawang phase na tayo, na hindi lang tungkol sa pag-personalize ng content kundi pati na rin sa kung paano ipapakita ng mga estudyante ang kanilang pag-unawa at ibinabahagi ang kanilang kaalaman. Dahil pagiging unique ang isang katangian ng creativity. Kaya kung gusto nating magkaroon ang mga estudyante ng creative thinking, dapat magkakaiba ang hitsura ng 30 assignment na ginawa ng 30 magkakaibang estudyante.

Tungkol naman sa ligtas at responsableng pag-deploy ng AI, maraming bagay ang pinagtutuunan ng pansin ng mga paaralan ngayon. Ang unang hakbang ay tiyakin kung ginawa talaga para sa edukasyon ang AI tool. Kung hindi ito ginawa para sa mga classroom, malamang na hindi rin ito ginawa para mapahusay ang learning. Posibleng wala itong pedagogical piece o accessibility at iba pang edtech integration na kailangan mo.

“Tiyakin kung ginawa talaga para sa edukasyon ang AI tool. Kung hindi ito ginawa para sa mga classroom, malamang hindi rin ito ginawa para mapahusay ang learning. Posibleng wala itong mga pedagogical piece o ang accessibility at iba pang edtech integration na kailangan mo..”

Brian Johnsrud

Director of Education Learning and Advocacy, Adobe

Bahagi ng pagiging ligtas at responsable ang pagtiyak kung hindi ginagamit ng mga tool ang mga project ng estudyante o guro sa pag-train sa kanilang mga model dahil dapat nirerespeto at pinoprotektahan ang creative work na binuo mo bilang estudyante o guro sa classroom. Kung gumagamit ka ng isang tool na nakikinabang o kumukuha ng inspirasyon mula sa mga creative masterpiece mo, hindi talaga ito naaayon sa mga core creative value at academic integrity.

Sa anong mga paraan nakakatulong ang AI sa pagpapaunlad ng creativity habang tinitiyak na nananatiling authentic ang gawa ng mga estudyante?

Puwedeng suportahan ng AI ang anumang bahagi ng creative process. Kung nahihirapan ang isang estudyante na mag-brainstorm, puwedeng tumulong na AI sa pag-generate ng mga ideya. Kapag naman may estudyanteng magaling sa brainstorming pero kailangan ng tulong sa pag-refine ng kanilang gawa, magsisilbing thought partner ang AI, na magbibigay ng puna. Ito ang nakakabilib sa AI na dinisenyo para sa creativity! Ginagawa nitong malinaw ang mga hakbang ng creative process at tinutulungan ang mga estudyante na malampasan ang mga hadlang. Inaalis nito ang takot sa blangkong canvas.

Umaasa ako na makakatulong ang AI na mailipat ang focus sa mga guro bilang mga content creator patungo sa mga estudyanteng magiging content creator na din. Halimbawa, batay sa aking karanasan bilang isang guro ng social studies, sa halip na pagsulatin ang mga estudyante ng isang paragraph tungkol sa pagpapatuloy at pagbabago sa isang makasaysayang era, puwede mo silang papiliin ng isang era, pumili ng isang paksa na nagpapakita ng pagpapatuloy, at gumawa ng isang imaginary propaganda poster mula sa panahong iyon. Malinaw sa lahat ng guro ang mga benepisyo ng creative assignment na ito. Pero dahil sa mga mahigpit na pamantayan at siksik na curriculum, mahirap maglaan ng dalawang linggo para sa ganito. Ang magandang balita, gamit ang AI, puwede mong matapos ang assignment na ito sa loob lang ng 30 minuto sa klase.

Kapansin-pansin na sa panahon ng AI, lalo nating hinahanap ang pagiging totoo. Hindi na lamang nakatuon ang AI sa simpleng prompt-and-result, "grab and go" na paraan. Nagiging integrated na sila sa mga creative workflow, na tumutulong sa atin na isabuhay ang mga pinakamahusay na ideya at mas ipahayag ang ating sarili. Ang layunin ay hindi para gawin ng AI ang trabaho para sa atin, kundi para tulungan tayo na gumawa ng mas authentic at makabuluhang content para maging epektibong storyteller tayo. Bilang isang guro, dapat mong makita ang natatanging opinyon ng bawat estudyante sa ginagawa nilang trabaho.

“Ang layunin ay hindi para gawin ng AI ang trabaho para sa atin, kundi para tulungan tayo na gumawa ng mas authentic at makabuluhang content para maging epektibong storyteller tayo.”

Brian Johnsrud

Director of Education Learning and Advocacy, Adobe

Paano naihahanda ng AI literacy at creative thinking ang mga estudyante para sa mga demand ng job market sa hinaharap?

Sa loob lang ng ilang taon, naging mahalaga na ang mga AI skill. Ayon sa 2024 Work Trend Index Report, hindi nagha-hire ang 66 percent ng mga industry leader ng taong walang AI skills. Nakakamangha kung gaano kabilis naging isang hiring dealbreaker ito. Sa parehong report, sinabi ng 71 percent ng mga leader na mas pipiliin nilang i-hire ang mga wala masyadong karanasan na candidate basta may AI skills kumpara sa isang may karanasang candidate na walang AI skills. Ibig sabihin para sa mga estudyante, nakakatulong ang pagkakaroon ng AI skills para mapantayan ang mga professional na mas may karanasan.

Kasabay nito, mataas din ang demand para sa creativity at creative thinking. Itinampok ng World Economic Forum’s 2023 Future of Jobs Report ang creative thinking bilang top skill para sa hinaharap. Umuusbong ang creator economy, na may 200,000 bagong creative job na ginawa sa United States noong 2023 lang. Nagkakaroon ng kakayahang samantalahin ang magagandang oportunidad ng mga estudyanteng kayang pagsamahin ang AI skills at creative problem solving.

Ipinakita ng research na kapag mas maraming pagkakataon ang mga estudyante na lumikha, mas lalo silang umuunlad. At pinapalawak ng AI ang mga oportunidad para sa paglikha ng mga estudyante. Ayon sa 2019 Gallup report. nakakakita ng malaking pag-unlad ang mga guro na nakatuon sa creativity at gumagamit ng technology sa transformative na paraan—mas engaged ang mga estudyante, mas nahuhubog ang critical thinking, mas maraming natatandaan, nagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng mga paksa at mas malalim na pagkatuto. Para sa mga guro, rewarding ang makitang excited at proud ang mga estudyante sa kanilang gawa, lalo na sa panahong tumataas ang nararanasang burnout ng mga guro.

Paano madaling maisasama ng mga guro ang creative thinking sa mga aralin nila?

Magsimula sa pagtukoy ng mga bahagi ng curriculum mo na kailangang mas pag-aralan ng mga estudyante ang isang konsepto o lubos na ipakita ang kanilang pag-unawa. Ito ang mga pagkakataon kung kailan puwedeng palitan ng mga creative activity ang mga tradisyonal na paraan tulad ng note-taking o mga multiple-choice question at makakuha ng mas malawak at mas malalim na inaasahang matututunan.

Orihinal na na-publish ang article saEdSurge.

word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word word

mmMwWLliI0fiflO&1
mmMwWLliI0fiflO&1
mmMwWLliI0fiflO&1
mmMwWLliI0fiflO&1
mmMwWLliI0fiflO&1
mmMwWLliI0fiflO&1
mmMwWLliI0fiflO&1