Adobe Acrobat Sign

Isang click, maraming signature.

Kung kailangan mong palagdaan sa maraming tao ang iisang form, gamitin ang mega sign sa pamamagitan ng Acrobat Sign. Pwede kang mag-send ng isang dokumento sa maraming tao para lagdaan nila at ibalik — at subaybayan pa ito — lahat sa isang click.

Makatipid ng maraming oras. At abala.

Alisin ang stress na dulot ng paghahabol ng mga signature para sa isang form — ilanman ang taong kailangang lumagda rito. Mabilis na palagdaan sa maraming tao ang mga kasunduan at form mo sa pamamagitan ng pag-click sa “I-send” nang isang beses. I-import lang ang listahan mo, piliin ang form mo, at i-send. Iyon na 'yon. Makakatanggap ang bawat recipient ng sarili nilang indibidwal na form na pwede na nilang lagyan ng e-signature.

Ganap na visibility sa bawat maramihang pag-send.

Binibigyang-daan ka ng Acrobat Sign na subaybayan ang status ng signature ng bawat recipient na bahagi ng transaksyon mo sa mega sign. Sa pamamagitan ng mga real-time na insight, malalaman mo kung sino ang lumagda na at kung sino ang hindi pa. Pagkatapos, pwede kang kumilos kaagad kung kinakailangan para mapanatili mong tuloy-tuloy ang negosyo nang walang pagkaantala.

Validity na may seguridad.

Makampante sa kaalamang ang bawat online signature na kinukuha mo ay ligtas, secure, legal na valid, at tinatanggap. Ngayon, makakapagpatakbo ka na ng negosyo nang may higit pang flexibility — at mas mataas na kumpiyansa rin.

Magagawa ng lahat sa kumpanya na mag-send nang maramihan gamit ang mega sign.

Sales

Mag-verify ng mga pagbabayad nang mabilis at walang kahirap-hirap.

Human Resources

Panatilihing alam ng lahat ang mga pinakabagong update sa patakaran ng empleyado.

Legal

Mag-send ng mga waiver sa aktibidad, NDA, at iba pang form sa isang grupo para sa maraming signature.

Marketing

Napakadali na ngayon ng pagpaparehistro sa event o pangongolekta ng mga kawanggawang donasyon.

Gusto mo bang matuto pa?

Subukan ang Acrobat Sign Solutions at tingnan kung paano nito matutulungan ang negosyo mo. At kung may mga tanong ka o gusto mo ng naka-customize na quote para sa mga natatangi mong sitwasyon, palagi kaming narito para tumulong.