Mag-navigate at maghanap
Paghahanap ng mga file
Nagbibigay ang Acrobat Reader ng ilang paraan para tumulong sa iyo na maghanap ng file, nilalamang file, at mga folder. Kapag walang nakabukas na fie, makikita sa menu sa ilalim ang available na mga lokasyon:

Home: Ipinapakita sa iyo ng Acrobat Home ang lahat ng file mo anuman ang lokasyon nito at nasa itaas nito ang pinakabinubuksang file.
Mga File: Gamit ang listahan ng mga File, mapipili mo ang lokasyon sa gadyet mo o sa cloud.
Naka-share: Kapag naka-sign in ka, makikita mo sa listahan ng Naka-share na file ang mga file na ibinahagi mo o ng iba sa iyo. Kasama rito ang mga file na view-only at mga file na ibinahagi para lagyan ng komento.
Maghanap: Tumutulong ang Maghanap para makita mo ang lahat ng file at nilalaman ng file na tugma sa hinahanap mo.
Tingnan ang pinakabagong mga file
Para makita listahan ng pinakahuling file na tiningnan, i-tap ang Home.
Maghanap ng mga file
Hinahanap ng Acrobat ang lokal at mga file sa Adobe cloud. Hindi ito naghahanap ng mga file sa iba pang cloud storage. Maghanap ng file ayon sa paksa o uri gaya ng sumusunod:
Kapag walang nakabukas na file, i-tap ang

Ilagay ang termino.
I-tap ang keyboard arrow.
Kapag lumitaw na ang resulta ng paghahanap, pwede mong piliin ang lokasyon ng file.

Buksan ang file mula sa cloud
Nakikipagtulungan ang Acrobat Reader sa Adobe cloud storage at iba pang 3rd party storage provider. Anumang pagbabago na gawin mo sa mga PDF mula sa cloud ay awtomatikong mase-save sa lokasyon ding iyon.
Pwedeng mag-install ang mga user ng Dropbox, Google Drive, at OneDrive saa mga app na ito o magdagdag sa ng kanilang account habang ginagawa ito para ma-on nila ang one-touch access sa mga lokasyong iyon. Kaya madali ka nang makakapagbukas ng mga file sa cloud gamit ang Acrobat Reader at ma-save ang na-edit na mga file sa orihinal na lokasyon.

Para ma-access ang mga file sa cloud:
Magpunta sa pahina ng
Mga File.Mag-tap ng isa sa mga cloud storage. Kung hindi ka pa konektado sa account mo, i-tap ang + > Magdagdag ng Account, at kumpletuhin ang workflow.
Kapag nagkaroon ka na ng access, pwede ka nang mag-navigate sa anumang file. Mga PDF file na nagbubukas sa Acrobat. Kapag nag-edit ka ng PDF, awtomatikong mase-save ang mga binago mo sa cloud.
Para ma-access ang mga file mula sa ibang lokasyon na accessible sa device mo, i-tap ang Mag-browse ng iba pang file at piliin ang file mula sa gustong lokasyon.

Mag-navigate sa loob ng file
Maghanap sa loob ng file
Magbukas ng file at mag-tap

Ilagay ang termino.
I-tap ang Maghanap o ang icon ng maghanap. Naka-highlight ang unang resulta.
I-tap ang arrow na pakanan o pakaliwa sa bar sa itaas para ipakita ang susunod o nakaraang paglitaw.

Tingnan ang mga menu
Karaniwan na, may makikitang menu sa itaas ng nakabukas na file ang mga icon ng karaniwang mga task. Iba-iba ang menu depende sa kung ano ang tinitingnan mo. Halimbawa, nagbabago ang mga item sa menu bar sa itaas depende kung tumitingin ka ng pribadong file, naka-share na file, o file na rerepasuhin.
Kapag bukas ang file, pwedeng gawing immersive mode ang file sa isang tap lang. Itinatago ng immersive mode ng mga menu para mas maipakita ang dokumento.
Mga lugar na pwedeng mag-tap
Kung itinakda mo ang viewing mode sa Pahina-por-Pahinang view, i-tap ang kaliwa o kanang gilid ng screen para makalipat sa nakaraan o kasunod na pahina.

