Inilalagay ng pag-iisip ng design ang user sa creative na proseso.

Isang uri ng creative na paglutas ng problema ang pag-iisip ng design. “Isa itong paraan ng pag-iisip at paggawa na pinapanatiling nasa sentro ng lahat ng bagay ang user,” paliwanag ng bihasang designer na si Meg Dryer. “Isa itong diskarte sa pagbuo ng mga produkto, serbisyo, at experience na nakasentro sa tao.” Pwedeng maging design thinker ang kahit sino, hindi lang mga graphic o product designer. Isa itong paraan para makabuo ng magagandang design para sa mga aktwal at digital na produkto, para makagawa ng mga bagong solusyon sa mga propesyon.

“Sa madaling salita, ang proseso ng pag-iisip ng design ay talagang malalim na pag-unawa sa mga tao at mga pangangailangan nila, pag-synthesize sa kung anong mga problema ang lulutasin mo, pagbuo ng ideya tungkol sa kung anong mga konsepto ang ide-design, at pagkatapos ay pag-prototype at pag-test nang paulit-ulit habang nakakakuha ng totoong feedback ng user,” sabi ni Dryer.

Mga design thinker na nagbe-brainstorm ng mga konsepto sa isang whiteboard table

Nagmumula ang magandang design sa pagmamalasakit sa iba pang tao.

Nagsisimula ang diskarte ng pag-iisip ng design sa detalyadong pagtuklas sa kung sino ang audience para sa produkto at kung ano ang posibleng pangangailangan nila. May isang buong larangan ng pag-aaral na tinatawag na Human Factors, na nakatuon sa pag-unawa sa interaction ng tao sa system, nang sa gayon ay magawang i-design para maging intuitive ang mga website at app.

Ipinaliwanag ng estudyante ng Human factors engineering na si Sara Berndt: “Masusi naming sinusuri ang pananaliksik tungkol sa user, gaya ng ‘Ano ang mga kulay na nakikita ng mga tao? Saan dapat nakalagay ang mga bagay tulad ng mga mensahe ng error o alerto para makita ng mga tao ang mga ito? Gaano karaming alerto ang dapat ipakita sa kanila bago nila gawin ang susunod na hakbang? Ano ang mahahalagang hakbang na dapat pagtuunan?’”

#FBEAEA

Ang limang-yugtong proseso ng pag-iisip ng design.

Anuman ang gusto mong gawin, ang limang hakbang ng matagumpay na proseso ng design ay magmalasakit, tumukoy, bumuo ng ideya, mag-prototype, at mag-test. Ang iginagalang na limang-yugtong modelong ito para sa pag-iisip ng design ay binuo ng global design company na IDEO at itinuturo ng Hasso-Plattner Institute of Design sa d.school ng Stanford University.

#FBEAEA

1. Magmalasakit: Pag-aralan ang mga pinapahalagahan ng mga user mo.

Ang unang hakbang bago ka magsimulang mag-design ay kilalanin ang audience mo at gumawa ng listahan ng kanilang mga pangangailangan at pinapahalagahan. “Napakahalaga ng pagkakaroon ng mahusay na listahan ng mga pangangailangan ng user. Iyan ang dapat mong paggugulan ng maraming oras na gawin,” sabi ni Berndt. “Dahil sa huli, makakaasa ka rito hindi lang para sa mga pagbabago sa hinaharap kundi para makipag-ugnayan din sa team mo. Kung may magmumungkahi ng bagong feature, pwede mong tingnan ang mga pangangailangan ng user mo at sabihing, ‘Mukhang hindi talaga iyan ituturing na mahalaga ng ating mga user.’ Talagang pundasyon para sa lahat ng bagay ang pag-unawa sa mga user mo.”

Pwedeng matukso kang umasa na lang sa data, pero mahalaga ang detalyadong pag-aaral sa user experience. “Masasabi sa iyo ng data kung ano ang nangyayari,” paliwanag ni Dryer, “pero hindi nito masasabi sa iyo kung bakit. Ganap na mahalaga ang qualitative at etnograpikong pananaliksik. Dahil doon mo malalaman kung ano talaga ang nararamdaman ng mga user mo at kung ano ang lahat ng kakaibang solusyon nila. Isa iyon sa mga paborito kong tuklasin.”

Gamitin ang mga sumusunod na paraan para pag-aralan ang mga user mo:

  • Mag-obserba: Pagmasdan ang mga user na ginagawa ang mga karaniwan nilang ginagawa.
  • Makipag-ugnayan: Kapanayamin ang at makipag-interact sa mga user.
  • Mag-immerse: Ilagay ang sarili mo sa kalagayan nila.
#FBEAEA

2. Tumukoy: Tukuyin ang problemang lulutasin mo.

Susunod, dalhin ang mga natuklasan mo mula sa yugto ng pagmamalasakit sa isang serye ng mga session ng pag-brainstorm kung saan pagsisikapan ng team mo na tukuyin ang isang pangunahing problemang pwede nitong lutasin para sa user. Ibalangkas din ang “pananaw” ng team mo o ang natatanging paraan na magagawang lutasin ng iyong produkto ang problemang iyon. Dapat mong i-frame ang problema mula sa perspective ng user, hindi mula sa perspective ng negosyo mo.

