Mag-develop ng mga nakakaengganyong extension nang mas mabilis
Bumuo at mag-debug ng mga Creative Suite at Creative Cloud extension nang mas mabilis. Ang Adobe® Extension Builder 2.1 ay isang mahusay na development tool na nakabatay sa Eclipse™ na nagbibigay ng simpleng paraan para mag-develop, mag-debug, at mag-package ng mga native at nakabatay sa teknolohiya ng Adobe Flash® na extension na nagagamit sa loob ng at nai-integrate sa mga {{creative-suite}} at {{creative-cloud}} application.
Suporta sa maraming bersyon ng Creative Suite at Creative Cloud (CS5/5.5/6/Creative Cloud)
Piliin ang bersyon ng Creative Suite/Creative Cloud na gusto mong i-target at aalamin ng Extension Builder 2.1 ang mga compatible na feature na available para sa bersyong iyon. Gamitin ang mga kasalukuyan mong Flex 3.4 extension sa CS6 o gumawa ng mga bagong Flex 4.5 extension na nagle-leverage ng mga mas bagong teknolohiya sa extensibility.
Bagong paraan para magbenta at mag-distribute gamit ang Adobe Exchange
Abutin ang mga user ng Creative Suite at Adobe Creative Cloud™ gamit ang Adobe Exchange, isang bagong paraan para i-promote, i-distribute, at ibenta ang mga extension na ginagawa mo.
Direktang pag-debug ng extension sa mga Creative Suite at Creative Cloud application
Gamitin ang mga feature na I-debug Bilang at I-attach Bilang para direktang mag-debug sa mga Creative Suite at Creative Cloud application, mag-preview ng mga extension, mag-set ng mga breakpoint, at tumukoy ng mga error.
Mga kaugnay na produkto
Showcase
TypeDNA
Ang misyon ng TypeDNA ay hikayatin ang mga designer na gumamit ng magandang typography. Ang susi sa pag-abot sa layuning ito ay ang pag-develop sa TypeDNA Font Manager bilang Adobe Creative Suite extension.