Kilalanin ang kumpletong tool sa pag-design ng logo.

Gumawa ng propesyonal na design ng logo na naaayon sa gusto mo sa Adobe Illustrator. Kumpleto ng mga feature na kailangan mo para gawin ang anumang logo na maiisip mo, binibigyan ka ng logo maker na ito ng kalayaan para sundan ang inspirasyon mo sa disenyo.

Gumawa ng anumang design ng logo gamit ang Adobe Illustrator

I-design ang pinapangarap mong custom na logo.

Dalhin ang ideya mo sa logo mula sa papel papunta sa business card gamit ang mga pinaka-versatile na vector graphics design software sa merkado. Tuklasin kung paano ka binibigyan ng flexibility at mga drawing tool para makapag-design ng mga logo na may dating.

Gumawa ng mga geometric na hugis nang walang kahirap-hirap gamit ang Illustrator

Hubugin ang paggawa mo ng logo.

Kontrolin at pagsama-samahin ang mga geometric na hugis nang may katumpakan. Gamit ang mga Pathfinder at Shapebuilder tool, gumawa ng logo na kakaiba at katangi-tanging bahagi ng pagkakakilanlan ng brand mo.

Hanapin ang tamang font gamit ang Adobe Font integration

Magsimula nang may gamit na roadmap.

Hindi sigurado kung saan magsisimula? Piliin ang pinakamagandang logo na pagsisimulan mo sa library ng mga font — mula sa nakakatuwa hanggang sa propesyonal — at pagkatapos ay gumawa ng isang bagay na ganap na iyo.

Mag-scan ng anumang artwork papunta sa digital format gamit ang Adobe Capture sa Illustrator

I-capture ang bawat ideya.

Gawing digital mula sa pisikal ang mga konsepto mo nang walang kahirap-hirap. Mag-scan ng mga drawing at sketch gamit ang Adobe Capture para simulan ang design ng logo mo — isang feature na sa Illustrator lang available.

Mag-design gamit ang Pantone o CMYK color

Panatilihing tunay ang mga kulay mo.

Anuman ang medium, gumawa ng logo na kapansin-pansin. Mag-design sa Pantone o CMYK, para mananatiling tunay ang mga color scheme saan ka man gumagawa, kahit pa may kumplikadong paghihiwalay ng kulay.

Abot-kamay na mga flexible na tool.

Kapag may pumasok na ideya, gusto mong gumawa kaagad mula sa simula hanggang sa proseso mo ng graphic design para maibahagi mo ang gawa mo. Sa mga asset at naka-integrate na font sa Adobe Stock, tinutulungan ka ng Illustrator na mabigyan ng buhay ang malikhaing imahinasyon mo nang walang kahirap-hirap.

Libo-libong istilo ng font sa Adobe Font integration

Gawing bida ang font.

Ang tamang font at istilo ay pwedeng makaganda o makasira sa logo mo. Mag-preview at mag-activate ng mahigit 16,000 font sa Adobe Font Integrations, nang hindi man lang umaalis sa Illustrator app.

Mag-access ng mga libreng template sa Adobe Stock integration

Huwag magsimula sa umpisa.

Simulan ang proyekto mo mula sa maraming pagpipiliang mga template ng Stock logo at object ng vector logo para makatipid sa oras habang kino-customize at pinapaganda mo ang design mo.

Paano gumawa ng logo.

Magsimula gamit ang mga pangunahing kaalaman, at pwede kang maging creator ng logo sa ilang simpleng hakbang. 

hakbang

Simulan ito:

Magsimula sa paggawa ng bagong proyekto sa Illustrator.

hakbang

Iguhit ito:

Gumamit ng mga hugis para gumawa ng natatanging artwork.

hakbang

Isulat ito:

Pagandahin ang typography mo sa pamamagitan ng pagdaragdag at pagbabago ng text.

hakbang

Gawin itong katangi-tangi.

At pagkatapos ay pagandahin ang kulay ng logo mo.

hakbang

I-share ito:

I-save at i-export ang logo mo para mag-live o kumuha ng feedback.

Matuto mula sa mga master sa logo.

Hingin ang tulong na kailangan mo para makagawa ng natatangi at high-resolution na logo. Magsimula sa mga video na tutorial sa Illustrator at tumuloy sa paggawa ng mga custom na design at logo na nagtatampok ng pangalan ng kumpanya mo

Gumawa ng logo gamit ang mga vector shape

Gumawa ng mga design para sa totoong mundo.

Tuklasin kung paano gumamit ng mga vector shape sa Illustrator para gumawa at magpino ng mga orihinal na logo na nakakapukaw sa social media o sa bagong t-shirt.

Gumawa ng mga custom na icon mula sa simula

Magsimula sa simpleng graphic.

Gumawa ng mga custom na icon mula sa simula gamit ang mga step-by-step na tagubiling ito — makakagawa ka ng kahanga-hangang graphics nang hindi mo namamalayan.

Mag-design gamit ang tumpak na color wheel

Mag-design gamit ang nakaka-inspire na color palette.

Matutong pag-eksperimentuhan ang mga tint at shade, at makakapagbukas ka ng walang katapusang posibilidad.

Alamin ang mga pangunahing kaalaman sa pag-draw, pag-combine, at pag-trace sa Adobe Illustrator

Hanapin ang foundation mo.

Simulan ang logo mo sa pamamagitan ng pag-aaral kung paano mag-draw, mag-combine, at mag-trace ng mga pangunahing kinakailangan ng isang matagumpay na design.

Tingnan ang mga libreng template ng design ng logo.

Gumawa ng hindi malilimutang logo para sa brand, business, o personal na paggamit mo sa pamamagitan ng mga template para sa Illustrator.

 Collage ng iba't ibang design ng logo para sa Adobe Illustrator
 Collage ng iba't ibang design ng logo para sa Adobe Illustrator

Hanapin ang plan na bagay sa iyo.

Adobe Illustrator Single App

₱1,146.00/buwan

Kunin ang Illustrator sa desktop at iPad bilang bahagi ng Creative Cloud.


Creative Cloud All Apps

₱2,891.00/buwan

Kunin ang 20+ creative app, kabilang ang Illustrator. 
Tingnan kung ano'ng kasama | Alamin pa


Mga estudyante at guro

.../buwan

Makatipid ng mahigit 60% sa 20+ Creative Cloud app — kabilang ang Illustrator. Alamin pa


Negosyo

₱2,009.00/buwan

Kunin ang Illustrator at 20+ Creative Cloud app at mga eksklusibong feature sa negosyo.
Tingnan kung ano'ng kasama | Alamin pa


camera

Get Illustrator

Adobe Illustrator Single App

₱1,146.00/buwan

Get Illustrator on desktop and iPad as part of Creative Cloud. Learn more


Creative Cloud All Apps

₱2,891.00/buwan

Get 20+ creative apps, including Illustrator.
See what's included | Learn more


Students and teachers

₱997.00/buwan

Save over 60% on 20+ Creative Cloud apps — includes Illustrator. Learn more


Business

₱2,009.00/buwan per license

Get Illustrator and all the Creative Cloud apps plus exclusive business features. Learn more