Mga design thinker na nagbe-brainstorm ng mga konsepto sa isang blackboard
Mga design thinker na nagbe-brainstorm na may mga papel na may konsepto sa sahig
#FBEAEA
Kung nagde-design ka ng website na pinagsasama-sama ang iba't ibang listing ng panandaliang paupahan, ang iyong pahayag ng problema ay magiging parang ganito, “Gustong mag-book ng mga tao ng mga panandaliang paupahan online pero nalulula sila sa dami ng iba't ibang website kung saan makikita ang mga listing.”
#FBEAEA

3. Bumuo ng ideya: Gumawa ng mga creative na solusyon.

Mag-isip ng maraming uri ng mga makabagong solusyon para sa problema mo. Panatilihing bukas ang isipan sa yugtong ito at huwag magbalewala ng mga ideya bago ka magkaroon ng pagkakataong i-prototype at i-test ang mga ito. Maraming anyo ang pagbuo ng ideya, at pwedeng manghiram sa iba pang industriya ang mga technique sa pag-iisip ng ideya.

“Mahalagang kumuha ng mga ideya mula sa lahat ng lugar,” paliwanag ni Dryer. “May kasamang ER ang isang proyektong ginawa ng mga kasamahan ko, kaya humayo sila at tiningnan nila kung ano ang gumagana para sa mga pit crew ng NASCAR. Dahil ang mga ito ay parehong mga sitwasyong mataas ang pressure at matindi ang intensidad kung saan napakahalaga ng koordinasyon ng team.”

#FBEAEA

4. Mag-prototype: Mabilis na mabigo para mabilis na matuto.

Sa yugto ng pag-prototype, dapat magsimulang gumawa ang design team mo ng mga simple at sulit na prototype ng marami sa mga ideya mo mula sa iyong mga session ng pag-iisip ng ideya. Hindi kailangang maging magarbo o mahal ang prototype mo. Pwede itong maging kahit ano mula sa isang hanay ng mga Post-it Note hanggang sa isang interactive na digital na mock-up ng isang app o website gamit ang isang program gaya ng Adobe XD. At kapag nagkaroon ng mga problema ang mga user, huwag mawalan ng pag-asa. Ang silbi ng prototype ay ipakita ang mga isyu. Kapag mas mabilis na “nabigo” ang prototype mo, mas mabilis kang makakahanap ng mas magandang solusyon.

Mga design thinker na gumagawa ng mga prototype ng konsepto
Mga upuang prototype ng konsepto na gawa sa papel
#FBEAEA

5. Mag-test: Bumalik sa drawing board.

Ang huling yugto ng proseso ng pag-iisip ng design ay pag-test. I-release ang mga prototype mo sa mga grupo ng user. Tingnan kung paano nag-i-interact ang mga tao sa mga ito at kung saan nagkukulang ang mga design mo. Ang pag-unawang ito sa customer experience ay magbibigay ng impormasyon sa mga susunod mong prototype.

“Huwag mangamba tungkol sa paghahanap ng mga angkop na tao,” sabi ni Dryer. “May matututunan ka mula sa halos sinumang makakausap mo. Sa tulong ng malalim na etnograpikong pananaliksik, nalaman kong hindi mo naman talaga kailangang kumapanayam ng masyadong maraming tao bago ka magsimulang makakita ng mga pattern.” Binigyang-diin din ni Dryer ang kahalagahan ng pagpapasuri ng iyong prototype sa mga sarili mong katrabaho para matiyak na teknikal na magagawa at magagamit ito mula sa perspective ng isang negosyo.

Kakailanganin mong mag-iterate ng maraming bersyon ng mga prototype bago mo mabuo ang panalo. Ang pag-test ay posible ring magpakita ng mas magandang paraan para i-frame ang problema mo, na mag-iiwan ng puwang para sa higit pang pag-iisip ng ideya. Maghandang maging listo sa iyong pag-iisip at huwag matakot na magsimula mula sa umpisa.

Bumuo ng matagumpay na team ng pag-iisip ng design.

Isa ang team mo sa iyong pinakamahahalagang tool sa pag-iisip ng ideya. Inirerekomenda ni Dryer ang pagtatakda ng ilang pangunahing panuntunan para masigurong handa ang team mo na mag-collaborate nang maayos at gawin ang pinakamahusay nilang trabaho.

  • Tumutok sa user. “Ang unang panuntunan ay palagi kaming nakatutok sa consumer,” sabi niya. “Hindi kami nakatutok sa mga sarili namin.”
  • Ipagpalagay ang pinakamabuting hangarin ng iba. “Ang pangalawang mahalagang bagay ay ipagpalagay ang mabuting hangarin at sikaping umunawa,” sabi niya.
  • Patibayin ang kumpiyansang maging creative. Ang pangatlong panuntunan ni Dryer ay isang ligtas na kapaligiran para sa mga ideya ng lahat ang pag-iisip ng design. “Designer ang lahat. Kung nag-iisip ka ng ideya, mayroon kang pantay na pagkakataon sa talakayang ito. Pwedeng maging creative at innovative ang lahat,” sabi niya.

Ihanda ang iyong sarili gamit ang pinakamahuhusay na design tool.

I-access ang pinakamahuhusay na design tool para sa bawat yugto ng proseso gamit ang Adobe Creative Cloud. Mula sa mga wireframe, gumawa ng mga interactive na prototype na madali mong mashe-share sa mga test audience. Tingnan kung paano ito ginagawa sa step-by-step na tutorial na ito.

Ang oras na ginugol sa pag-iisip ng design ay magliligtas sa iyo sa katagalan. “Ito ang pinakamahusay na diskarte sa pagbabawas ng panganib na pwede mong makuha,” sabi ni Dryer. “Sa pagdaan sa proseso ng pag-iisip ng design, malalaman mo ang lahat ng hindi maganda tungkol sa produkto mo o malamang na hindi gagana.” Simulang alamin ang proseso ngayon at tingnan kung anong mga kamangha-manghang solusyon ang maiisip mo.


Mga Contributor

Meg Dryer, Sara Berndt


https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/seo-articles/do-more-illustrator-color-blade