Lumaktaw ng ilang pahina
Pwede kang lumaktaw ng ilang pahina kapag tumitingin ng mga PDF na may 3 o higit pang pahina. Para magawa ito:
I-tap ang screen para makita ang scrubber tab. Depende sa iyong mode ng pagtingin, makikita mo ito sa kanan o ilalim ng screen.
Pintudin nang matagal ang tab at i-slide sa ibang pahina.

Pumunta sa pahina
Para makapunta sa isang partikular na pahina sa mahahabang PDF:
I-tap ang screen para makita ang scrubber tab. Depende sa mode ng pagtingin mo, maaaring lumitaw ang scrubber sa kanan o ilalim ng screen mo.
I-tap ang scrubber tab.
Sa pahinang Magpunta sa na dialog, ilagay ang numero ng pahina na gusto mong puntahan.
I-tap ang OK.

Para magpunta sa ibang pahina, i-tap ulit ang scrubber. Sa magbubukas na dialog, ilagay ang numero ng bagong pahina o magpunta sa pahinang huling tiningnan. I-tap ang OK.

Smart zoom
Mag-tap nang dalawang beses kahit saan sa dokumento para ma-zoom sa eksaktong nilalaman na gusto mong makita. Inaanalisa ng Acrobat Reader ang dokumento at isinasakto ang view sa kolum ng text na pinindot mo. I-tap ulit nang dalawang beses para ma-zoom out.

Tingnan ang mga attachment
Kapag may mga attachment ang dokumento, pwede kang mag-navigate dito nang madali gamit ang pop up na menu. Para magawa ito:
I-tap ang
> Mga Attachment.Mag-tap ng attachment para matingnan ito. Kung hindi ito PDF, sasabihin sa iyo na buksan ito sa app na sumusuporta rito.
I-tap ang Bumalik para bumalik sa mismong dokumento.

Tingnan ang navigation menu
Sa PDF, i-tap ang
para ipakit ang menu ng aksyon na may mga link sa mga item sa dokumento. Kung mayroon nito, magbibigay ang menu ng link sa:
Mga komento
Mga bookmark
Talaan ng mga nilalaman
Mga Thumbnail
Mga Attachment

Tingnan ang mga bookmark
Ang mga dokumentong may bookmark ay nagpapakita ng icon sa toolbar sa ibabang kanan. Para makita ang mga bookmark:
I-tap ang PDF para makita ang menu.
I-tap ang
> Mga Bookmark.Mag-navigate sa mga bookmark, at mag-tap sa kailangan mong buksan sa espesipikong pahina.
Magdagdag at mag-alis ng mga bookmark
Para magdagdag o mag-alis ng bookmark:
I-tap ang PDF para makita ang menu.
I-tap ang

I-tap ang
o 
Pansinin
Isang bookmark lang ang pwedeng ilagay sa bawat pahina.
Tingnan ang talaan ng mga nilalaman
Para matingnan ang talaan ng mga nilalaman:
I-tap ang PDF para makita ang menu.
I-tap ang

I-tap ang Nilalaman.
Mag-navigate sa buong talaan ng mga nilalaman, at i-tp ang paksa na gusto mong buksan sa espesipikong pahina.
Tingnan ang listahan ng mga komento
Ang mga file na ibinahagi para marepaso ay maaaring may listahan ng mga komento ng tagarepaso. Para makita ang mga komento:
I-tap ang PDF para makita ang menu.
I-tap ang

I-tap ang Listahan ng mga Komento.
Mag-navigate sa mga komento, at mag-tap sa anumang kailangan mong buksan sa espesipikong pahina.