Pumirma ng mga dokumento

Tumutulong ang eSign feature ng Acrobat Reader na nasa cloud pumirma, magpadala, at makita ang nangyayari sa mga dokumento saanman iyon naroon. Pwede mong makuha ang sumusunod na mga feature na ito ng eSign kahit walang subscription sa Adobe cloud storage:

  • Gumawa ng pirma

  • Pirma

  • I-synchornize ang pirma sa iba't ibang device

  • Baguhin ang laki o ilipat ang pirma

  • Alisin ang pirma mo sa dokumento

  • Alisin ang naka-save na pirma

  • Ibalik sa dati o gawin muli ang pinakahuling aksyon

Pwede ka ring mag-instaall ng libreng Adobe Sign app. Ang Adobe Sign ay kasama ng ibang produkto ng DC at mga serbisyo ng Adobe na enterprise-class e-sign. Magagamit ito para magsimula at mamahala ng proseso ng pirma at magkolekta ng mga e-signature nang personal mula sa kliyente o kostumer. Bahagi ang Adobe Sign ng pagpirma sa mga produkto ng Adobe na tumutulong para pumirma, magpadala, at mamahala ng mga proseso ng pirma mula sa desktop, mobile device, at web.

Gumawa ng pirma

Pwede kang gumawa ng mga pirma o inisyal mula sa iginuhit, larawan, o picture ng kamera. Para magawa ito:

  1. Magbukas ng file na hindi naka-share at walang password.

  2. I-tap ang editicon > fillsignicon

  3. I-tap ang signicon

  4. I-tap ang Gumawa ng Pirma o Gumawa ng Inisyal at gawin ang isa sa mga sumusunod:

    • I-tap ang Gumuhit para mano-manong gumuhit pirma.

    • I-tap ang Larawan para makapili ng larawan sa device mo.

    • I-tap ang Kamera para magamit ng kamera mo para kunan ng larawan ang pirma mo.

  5. I-tap ang Tapos na.

Pansinin: I-enable ang I-save Online para i-save ng pirma sa cloud at i-sync ito sa lahat ng device mo.

../_images/createsignature.png

Pumirma ng dokumento

  1. Magbukas ng anumang file na hindi naka-share at walang password.

  2. I-tap ang editicon > fillsignicon

  3. I-tap ang signicon

  4. I-tap ang naka-save mong pirma o inisyal o gumawa ng bago.

  5. I-tap ang dokumento para mailipat o mabago ang laki ng mga pirma.

  6. Mag-tap sa labas ng pirma para makalabas sa signing mode.

I-synchornize ang pirma sa iba't ibang device

Isine-save ng Acrobat ang pirma mo at iniingatan ito sa Adobe cloud storage para magamit mo ito sa desktop, web, at lahat ng app sa mobile, kasama ang Acrobat Reader, Adobe Scan, at Adobe Sign.

Kapag gumawa ka ng pirma, i-enable ang I-save Online para ma-store ito sa Adobe cloud storage.

../_images/savetoonlineprofile.png

Baguhin ang laki o ilipat ang pirma

Bago isara ang dokumento, pwede mong baguhin ang laki o ilipat ang pirma mo. Hindi ka makakagawa ng mga pagbabago sa pirma matapos isara ang dokumento (o i-flat). Para mabago ang mga pirma:

  1. I-tap ng bagong lagay na pirma.

  2. Hilahin ito sa bagong lokasyon o hilahin ang arrow para baguhin ang laki nito.

  3. Mag-tap sa labas ng pirma para makalabas sa signing mode.

../_images/resizesig.png

Alisin ang pirma sa dokumento

Hindi mo mababago o maaalis ang mga pirma matapos ma-save ang dokumento. Para maalis ang pirma sa nakabukas at hindi pa naka-save na dokumento, i-tap ang pirma at piliin ang deleteicon

../_images/resizesig.png

Alisin ang naka-save na pirma

  1. Buksan ang pinirmahang file o file na sumuport sa pagpira.

  2. I-tap ang editicon > fillsignicon

  3. I-tap ang signicon

  4. I-tap ang clearsigicon

../_images/deletesig.png

Ibalik sa dati o gawin muli ang pinakahuling aksyon

Para ibalik sa dati o gawin muli ang huling aksyon, i-tap ng undoicon o redoicon.

Karaniwang mga tanong

Bakit hindi ko mapirmahan ang isang dokumento?

Hindi ka maaaring makapirma sa dokumento kung ang dokumento ay:

  • Naka-share para repasuhin

  • Naka-share para tingnan lang

  • May password

Bakit hindi ko mabura ang pirma ko sa isang dokumento?

Kapag na-save na ang dokumento, na-flat na ang PDF at hindi na pwedeng alisin ang pirma.

Bakit hindi ko makita ang mga komento ko, form data, o pirma sa PDF ko?

Dapat kang mag-sign in sa account mo sa Adobe Acrobat Reader para makit ang mga komento, form data, at pirma sa iyong PDF.

Paano ko maipapakita ang listahan ng mga pirma sa isang dokumento?

Hindi sinusuportahan ng Acrobat Reader app sa kasalukuyan ang feature na ito.

Pwede ba akong pumirma sa mga PDF na may password?

Hindi.