Ang Adobe account mo ay para sa iyo
Pwedeng i-sign in ang mga Adobe account sa dalawang computer — pero ikaw lang dapat ang gagamit, at sa isang computer lang sa isang pagkakataon.
Kung sinusubukan mong i-share ang account mo sa isang tao, kakailanganin niyang bumili ng sarili niyang plan para sa indibidwal. Kung kailangan mong mag-manage ng mga account para sa mahigit sa isang tao, lumipat sa isang Adobe teams plan.
Protektahan natin ang account mo at tumulong tayong pigilan ang maling paggamit
I-reset ang password mo
Protektahan ang account mo sa pamamagitan ng pagpapalit ng password mo at pag-sign out sa lahat ng aktibong pag-log in.
Mag-alis ng mga device na hindi sa iyo
Para manatiling sumusunod sa patakaran sa account ng Adobe, suriin ang mga device na naka-sign in sa account mo at i-deactivate ang anumang hindi mo pagmamay-ari.
Mga madalas itanong
Mukhang ginagamit ng mahigit sa isang tao ang account mo. Hinihiling sa iyong palitan ang password mo para makatulong na protektahan ang Adobe account mo. Isang tao lang ang pwedeng gumamit sa isang Adobe account — at hindi ito naka-share.
Para palitan ang password ng Adobe account mo, bisitahin ang page na ito para sa mga detalyadong tagubilin.
Alamin kung paano mag-set up at gumamit ng two-step na pag-verify bilang karagdagang hakbang sa pag-authenticate para maging mas secure ang experience mo sa pag-sign in.
Nagbibigay-daan sa iyo ang plan para sa indibidwal na:
- Gamitin ang mga Adobe app sa iisang device sa bawat pagkakataon
- Mag-sign in sa (i-activate ang) account mo sa hanggang dalawang device
Kung gusto mong mag-sign in sa (i-activate ang) mga Adobe app sa pangatlong device, kakailanganin mo munang mag-sign out sa (i-deactivate ang) ibang device. Alamin pa ang tungkol sa paggamit ng isang Adobe app sa mahigit sa isang device.
Sundin ang mga hakbang na ito para i-manage ang mga device kung saan ka naka-sign in (mga naka-activate na device) sa Adobe account mo.
- Mag-sign in sa Adobe account mo online.
- Pumunta sa dropdown menu sa ibaba ng Mga plan at pagbabayad at i-click ang Mga naka-activate na device.
- I-sign out ang sarili o ang ibang tao sa isang device sa pamamagitan ng pag-click sa button na I-deactivate sa tabi ng pangalan ng device.
Kapag nag-sign out ka sa (nag-deactivate ka ng) isang device, hindi na gagana ang mga Adobe app sa device na iyon at hihinto na ang pag-sync ng mga file.
Pwedeng abutin nang 24-48 oras bago matigil ang pagtanggap mo ng mga notification na ito pagkatapos mong palitan ang password mo at mag-sign out sa lahat ng aktibong pag-log in.
Hindi. Para sa isang tao lang ang mga plan para sa indibidwal. Hindi pwedeng mag-share sa plan para sa indibidwal ang mahigit sa isang tao. Makikita ang karagdagang impormasyon sa Mga Pangkalahatang Tuntunin ng Paggamit ng Adobe, 3. Paggamit ng Mga Serbisyo at Software.
Sa karamihan sa mga sitwasyon, pwedeng lumipat ang mga indibidwal sa team plan mula sa isang plan para sa indibdiwal pero may ilang pagbubukod. Ang mga team plan ay para sa maraming tao. Gayunpaman, kailangan ng lisensya ng bawat miyembro ng team (na madaling mama-manage sa Admin Console). Basahin ang mga kinakailangan para makapag-upgrade sa isang team plan mula sa plan para sa indibidwal.
Alamin pa ang tungkol sa kung paano mag-sign out sa isang Adobe app o account.
Kailangan ng karagdagang tulong?
Tumawag sa Adobe Support sa 866-493-4991 o magsimula ng chat