Pinapalabas ng mga preset sa Lightroom ang creativity mo.
Pasimplehin ang post-processing mo gamit ang mga preset sa Lightroom. Magagamit mo rin ang lumalaking bilang ng mga Premium preset namin mula sa mga nangungunang photographer para gawing nakakamangha ang mga karaniwang snapshot.
Magkaroon agad ng glow-up gamit ang mga Premium Preset
Pagandahin ang mga portrait sa isang iglap gamit ang mga preset para sa bawat kulat ng balat. Ang mga subscriber sa Creative Cloud ay may access sa lumalaking bilang ng mga propesyonal na ginawang preset para sa bawat uri ng larawan.
Pahusayin ang mga kakayahan mo sa pag-edit.
Hanapin ang mga paborito mong preset sa Lightroom at gawing iyo ang mga ito. Kapag nakikita ang lahat ng adjustment, mababago mo ang mga preset at makakamit mo ang eksaktong hitsurang gusto mo.
Pabilisin ang workflow mo.
Patingkarin ang mga larawan mo, nang mabilis, gamit ang mga Inirerekomendang Preset, na gumagamit ng artificial intelligence para maghanap sa libo-libong preset sa Lightroom para mahanap ang pinakamaganda para sa larawan mo.
Mag-edit kahit saan, kahit kailan.
Gumamit ng mga preset sa Lightroom mobile para gumawa ng mga nakakamanghang image nasaan ka man. Awtomatikong nagsi-sync ang mga preset sa desktop at mobile kaya palagi kang may access sa mga paborito mo.
Mag-customize, mag-share, at mag-import.
Gumawa ng sarili mong mga preset sa Lightroom na pwedeng i-share. O maghanap at mag-save ng mga preset na naghahatid ng mga napakaganda at bagong hitsura mula sa komunidad ng mga photographer tulad mo.
Tuklasin ang mga paborito mong preset sa Lightroom.
Magsimula sa daan-daang libreng preset mula sa komunidad o paglaruan ang mga propesyonal na ginawang Premium Preset gamit ang subscription mo sa Lightroom.
Gumawa ng sarili mo.
I-save ang mga sarili mong adjustment sa larawan bilang preset sa Lightroom na magagamit mo sa mobile at desktop.
Maghanap online.
Maghanap ng magagandang preset online nang libre o bumili ng mga preset mula sa mga mahuhusay na photographer at vendor.
I-share ang yaman.
Makakuha ng mga preset mula mismo sa mga kaibigan o kapwa photographer, o gumawa at mag-share ng sarili mo.
Magsimula sa mga preset sa Lightroom.
Pinapadali ng mga preset ang buhay mo, baguhan ka man o propesyonal na photographer. Narito ang kung paano ka makakapagsimulang gamitin ang mga ito para sa mga sarili mong larawan:
Paano ilapat ang mga preset sa Lightroom sa mga larawan mo.
Magsimula kaagad gumamit ng mga preset sa pamamagitan ng pagsubok sa mga preset na available na sa Lightroom.
- Ilunsad ang Lightroom sa desktop at pumili ng larawan.
- Mag-click sa menu na I-edit (o pindutin ang E bilang shortcut).
- Piliin ang button ng mga preset mula sa loob ng menu na I-edit.
- Pumili sa mga kategoryang Inirerekomenda, Premium, o Sa Iyo.
- Piliin ang gusto mong preset at magpatuloy sa pag-edit.
Paano magdagdag ng mga preset sa Lightroom.
Kahit na may kasama nang mga naka-install na preset ang Lightroom, pwede kang mag-import ng mga bagong preset mula mismo sa mga kalahok na photographer.
- I-download ang mga paborito mong preset.
- Ilunsad ang Lightroom sa desktop at mag-navigate sa File > Mag-import ng mga Profile at Preset.
- Piliin ang mga preset na gusto mong idagdag.
- I-click ang I-import.
Alamin kung paano gumamit ng mga preset sa Lightroom Classic o Lightroom para sa mobile.
Paano gamitin ang mga in-import mong preset sa Lightroom.
