Free-trial

Adobe Acrobat Pro

Subukan ito nang libre.

Makuha ang all-in-one na solution ng Adobe para mag-e-sign, mag-convert, at mag-edit ng mga PDF para mapanatiling tuloy-tuloy ang gawain.

Available din ang Acrobat Sign para sa negosyo. Alamin pa.

Narito ang makukuha mo sa trial na ito.

Isang linggo, talagang libre.

Isang buong linggo ng lahat ng feature

— nang libre.

 

Simulan ang 7 araw na free trial ng Acrobat Pro at subukan ang lahat ng feature nito. Tingnan mismo kung gaano pa karami ang magagawa mo kapag nag-paperless ka.

  

Kumpleto sa feature — ganap na kakayahan.

Mangolekta ng mga e-signature at makakuha

kaagad ng feedback.

 

Makatipid ng oras sa pamamagitan ng pag-send ng link sa maraming reviewer para sumubaybay sa status, kumuha ng feedback at mangolekta ng mga signature.

PDF sa anumang device, kahit saan.
Mag-e-sign nang mabilis.

Pwedeng mag-click lang ng link ang mga lalagda at lumagda mismo roon mula sa browser, sa computer o sa anumang mobile device nila — hindi kailangang mag-download o mag-sign up.

Gumawa ng mga PDF mula sa anumang file.

Mag-edit at magbago sa loob mismo ng PDF mo.

Mag-edit ng text at mga image, magdagdag ng mga bagong talata, at mabilis na baguhin ang pag-format ng text sa PDF file mo gamit ang Acrobat Pro.

 

Gumawa ng mga PDF mula sa anumang file.

Mag-edit at magbago sa loob mismo ng PDF mo.

Mag-edit ng text at mga image, magdagdag ng mga bagong talata, at mabilis na baguhin ang pag-format ng text sa PDF file mo gamit ang Acrobat Pro.

mag-edit ng file

Gumawa ng mga PDF mula sa anumang file.

Mag-convert ng mga scan, image, web page, at Microsoft Office file sa mga PDF file na pwede mong gawin kahit saan.

Mangolekta ng mga e-signature at halos agad-agad na feedback.

PDF sa anumang device, kahit saan.

Manatiling nakakonekta sa mga gawain mo sa PDF saan ka man pumunta. Magpatuloy kung saan ka mismo huminto sa laptop, mobile phone, at tablet mo.

Logo ng Acrobat

Acrobat Pro

FAQ tungkol sa Trial Program


Ang Acrobat Pro ang all-in-one na solution para mag-e-sign, mag-convert, at mag-edit ng mga PDF. Kasama sa trial na ito ang ganap na access sa Acrobat Pro software at mga online na serbisyo ng Acrobat para maayos na makagawa sa mga desktop at mobile device.


Pagkatapos i-click ang “Magsimula” mula sa web page na ito, hihilingin sa iyong ibigay ang email address mo. Kung mayroon ka nang Adobe ID, hihilingin sa iyong mag-sign in. Kung wala, sundin ang mga hakbang para simulan ang free trial mo

 


Magsisimula ang panahon ng trial sa araw na magsa-sign up ka at magpapatuloy sa loob ng 7 magkakasunod na araw. Sa ika-8 araw, maniningil ng bayad maliban kung mauuna kang magkansela. Kapag nag-expire ang trial, magagamit mo pa rin ang Acrobat para tumingin ng mga PDF, magkomento, at sumagot ng mga form. Para i-access ulit ang lahat ng feature, kakailanganin mong bumili ng Acrobat

 


Default na ia-uninstall ng pag-install ng trial ng Acrobat Pro ang anumang naunang bersyon ng Adobe Acrobat sa mga Windows device. Kung pipiliin mong panatilihin ang Acrobat software sa machine mo, baguhin ang default sa pamamagitan ng pag-uncheck ng opsyon na “Alisin ang naunang bersyon” sa UI ng Acrobat downloader. Kung na-uninstall mo ang naunang bersyon, pwede mo itong i-install ulit kapag tapos ka na sa trial. Tiyaking hawak mo ang orihinal na serial number at mga file sa pag-install.


