#1e1e1e

Mga feature ng Lightroom

Nagbibigay-daan sa iyo ang Lens Blur natumutok sa sandali.

Baguhin ang hitsura ng kahit anong larawan gamit ang mga instant na blur effect na pinapagana ng AI. Nagbibigay-daan sa iyo ang Lens Blur na i-highlight ang subject mo at palabuin ang iba pa.

Free trial Bilhin ngayon

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/assets/video/product/photoshop-lightroom/lens-blur/media_116cfa85a5e23531a8689c08f73b621e7ee8fd292.mp4#_autoplay1

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/products/lightroom/sticky-banner/seo

Gumawa ng mga perpektong effect sa portrait.

Gawing namumukod-tangi ang mga subject mo sa isang iglap gamit ang Lens blur. Pumili sa pitong magkakaibang blur effect para baguhin ang mood nang walang hirap.

I-blur ang magugulong background

I-blur ang magugulong background

Mabilis na magpalabo ng mga nakakaabalang background para i-highlight ang kahit anong subject na pipiliin mo. Nagbibigay-daan sa iyo ang Lens Blur na gumawa ng mga nakakamanghang portrait na pinapanatiling focus ang mga kaibigan at pamilya mo.

Mga nakakamanghang tanawin sa isang iglap.

Walang magarbong equipment ng camera? Walang problema. Gumawa kaagad ng mga dramatikong effect sa larawan gamit ang custom na settings na nagbibigay-daan sa iyong i-adjust ang lakas ng blur at palambutin ang mga background na landscape sa paraang gusto mo.

Mga nakakamanghang tanawin sa isang iglap
Gumawa ng mga larawan ng pagkain na masarap tingnan.

Gumawa ng mga larawan ng pagkain na masarap tingnan.

Busugin ang mga feed mo sa social ng mga pang-food blog na shot sa loob ng ilang segundo. Gamitin ang Lens Blur para ituon ang focus sa hapunan at palabuin ang iba pa.

Paliwanagin ang lungsod.

Gumamit ng mga Lens Blur na preset para mabilis na baguhin ang laki at hugis ng ilaw mula sa mga street lamp, mga maningning na ilaw sa puno, o maliliwanag na cityscape.

Paliwanagin ang lungsod.
Tip: Pinakamainam ang Lens Blur sa mga image na may malinaw na subject sa foreground at mga concentrated na light point sa background, tulad ng mga portrait sa gabi sa harapan ng mga ilaw sa lungsod.

Mga madalas itanong.

Ano ang Lens Blur sa Lightroom?
Nagbibigay-daan sa iyo ang Lens Blur na pumili ng bahagi ng larawan mong mamumukod-tangi sa pamamagitan ng pagpapalabo sa bahaging nasa paligid nito. Tapos maa-adjust mo ang posisyon, lakas, at hugis ng blur sa paraang gusto mo.
Libre ba ang Lens Blur?
Maa-access mo ang Lens Blur sa Lightroom gamit ang isang membership o free trial.
Para saan mo magagamit ang Lens Blur?
Gawing abstract ang mga nakakaabalang background sa mga portrait para mamukod-tangi ang mga subject. Palabuin ang background sa likod ng outdoor na larawan ng pamilya gamit ang maraming halaman. Magdagdag ng mga dramatikong effect sa mga landscape at natural na tagpuan. Palabuin ang paglubog ng araw sa likuran ng isang magandang puno para sa isang malambot na pastel na backdrop. Magpalabo ng magugulong background sa food photography para i-highlight ang ulam at mga inumin sa foreground. Makakuha ng mga dreamy na effect mula sa mga ilaw sa lungsod at street photography na nagtatampok ng mga artipisyal na light source. Paglaruan ang laki at hugis ng blur para baguhin ang hitsura ng mga street lamp, bintanang may ilaw, at makikinang na ilaw sa puno.
Aling bersyon ng Lightroom ang may Lens Blur?
Dapat mayroon kang naka-install na Lightroom at Lightroom Classic na bersyon 7.3 o Lightroom mobile bersyon 9.3 para ma-access ang pinakabagong bersyon ng Lens Blur at ang mga bago naming Lens Blur Adaptive Preset.