Adobe Acrobat
Tutorial: Mag-convert ng mga slide sa mga PDF.
Alamin kung paano mag-convert ng Microsoft PowerPoint .ppt o .pptx file sa PDF na dokumento nang walang kahirap-hirap gamit ang built-in na Acrobat ribbon sa Microsoft Office.
Maituturing na art ang mga PowerPoint presentation at slide mo. O baka trabaho lang ang mga ito. Alinman sa dalawa, gamitin ang built-in na Acrobat ribbon sa application para i-convert ang mga PowerPoint na dokumento mo sa mga dekalidad at versatile na PDF file. Madali lang i-share ang PDF at lumalabas nang tama sa anumang screen.
Madali lang ito.
Pasimplehin ang pag-share sa pamamagitan ng pag-convert ng PowerPoint file mo sa de-kalidad ng PDF. Pwede mong i-download ang na-convert na file mo o mag-sign in at i-share ito nang walang kahirap-hirap online.
Mabilis ito.
I-convert ang PowerPoint mo sa PDF sa loob lang ng ilang segundo, at mapanatag na naaayon sa kagustuhan mo ang kalalabasan ng file mo. Ang lahat ng formatting, style, at mga font ay lalabas sa PDF nang naaayon sa gusto mo.
Mobile ito.
Nasaan ka man, makakagawa ka ng mga de-kalidad PDF mula sa mga kasalukuyang dokumento mula sa anumang operating system at sa kahit anong mobile device.
Mas maganda ito.
Gawing PDF ang presentation mo gamit ang Adobe — ang imbentor ng at eksperto sa format — at mag-share ng mga pulido, propesyonal, at secure na PDF sa mga kliyente at kasamahan.
Paano mag-convert ng PowerPoint na dokumento sa PDF:
- Buksan ang file sa Microsoft PowerPoint.
- I-click ang Mag-convert ng PowerPoint file sa PDF:
- Sa Windows, i-click ang tab na Acrobat, at i-click ang “Gumawa ng PDF.”
- Sa Mac, i-click ang icon na “Gumawa at Mag-share ng Adobe PDF,” at lumaktaw sa hakbang 4.
- Protektahan ang PDF:
Piliin ang “Limitahan ang Pag-edit” sa dialog box kung gusto mong pigilan ang pagbago sa natapos na PDF file nang walang pahintulot mo. - I-save bilang PDF file:
Pumili ng folder para sa na-export na file o i-click ang “Pumili ng Ibang Folder” at mag-navigate sa naaangkop na folder. Pangalanan ang dokumento mo at i-click ang “I-save.”
Mga nauugnay na feature
Mas masulit pa ang Adobe Acrobat gamit ang mga tip na ito:
Subukan ito
Gamitin ang madali naming online na tool para mabilis na i-convert ang mga Microsoft PowerPoint presentation mo sa versatile na PDF — mula mismo sa browser mo.