Gawing vector graphics ang mga vision mo.
Paganahin ang imahinasyon mo, balikan ang mga konsepto ng design, at mabilis na gumawa ng mga ganap na nae-edit na graphics gamit ang Text to Vector Graphic. Mag-type lang ng isang simpleng paglalarawan para mag-generate ng mga scalable, at nako-customize na subject, eksena, at icon. Sisimulan ng AI vector generator ang design mo, na binibigyang-daan kang i-refine at i-personalize ang output. Dagdag pa, gamitin ang sarili mong artwork bilang reference para gumawa ng mga on-brand na asset para sa mga website, label ng produkto, at marami pa.
Mag-edit at mag-customize.
Ganap na mae-edit, infinite na scalable, at ginawa sa sarili nitong bagong layer ang mga illustration na na-generate gamit ang {{text-to-vector-graphic}}. Gamitin ang mga tumpak na tool sa pag-edit sa {{illustrator}} para baguhin ang bawat bahagi ng graphic mo para gumawa ng totoong katangi-tanging design na magagamit mo kahit saan.
Magdisenyo ng magagandang scene at higit pa.
Gamit ang Text to Vector Graphic, pwede mong baguhin ang mga resulta mo para sa mga tiyak na kalalabasang design. Mamili sa mga Scene, Subject, at Icon na output para gawin ang eksaktong vector graphic na kailangan mo, isa man itong simpleng illustration para sa logo o natatanging motif na dekorasyon ng packaging.
Gumawa ng mga design sa sarili mong style.
Gamitin ang sarili mong artwork bilang reference image para mag-generate ng mga bagong vector na may katulad na style. Mabilis na gumawa ng mga komplimentaryong image para sa social media at higit pa — ilang tap na lang ang de-kalidad at quick-turn na marketing graphics.
Mag-isip at maghanap ng inspirasyon.
Nagsisimula ng bagong proyekto ng team o personal na proyekto? Mula sa mga mood board hanggang sa mga tapos nang gawa, walang hirap na mag-generate at tumuklas ng katulad na graphics na may iba't ibang style, tema, at kulay gamit ang Text to Vector Graphic, na pinapagana ng ligtas para sa komersyal na paggamit na generative AI ng Adobe Firefly.