Habang tumatagal, lalong nagiging karaniwang bahagi ng pang-araw-araw na buhay ang augmented reality (AR). Matagal-tagal na itong ginagamit sa mga partikular na sci-fi na pelikula — gaya ng Terminator series at Minority Report — para magpakita ng tuloy-tuloy na daloy ng impormasyon na lumalabas sa isang headset display, o sa isang holographic terminal. Pero ang mga sinauna at medyo kakatwang paglalarawan ng AR ay nagbibigay-daan na ngayon sa mga aktwal na pang-araw-araw na sitwasyon ng paggamit ng augmented reality.
Ginagawa ng IKEA ang marami sa mga catalog image nito gamit ang virtual photography; ngayon, pwedeng gamitin ng mga customer ang mga image na ito bilang batayan ng isang AR experience, nang tinitingnan ang mga 3D image sa environment nila sa tunay na mundo para malaman kung babagay ang furniture. Napakaraming produktong available sa Amazon ang pwede na ring matingnan sa AR sa ganitong paraan. At hindi lang sa oportunidad sa pagbebenta magagamit ang AR; gumagamit ng AR ang mga journalist at news organization, kabilang ang The New York Times, para maghatid ng mga balita nang mas may depth at impact. Matagumpay na ginamit ang AR sa classroom, para mag-aral ng medisina, at pati sa pagsasanay sa militar.
Napakaraming gamit ng pambihirang teknolohiyang ito. Ang science fiction ng Hollywood ay pinalitan na ng aktwal na science fact.
Pero ang magagandang AR experience na ginagawa ngayon ay mga simpleng halimbawa lang ng kayang gawin ng medium. Nauunawaan ng mga AR application ang mundo sa paligid ng device, at pinapaganda nito ang pisikal na mundo gamit ang digital text, mga image, bagay, at tunog. Mahusay na pinagsasama ng mga pinakamagandang AR experience ang digital na impormasyon at ang interactive at konektadong multimedia content, at ang magandang depth ng pisikal na mundo.
“Ang AR ay ang paraan kung paano mahusay na maisasama ang teknolohiya sa bawat aspeto ng mga buhay natin para matulungan tayong makamit ang mga layunin natin,” sabi ni Stefano Corazza, fellow at head ng AR sa Adobe.