Adobe Photoshop Lightroom (1TB)
Ang cloud-based na serbisyo sa larawan para sa mga taong mahilig sa photography.
Uri ng subscription
₱5,976.00/taon
(₱498.00/buwan)
₱498.00/buwan
(Nangangailangan ng taunang commitment.)
Makakatipid ang mga estudyante at guro nang mahigit 60% sa Lightroom at 20+ Creative Cloud app.
Ano ang magagawa mo sa Lightroom?
Makuha ang lahat ng kailangan mo para gawin, i-edit, ayusin, i-store, at i-share ang mga larawan mo sa kahit anong device.
Mga pangunahing feature
- Gumawa ng napakagagandang larawan sa mga mobile device mo, sa web, at sa desktop mo gamit ang mahuhusay na feature sa pag-edit sa isang madaling gamiting interface.
- Secure na bina-back up sa cloud ang mga larawan at edit mo, at madali lang mag-ayos at maghanap.
- I-share at ipakita ang mga paboritong mong larawan sa mga nakakatuwang paraan.
Mga madalas itanong
Ano ang mga opsyon sa pagbili ng Lightroom?
Pwede mong bilhin ang Lightroom nang iyon lang mismo o bilang bahagi ng Photography plan ng Creative Cloud, at mabibili ang dalawang plan simula sa halagang ₱498.00/buwan. Available ang Lightroom Classic bilang bahagi ng Photography plan ng Creative Cloud, na mabibili simula sa halagang ₱498.00/buwan.
Magagamit ba ang Lightroom nang walang membership?
Hindi, magagamit lang ang Lightroom at ang mga pinakabagong bersyon ng mga Creative Cloud app kung may membership plan.
Kasama ba sa membership ang lahat ng update sa Lightroom?
Oo, gamit ang Lightroom, magkakaroon ka ng access sa lahat ng pinakabagong update at release kapag naging available na ang mga ito.
Ano ang pagkakaiba ng mga taunang plan at buwanang plan?
Nangangailangan ang taunang plan ng isang taong commitment at ito ang pinakamura naming plan. Mayroon itong 14 na araw na money back guarantee. Kung magkakansela ka pagkatapos noon, sisingilin ka ng 50% fee para sa mga natitirang buwan. Binibigyan ka ng buwanang plan ng flexibility na ihinto at simulan ulit ang membership mo nang walang cancellation fee.
Mai-install ba ang mga application sa computer ko o cloud-based ang mga ito?
Lokal na mai-install sa computer mo ang mga desktop application ng Creative Cloud mo — kabilang ang Lightroom. Hindi mo kailangan ng tuloy-tuloy na koneksyon sa internet para magamit ang mga ito. Kailangan mo lang kumonekta sa internet nang isang beses kada 99 na araw para i-validate ang membership mo.
Pwede ko bang gamitin ang software sa mahigit isang computer?
Oo, pwede kang mag-install at gumamit ng mga desktop app ng Creative Cloud sa dalawang computer, gaya ng computer sa bahay at sa trabaho. (Mac, PC, o tig-isa nito.)
Ano ang mangyayari kapag lumampas ang mga larawan ko sa nakatalagang cloud storage para sa akin?
Kung maubusan ka ng storage, mase-save lang ang mga bago mong larawan sa mga device kung saan nagmula ang mga ito. Hindi na maba-back up ang mga ito sa cloud o masi-sync sa mga device mo, at hindi na awtomatikong mata-tag ang mga ito para sa madaling paghahanap ng keyword sa Lightroom. Maa-access pa rin sa lahat ng device mo ang mga larawang na-back up mo na sa cloud.
Kung kailangan mo pa ng storage, pwede mong i-upgrade ang 20GB na plan sa 1TB o i-boost ang kabuuang storage mo sa 2TB, 5TB, o 10TB, na nagsisimula sa halagang ₱498.00/buwan kada terabyte. Para bumili ng higit pang storage, tumawag sa+65 3157 2191. Para i-upgrade ang kasalukuyan mong plan, mag-sign in sa Adobe ID account mo (Mga plan ko > I-manage ang plan > Lumipat ng plan). Para sa mga mas detalyadong tagubilin, tingnan ang Palitan ang plan mo sa Adobe.
Mga tuntunin sa membership at pagkansela
Magsisimula ang serbisyo kapag naiproseso na ang bayad mo. Sisingilin ka ng taunang rate na isinaad sa panahon ng pagbili bilang isahang lump sum, pati ng mga naaangkop na buwis. Awtomatikong mare-renew ang kontrata mo sa petsa ng taunang pag-renew mo hangga't hindi ka nagkakansela. Pwedeng magbago ang mga rate ng pag-renew, pero palagi ka naming aabisuhan bago ito mangyari. Kung magkakansela ka sa loob ng 14 na araw mula nang mag-order ka, ire-refund sa iyo ang buong halaga. Kung magkakansela ka pagkalipas ng 14 na araw, hindi mare-refund ang bayad mo at magpapatuloy ang serbisyo mo hanggang sa matapos ang termino ng kontrata mo. Pwedeng magkansela anumang oras sa pamamagitan ng pagbisita sa page mong I-manage ang Account o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Suporta sa Customer.
Ang Adobe, logo ng Adobe, Creative Cloud, Lightroom, at Photoshop ay mga nakarehistrong trademark o trademark ng Adobe sa United States at/o iba pang bansa. Ang lahat ng iba pang trademark ay pag-aari ng kanya-kanyang may-ari ng mga ito.