Ang paglalapat ng mga in-import na preset sa Lightroom ay katulad ng paggamit ng mga built-in na preset.
- Ilunsad ang Lightroom sa desktop at pumili ng larawan.
- Mag-click sa menu na I-edit (o pindutin ang E bilang shortcut).
- Piliin ang button ng mga preset mula sa loob ng menu na I-edit.
- I-click ang kategoryang Sa Iyo at piliin ang opsyong Mga Naka-save na Preset.
- Piliin ang gusto mong preset at magpatuloy sa pag-edit.
Paano mag-save ng mga preset mula sa tab na Lightroom Discover.
Ginagawang abot-kamay ng tab na Discover sa Lightroom ang in-app na pagkatuto at inspirasyon. At pwede mong i-save ang mga edit ng iba pang photographer bilang mga preset na magagamit mo para sa mga sarili mong larawan.
- Ilunsad ang Lightroom sa dektop at mag-navigate sa tab na Discover.
- Pumili ng larawang may hitsurang gusto mo.
- I-click ang I-save bilang Preset sa kanang bahagi sa itaas ng panel na Discover.
- Mag-navigate sa tab na Lahat ng Larawan at piliin ang gusto mong larawan.
- Mag-click sa menu na I-edit at piliin ang button ng mga preset.
- Sa kategoryang Yours, pumunta sa Naka-save mula sa Discover.
- Piliin ang gusto mong preset at magpatuloy sa pag-edit.
Mag-download ng mga libreng preset sa Lightroom.
Pahusayin ang pag-edit mo ng larawan sa tulong ng mahigit 40 libreng preset sa Lightroom. Dahil sa predefined na settings, mababago mo ang mga larawan mo sa isang partikular na istilo o aesthetic gamit ang filter na isang click lang. Madaling i-install, gamitin at mag-edit on the go.
Mga pangunahing preset.
Mula sa food photography hanggang sa mga portrait – kunin ang libre mong bundle na may siyam na mahalagang preset.
Mga portrait preset.
I-highlight ang mga natatanging feature ng model mo gamit ang tatlong libreng portrait preset.
Mga night preset.
Naglalaman ng apat na preset ang bundle na ito. Sumuot sa gabi at i-edit ang mga larawan mo nang parang propesyonal.
Mga color preset.
Naglalaman ng tatlong preset ang bundle na ito para bigyang-diin ang mga matingkad na kulay at natatanging shade ng mga larawan mo.
Nature preset.
Ipamalas ang nakakabighaning ganda ng kalikasan at i-fine tune ang mga larawan mo gamit ang libreng preset na ito.
Mga architecture preset.
Pagandahin ang mga aesthetic ng arkitektura at bigyan ng natatanging hitsura ang mga larawan mo gamit ang 18 architecture preset.
Street preset.
Mga malamlam na cityscape at dramatikong lighting – bigyan ng atmospheric na dating ang mga street photo mo gamit ang preset na ito.
Mga pet preset.
Itutok ang spotlight sa aso o pusa mo sa ilang click lang – gamit ang apat na libreng preset para sa mahihilig sa hayop.
Lahat ng preset.
Kunin ang lahat ng 43 libreng preset sa Lightroom sa isang bundle at matuwa sa pag-eksperimento sa mga larawan mo.
Pahusayin pa ang pag-edit mo ng larawan.
Alamin kung paano mag-install at gumamit ng mga preset sa Lightroom gamit ang mga resource at tutorial na ito.
Magsanay sa mga kontrol sa pag-edit.
Pahusayin ang mga kakayahan mo sa pag-edit sa Lightroom, pati kung paano gumamit at gumawa ng mga preset.
Gawing perpekto para sa social ang mga shot mo.
Tuklasin kung paano ka matutulungan ng mga preset na mag-fine tune ng mga larawan para sa Instagram.
Gumamit ng mga preset on the go.
Sundin ang mga hakbang na ito para i-sync ang mga preset sa Lightroom sa mobile device mo para sa flexibility sa pag-edit.
Makuha ang lahat ng sagot.
Alamin kung paano mag-install ng mga preset sa Lightroom, custom man ang mga ito o third-party.