Adobe Acrobat
I-convert ang PDF mo sa PPT.
Gawing mga nae-edit na PowerPoint file ang mga PDF file mo para makapagsimula sa susunod na malaking proyekto nang hindi bumabagal kahit kaunti.
Gamit ang pang-convert ng PDF sa PowerPoint sa Adobe Acrobat, simple na lang ang paggawa at pag-save ng presentation file mo. Pwedeng gawing PPT file o PPTX na format ng file ng Acrobat ang PDF mo sa loob ng ilang segundo sa desktop, gamit ang mga online na serbisyo, o sa telepono mo.
Mag-present nang mahusay.
Huwag makuntento sa mga larawan sa mga slide. Ngayon, pwede mo nang gawing naka-format na PowerPoint presentation ang PDF mo sa ilang madaling click gamit ang pang-convert ng PDF ng Acrobat.
Mag-edit kahit saan.
Mag-update ng anumang presentation mula sa browser o mobile device mo nang hindi nag-aalala sa mga error sa pag-convert o pagsasayang ng oras. Bibigyang-daan ka ng Acrobat na mag-convert ng mga file nang walang kahirap-hirap.
Gumugol ng mas kaunting oras sa pag-format.
Gumawa ng bagong PowerPoint file dahil alam mong awtomatikong mase-save ang lahat ng formatting mo. Kabilang doon ang mga bullet, table, object, or master layout.
I-export lang kung ano ang kailangan mo.
Papabilisin at papadaliin ng pang-convert ng PDF sa PPT ang pagpili at pag-export ng bahagi lang ng impormasyong kailangan mo. I-highlight ang piniling content, at gagawin itong PowerPoint format ng Acrobat.
Paano mag-convert ng PDF file sa Powerpoint:
- Magbukas ng PDF na dokumento sa Acrobat.
- Mag-click sa tool na “Mag-export ng PDF” sa kanang pane.
- Piliin ang “Microsoft PowerPoint” bilang format ng export mo.
- I-click ang “I-export.” Kung naglalaman ang PDF mo ng na-scan na text, awtomatikong magpapagana ang Acrobat ng optical character recognition (OCR).
- I-save bilang bagong file:
Pangalanan ang file mo at i-click ang button na “I-save.” Iyon na 'yon.
Mga nauugnay na feature
Mas masulit pa ang Adobe Acrobat gamit ang mga tip na ito:
Subukan ito.
Gamitin ang online na tool namin para gawing ganap na naka-format na PowerPoint presentation na pwede mong i-edit kahit saan ang PDF mo. Subukan ito ngayon, mula sa browser o mobile device mo.