Illustrator
Buuin ang mga building block ng brand mo.
Ginagamit ni Aaron Atchinson ang Illustrator para gumawa ng mga logo at icon na mukhang kamangha-mangha kahit saan — mula sa mga website hanggang sa mga sweatshirt, mula sa social hanggang sa swag.
Gumawa ng magagandang graphics na bagay kahit saan.
Design studio Pinagsasama ng The Branding People ang mga hugis, kulay, at uri sa Illustrator para gumawa ng mga natatanging marketing graphics na nababago ang laki mula sa screen hanggang sa kalye.
Dalhin ang mga produkto mo sa market sa kapansin-pansing paraan.
Ginagamit ni Shanti Sparrow ang Illustrator para makagawa ng mga pattern na may matingkad na kulay kaya nagiging kapansin-pansin ang mga brand – sa packaging, mga mobile app, signage, at marami pa.
Mag-design ng kamangha-manghang infographics.
Ginagawang simpleng graphics ni Konstantina Gavalas ang kumplikadong data gamit ang mga tool ng Illustrator, kaya mas madali na para sa mga negosyo na makita ang mga trend, tumuklas ng mga insight, at gumawa ng mas mahuhusay na desisyon.
Mga madalas itanong.
Adobe Illustrator ang nangunguna sa industriyang graphic design tool na magbibigay-daan sa iyong mag-design ng anumang maiisip mo – mula sa mga logo at icon hanggang sa graphics at mga illustration – at i-customize ito nang may katumpakang pang-propesyonal, pati na rin ang mga feature na nakakatipid sa oras tulad ng Repeat para sa mga Pattern o mga Global Edit. Pwede mong gamitin ang graphics na ginagawa mo sa Illustrator sa gaano man kalaking digital o print format, at makakatiyak kang ang eksaktong disenyo mo ang makikita mo.
Sa dalawang produktong ito, makakagawa ka ng mga maganda at tumpak na design at graphics. Nakasalalay ang pagkakaiba sa kung paano ginagawa ang mga ito. Bagay na bagay ang Illustrator sa paggawa ng graphics na pwedeng palakihin o paliitin nang paulit-ulit nang hindi nabu-blur o nawawala ang sharpness, dahil gawa ang mga ito sa mga tuldok, linya, at curve — hindi mga pixel. Gamitin ang vector graphics na ito sa anumang format na gusto mo — maliit o napakalaki, digital o print. Ang Photoshop, sa kabilang banda, ay naaangkop para sa paggamit ng mga larawan at paggawa o pag-edit ng pixel-based, o raster, na graphics. Alamin pa ang tungkol sa kung kailan dapat gamitin ang Illustrator vs. Photoshop dito.
Hindi talaga. Gamit ang Illustrator, pwede kang gumamit ng mga hugis, linya, curve, at edge para gumawa ng magagandang design gamit ang mga feature tulad ng Shape Builder, kahit na hindi ka pa gumuhit ng kahit ano sa buong buhay mo. O, subukan ang mga nako-customize na template kapag gusto mong magsimula nang mabilis sa isang proyekto. Ang pinakamaganda rito ay magagawa mong patuloy na magbago at magpalit ng mga kulay, font, hugis, at marami pa – kahit kailan at hangga't gusto mo.
Oo. Pwede mo itong i-download sa App Store, at kasama ito sa subscription mo sa Illustrator o Creative Cloud All Apps. Napakainam ng Illustrator sa iPad lalo na kung mahilig kang gumuhit sa digital na paraan gamit ang mga natural na paggalaw ng kamay — halimbawa, sa pamamagitan ng paggamit ng Apple Pencil. Alamin pa ang tungkol sa Illustrator sa iPad dito.
Ang Adobe Illustrator single app plan ay nagsisimula sa ₱1,046.00/buwan. Tutulungan ka namin magsimula sa mga tutorial video at hands-on learning, mga libreng font at template, access sa Adobe Express Premium, at iba pa. Kung ikaw ay interesado sa iba pang Adobe creative apps, maaari mong bilhin ang Illustrator bilang parte ng All Apps plan na kasalukuyang available sa 43% na diskwento. Tignan kung ano pa ang kasama.
Alamin ang iba pang opsyon sa pagbili sa Creative Cloud plans page.
Ang Illustrator ay isang subscription na binabayaran nang buwanan o taunan, pero pwede kang mag-sign up para sa pitong araw na free trial para malaman kung ang Illustrator ang pinakanaaangkop na graphic design tool para sa iyo. O subukang gumawa ng mga collage, flyer, video, at animation gamit ang regular na bersyon ng Adobe Express — palagi itong libre.
Oo, makakatipid ang mga estudyante at guro ng mahigit 60% sa Creative Cloud All Apps plan. Alamin pa ang tungkol sa mga plan namin para sa estudyante dito.
Creativity para sa lahat.
Photography, video, graphic design, illustration, at napakarami pang iba. Lahat ng kailangan mo, saan ka man dalhin ng imahinasyon mo.