Oo, available ang trial na ito sa Windows at Mac OS.

Windows
 

  • 1.5 GHz o mas mabilis na processor

  • Microsoft Windows Server 2016 (64 bit), 2008 R2 (64 bit), 2012 (64 bit), o 2012 R2 (64 bit); Windows 7 (32 bit at 64 bit), Windows 8 (32 bit at 64 bit), o Windows 10 

  • 1.5 GB na RAM

  • 2.5 GB na available na space sa hard disk

  • 1024x768 na resolution ng screen

  • Internet Explorer 11; Firefox Extended Support Release (ESR); o Chrome

  • Video hardware acceleration (opsyonal)

Mac
 

  • Intel® processor

  • Mac OS X v10.11, 10.12 o 10.13

  • 1.0 GB na RAM

  • 2.75 GB na available na space sa hard disk

  • 1024x768 na resolution ng screen

  • Safari 9.0 para sa OS X 10.11, Safari 10.0 para sa OS X 10.12, Safari 11.0 para sa OS X 10.13 (sinusuportahan lang ang plug-in sa browser para sa Safari sa 64-bit Intel processor)

Browser
 

  • Nalalapat ang mga kinakailangang ito sa subscription plan ng Acrobat Pro, at bukod pa ang mga ito sa mga kinakailangan sa desktop na nakalista sa itaas

  • Microsoft Windows 10 na gumagamit ng Microsoft Edge, Internet Explorer 11, Firefox, o Chrome

  • Microsoft Windows 7 na gumagamit ng Internet Explorer 11 o mas bago, Firefox, o Chrome

  • Mac OS X v10.12 (Sierra) o mas bago na gumagamit ng Safari 11 o mas bago, Firefox, o Chrome

  • iOS: Native browser na nakabatay sa iOS release at Chrome

  • Android: Native browser na nagshi-ship sa OS at Chrome

Para makakuha ng suporta habang nasa free trial ka, mag-click dito, kung saan pwede kang mag-access ng hanay ng libreng impormasyon, kasama ang mga tutorial, forum, at payo ng eksperto.

 


Itatakda ang Acrobat Pro bilang default na PDF viewer mo, pero pwede mong i-reset ang Reader bilang default sa pamamagitan ng pagbubukas ng Reader DC application at pagpunta sa Edit > Mga Preference > Pangkalahatan. I-click ang button na Piliin Bilang Default na PDF Handler at sundin ang mga tagubilin sa screen.

 


Windows: Para i-uninstall ang trial na bersyon mo sa Windows device, isara ang anumang nakabukas na Adobe software sa computer mo, buksan ang Control Panel ng Windows at i-double click ang Mga Program at Feature. I-click ang Acrobat Pro, at piliin ang “I-uninstall” mula sa menu.

 

Mac OS: Para alisin ang trial sa Mac, gamitin ang Acrobat Uninstaller sa folder na /Applications/Adobe Acrobat Pro.

 


Mga bersyon ng wika

Dansk

Français

Nederlands

Slovak*

Turkish

عربي

한국어

Deutsch

Hebrew

Norwegian

Slovenian*

Ukrainian

日本語

English

Hungarian

Polish

Suomi

čeština

体中文

Español

Italiano

Português (Brasil)

Svenska

Русский

繁體中文

* Available lang sa Windows.

 

Tandaan: Para sa Arabic at Hebrew, nasa English ang user interface ng application at default na naka-enable ang suporta sa Arabic/Hebrew na wikang pakaliwa ang pagsulat. Available din ang North African French (Français) na bersyon kung saan nasa French ang user interface ng application, at default na naka-enable ang suporta sa Arabic/Hebrew na wikang pakaliwa ang pagsulat.