Adobe Acrobat Sign

Gumawa ng mga web form nang walang kahirap-hirap gamit ang form builder ng Adobe.

Mabilis na gawing mga online na form ang mga PDF at dokumento para sa iba't ibang layunin ng negosyo at i-post ang mga ito online kung saan makukuha ang mga ito ng sinumang nangangailangan.

Gamitin ang website mo.

Mgag-post ng mga digital na form sa website mo at bigyan ang mga customer ng interactive na experience na nagbibigay-daan sa kanilang sumagot at magbalik ng mga form mula mismo sa device nila, nasaan man sila. Hindi magda-download, hindi magpi-print, hindi maghihintay.

Makakuha ng real-time na insight at data.

Hindi mo na kailangang hanapin sa inbox mo ang isinumiteng na-scan na form o balikan kung sino ang lumagda sa form at kung kailan. Gamit ang Acrobat Sign at mga web form, makakakuha ka ng kumpleto at real-time na visibility sa status ng bawat form.

Bakit dapat gumamit ng mga web form?

Gamit ang feature na form builder sa Acrobat Sign, madali na lang gawin, i-publish, at subaybayan ang lahat ng mga digital na form na mahalaga sa negosyo mo. Wala nang manual na pagpoproseso ng mga papel na form o pag-send ng mga pisikal na kopya para palagdaan. Lumipat sa pagiging digital at pabilisin ang takbo ng negosyo mo araw-araw.

Gumawa.

Gamit ang online na form builder, madali kang makakagawa ng mga digital na form ng negosyo na may mga field ng form na pwedeng sagutan at lagdaan ng mga tao mula sa anumang device. O, gamitin ang mga na-prebuild naming template para sa iba't ibang layunin ng negosyo.

Mag-publish.

Pagkatapos na maayos na magawang mga digital na form ang mga PDF o document-based na form mo, i-post ang mga ito online para mas madaling makapangolekta ng data at mga signature mula sa mga customer at empleyado.

Mag-manage.

Subaybayan ang status ng bawat e-signature na kinokolekta mo. Pwede kang makatanggap ng mga real-time na notification sa email, mag-send ng mga paalala, magbago at magkansela ng mga kahilingan, at tumingin ng detalyadong audit trail para sa bawat transaksyon.

Magagamit ng lahat sa kumpanya ang mga web form at makikinabang sila rito.

Sales

Mag-customize at mag-share ng mga digital na application form, membership form, sales order form, at marami pa.

Human Resources

Ibigay sa mga empleyado at bagong na-hire ang bawat form na kailangan nila nang hindi nagpi-print ng kahit isang page.

Legal

Mga waiver sa aktibidad. Mga liability release. Mga NDA. Mag-customize at mag-manage ng mga ganitong uri ng form online.

Marketing

Magkaroon ng magandang impression sa tulong ng mga online na pag-sign up para sa event, photo release form, subscription form, at marami pa.

Gumawa ng mga online na form Alamin pa ang tungkol sa kung paano gumawa ng mga online na web form

Gusto mo bang matuto pa?

Subukan ang Acrobat Sign Solutions at tingnan kung paano nito matutulungan ang negosyo mo. At kung may mga tanong ka o gusto mo ng naka-customize na quote para sa mga natatangi mong sitwasyon, palagi kaming narito para tumulong.