Gumawa ng expressive na animation gamit ang facial motion capture.

Bigyang-buhay ang mukha ng isang cartoon character gamit ang real-time na facial motion capture at awtomatikong lip sync gamit ang Adobe Character Animator.

 

Gamitin ang mga sarili mong expression ng mukha para pasalitain ang isang character.

Gamit ang mukha ng tao at isang laptop, madali kang makakagawa ng video na may animated na character. Gumagana ang teknolohiya sa performance capture sa Adobe Character Animator sa mikropono ng iyong computer para gumawa ng mahusay na solution sa lip sync at facial motion capture. Nilalapat ng face tracking ang data ng iyong mukha sa isang animated na character, na tinatawag na puppet, habang ginagalaw mo ang ulo mo at nagsasalita ka.

Mga naka-predesign na character sa Adobe Character Animator

Magsimula sa isang naka-predesign na character.

Pumili ng naka-preload na puppet mula sa home screen ng Character Animator para i-explore ang facial motion capture. Pagkatapos ay panoorin itong magkaroon ng buhay habang gumagalaw ka.

Paggawa ng custom na avatar sa Adobe Character Animator

Gumawa ng custom na avatar mula sa isang template.

Pumili ng simpleng character mula sa home screen at pagkatapos ay i-edita ng mga feature ng kanyang mukha. Puwede ka ring mag-copy at mga-past ng mga feature sa isang character mula sa isa pang character.

Isang lalaking gumagamit ng Adobe Character Animator para mag-animate ng character

Mag-sync gamit ang na-upload o live na video at audio.

Itapat ang mukha ng puppet sa mukha mo sa live na video, gamit ang facial capture na walang marker. Magsalita sa mikropono ng computer mo at magli-lip sync ang puppet nang real time, o mag-upload ng naka-prerecord na audio na gagayahin ng puppet mo.

Pagdaragdag ng makatotohanang paggalaw ng buhok sa isang character sa Adobe Character Animator

Magdagdag ng mga makatotohanang detalye tulad ng paggalaw ng buhok.

Piliin kung ano ang gagalaw sa iyong character at paano, kasama ng facial animation, gamit ang mga tool sa Physics ng system sa pag-capture para maglapat ng mga batas sa gravity.

Mag-design ng de-kalidad na animated na mukha mula sa simula.

Mag-toggle nang mabilis sa pagitan ng Adobe Photoshop o Adobe Illustrator at Character Animator para gumawa ng sarili mong natatanging character. Naka-integrate ang makabagong motion capture software na ito sa Photoshop at sa buong Creative Cloud para gawing tuloy-tuloy ang proseso ng pag-design.

Mga integration ng Adobe Character Animator sa Photoshop at Illustrator

Pinapadali ng integration ng app ang mga pag-edit ng mukha.

Piliin ang iyong puppet at pumunta sa I-edit › I-edit ang orihinal para buksan ang iyong character sa Photoshop o Illustrator. Awtomatikong malilipat sa Character Animator ang mga pagbabagong gagawin mo roon.

Mga tutorial sa app ng Adobe Character Animator

Hayaan ang mga kapaki-pakinabang na tutorial sa app na gabayan ka.

Bisitahin ang home screen ng Character Animate para mag-explore ng mga tutorial sa paggawa ng animation, kapana-panabik na bagong feature, at nakakatuwang nako-customize na character.

Mag-animate ng sample na mukha gamit ang data sa motion capture.

Mag-recreate ng paggalaw nang walang kahirap-hirap. Sapat ang pagiging advanced ng mga pang-beginner na tool ng Character Animator para sa mga propesyonal na animator. Gagayahin ng iyong puppet ang paggalaw ng iyong mga kilay, ilong, bibig, pupil, ulo, boses, at marami pa.

hakbang

Piliin ito:
Mag-double click sa isang naka-predesign na character mula sa home screen sa Character Animator.

hakbang

Suriin ito:
Tiyaking naka-enable sa app ang camera at mikropono ng iyong laptop. Tingnan kung lalabas ang iyong mukha at mga soundwave sa panel ng Camera at Mikropono.

hakbang

I-sync ito:
Ideretso ang iyong tingin at i-click ang Set Rest Pose sa ilalim ng Camera at Mikropono para maglapat ng mga tracking point sa iyong mukha.

hakbang

I-record ito:
Gamitin ang mga button na Mag-record at Huminto para mag-record ng clip ng character na ginagaya ang paggalaw ng iyong mukha at boses habang gumagalaw at nagsasalita ka sa real time.

hakbang

I-export ito:
I-save ang iyong proyekto. Pagkatapos ay i-click ang File › I-export para gawing video file ang iyong scene.

Sumunod para magsimulang mag-animate ng mga mukha.

Tumingin ng mga kapaki-pakinabang na tutorial para magsimula sa face capture — mula sa pag-design ng cartoon na mukha nang paisa-isang feature hanggang sa paggawa ng mga hakbang sa mga buong character animation, mga braso at buong katawan.

Character na may animated na mukha

Mag-design ng basic na mukha mula sa isang template.

Gawing anumang uri ng custom na puppet ang isang template ng Character Animator.

Alamin kung paano ›

Soro na cartoon character

Gumawa ng mga animated na mata at eyeball.

Unawain kung paano gumawa ng mga mata at eyeball na gumagalaw sa paraang gusto mo.

Alamin kung paano ›

Cartoon character na mukhang amoeba na nagsasalita sa isang mikropono

Matutunan ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa hugis ng bibig.

Magkaroon ng insight sa paggawa ng bibig ng character mo at sa paggawang makatotohanan ng mga paggalaw nito.

Alamin kung paano ›

Cartoon character na mukhang amoeba na kino-customize sa Adobe Character Animator

Mag-animate ng buong character mula sa mga mata hanggang sa mga braso at binti.

Gawin nang walang kahirap-hirap ang pag-animate ng buong puppet, kabilang ang mukha at katawan.

Alamin kung paano ›

Hanapin ang plan na bagay sa iyo.

Mga Indibidwal

₱2,642.00/buwan

Makakuha ng 20+ creative app at serbisyo. Tingnan kung ano'ng kasama

Mga estudyante at guro

₱997.00/buwan

Makatipid ng mahigit 60% sa 20+ Creative Cloud app. Alamin pa

Mga Team

Nagsisimula sa halagang ₱1,898.00/buwan.

Kunin ang lahat ng kailangan ninyo para makagawa ng magandang trabaho, pati na madaling pamamahala ng lisensya, advanced na suporta, at marami pa. Alamin pa

Purchase by phone: +65 3157 2191

Are you a business? Request a consultation

Purchase by phone:
+65 3157 2191

Are you a business?
 Request a consultation