Huwag kailanman palampasin ang pagkakataong buuin ang brand mo.

Bawat signing experience ay pagkakataon para palalimin ang mga ugnayan sa customer. Acrobat Sign lang ang nagbibigay-daan sa iyong i-customize ang proseso ng paglagda, mula sa simula hanggang sa katapusan, para salaminin nito ang brand mo — hindi namin.

Mag-brand nang walang kahirap-hirap

I-brand ang bawat signing experience nang walang kahirap-hirap.

Kapag handa nang lumagda ang customer mo, pinapadali ng Acrobat Sign ang pag-personalize sa proseso ng electronic signature. Idagdag lang ang logo, tagline, at mensahe ng pagbati mo sa mga email na humihingi ng mga signature. I-customize ang page ng kumpirmasyon mo gamit ang mga mensahe ng pagpapasalamat, susunod na hakbang, at link sa social media na nagpapanatiling tuloy-tuloy sa experience. O dalhin sila sa website mo pagkatapos lumagda. 

Mag-brand nang walang kahirap-hirap
Bigyang-inspirasyon ang mga empleyado

Bigyang-inspirasyon ang mga empleyado gamit ang mga branded na screen.

Mahalaga din ang brand mo sa mga empleyado mo. Gamit ang Acrobat Sign, simple na lang i-customize ang web experience na nakikita nila kapag nag-send at sumubaybay sila ng mga dokumento. Kapag nasa itaas ng bawat screen ang logo mo, ang proseso ay magiging parang custom na app na binuo para lang sa kanila, at mananatili silang konektado sa kumpanya mo sa bawat hakbang. 

Mga naka-customize na email

Bumuo ng mas matitibay na koneksyon gamit ang mga ganap na naka-customize na email.

Ang Acrobat Sign lang ang nagbibigay sa iyo ng ganap na kontrol sa HTML para gumawa ng mga natatanging email ng kahilingan sa signature at kumpirmasyon na katangi-tatngi sa brand mo. Gamit ang mga custom na header, splash image, at iba pang visual treatment — maging naka-personalize na “Lumagda Ngayon” na call to action — makakagawa ka ng nakakaengganyong experience na nagsasama-sama sa iyo, mga customer mo, at pagkakailanlan mo. (May mga naaangkop na karagdagang fee.)

Mga naka-customize na email

Ano pa ang kailangan mong malaman?

Higit pang kakayahan

Alamin pa ang tungkol sa kung ano ang magagawa mo at ng organisasyon mo sa Acrobat Sign.

Mga Tutorial

I-explore ang kumprehensibong koleksyon namin ng mga tutorial para alamin pa ang tungkol sa Acrobat Sign.

Mga legal na e-signature

Sumunod sa mga pinakamabusising legal na kinakailangan. Madali lang ito sa Acrobat Sign.

Marami ka pa bang gustong malaman?

Kailangan mo man ng ilang pangunahing impormasyon tungkol sa mga solution namin, o gusto mo ng naka-customize na quote para sa mga natatangi mong pangangailangan sa negosyo, narito kami para matulungan kang masagot ang mga tanong mo.