#1e1e1e

illustrator

Isang panimula sa kerning.

Ina-adjust ng kerning ang letterspacing para gawing mas nababasa ang type. Tuklasin ang mga paraan para gumamit ng kerning para mapahusay ang mga design mo at mapaganda ang typography mo.

I-explore ang Illustrator

Image ng text na nagpapakita ng magandang kerning at hindi magandang kerning.

I-explore ang typographic art ng kerning.

Ang design ay puno ng mga konsepto sa level ng detalye na mas mahalaga kaysa sa iminumungkahi ng mababaw na kasimplehan nito. Magandang halimbawa ang kerning. Kapag epektibong ginamit, pwedeng maging mahusay na tool ang kerning para impluwensyahan ang aesthetic at komunikasyon sa pamamagitan ng type. Isa itong tool na kapag ginamit nang mabuti ay hindi mapapansin ng karaniwang mambabasa.

“Kung sisimulan mo itong hanapin,” sabi ng designer na si Madeline DeCotes, “mababatid mong napakarami pang bagay tungkol sa mga titik kaysa sa inaakala mong posible.”

#ebeefa

Ano ang kerning?

Ang kerning ay ang spacing sa pagitan ng mga indibidwal na titik o character. Hindi tulad ng tracking, na ina-adjust ang laki ng space sa pagitan ng mga titik ng buong salita nang pantay-pantay ang pagtaas, nakatuon ang kerning sa hitsura ng type — na gumagawa ng nababasang text na kaaya-ayang tingnan. Bagama't ang mga designer ng typeface ay bumubuo sa mga space sa paligid ng bawat titik, at kung minsan ay sa pagitan ng mga pares ng mga titik, hindi palaging epektibo ang mga space na iyon sa lahat ng sitwasyon, lalo na kung gumagamit ka ng typeface sa paraang hindi inasahan ng designer. Doon pumapasok ang manual na kerning. Dahil nasa tumitingin ang kagandahan, walang dalawang kerning job ang magiging pareho.

“Ang kerning ay isang kapansin-pansing subjective na anyo ng art,” paliwanag ni DeCotes. “Kailangang tingnan ng designer ang space sa pagitan ng bawat titik sa isang salita at itanong, ‘Mukha bang sapat na space na ito? Mukha bang sobra-sobra? Masyado bang magkakadikit ang mga titik?’”

#ebeefa
Larawan ng salitang nagpapakita ng dalawang magkaibang paraan para mag-kern ng mga titik.

Pagtukoy kung kailan dapat gamitin ang kerning.

May ilang sitwasyon kung saan gugustuhin mong manual na i-kern ang iyong type. Ang text na magandang tingnan sa mas maliliit na point size, tulad ng sa isang talata sa isang page ng magazine, ay posibleng magmukhang awkward sa mas malalaking point size, tulad ng isang headline ng artikulo o isang billboard. Ito ay dahil nangangailangan ang mas maliliit na text size ng higit na space sa pagitan ng mga titik para mapanatili ang legibility. Kung lalakihan mo ang text size nang hindi manual na pinapaliit ang space sa pagitan ng mga character, malamang na hindi mo magugustuhan ang mga resulta.

Ang mga logo ay isa pang halimbawa kung saan posibleng hindi sapat ang automatic kerning ng font. Sa pag-design ng logo, kinakailangang isaalang-alang mo ang iyong kerning para sa iba't ibang paggamit — ang mga karatula, website, mug, at lapis ay posibilidad lahat — at magke-kern ang magaling na designer nang nasa isip ang mga potensyal na paggamit na ito.

“Kung hindi ka designer, hindi ito isang bagay na iniisip mo,” sabi ni DeCotes. “Hindi namamalayan ng mga tao sa tuwing nakakakita sila ng malaking text, nasa poster, billboard, o website man ito, na ang mga font ng headline ay malamang na maingat na na-kern.”

Pwedeng magdulot ng problema para sa mga designer ang mga font na na-download sa internet nang libre, dahil hindi propesyonal na itinakda ang default na kerning (tinatawag ding metric kerning) ng mga ito. Sinabi ng designer na si Nick Escobar na karaniwang mga amateur ang gumagawa ng mga libreng font. “Madalas na talagang hindi maganda ang kerning ng mga ito, kaya kailangan mong gawin at manual na i-adjust ito.”

Bilang isang pangkalahatang tuntunin, sabi ni Escobar, “Kapag mas maganda ang pagkakaguhit sa font, at kapag mas bihasa ang artist, mas hindi mo kailangang i-adjust ang kerning.”

Mga aralin sa kerning para matulungan kang bumuo ng iyong mga kasanayan.

Ang pag-aaral na mag-kern ay tungkol sa pagpapahusay sa iyong mata sa pamamagitan ng pagsasanay at pag-uulit, pero mahalagang bahagi ng pagsulong sa iyong journey sa typography ang pagkuha ng ideya mula sa kaalaman ng eksperto. Magagandang resource ang Behance at ang Adobe YouTube channel para sa higit pang pagkatuto at pagkuha ng inspirasyon mula sa iba pang artist, habang makakapagbigay sa iyo ang mga artikulo ng teknikal na know-how. I-explore ang mga tutorial na ito at simulang pahusayin ang iyong mga kasanayan:

Infographic na nagpapakita ng iba't ibang spacing ng linya ng isang salita.

Spacing ng linya at character sa Adobe Illustrator

Mas maunawaan pa ang paggamit ng kerning sa Illustrator at matuto tungkol sa mga nauugnay na konsepto ng typography tulad ng tracking, baseline, at leading.

Visual na nagpapakita ng halimbawa ng pagkakaiba ng tracking at kerning.

Kerning at tracking sa Adobe InDesign

Alamin ang pagkakaiba ng metric, manual, at optical kerning pati na ang mga keyboard shortcut para sa paggawa sa InDesign.

Design ng salitang 'and' sa iba't ibang style gamit ang mga custom na adjustment sa text.

Paggamit ng OpenType para mag-customize ng mga font.

Tuklasin kung paano gumawa ng mga nakakatuwang custom na adjustment sa type gamit ang OpenType. Ang mga ligature, swash character, at contextual alternative ay ilan lang sa mga feature na pwede mong pag-eksperimentuhan sa OpenType. Nagbibigay ng mga natatanging hamon sa kerning ang mga custom na adjustment. Makakakita ka ng maraming OpenType font sa pamamagitan ng Adobe Fonts.

Larawan ng naka-frame na letter-based na design ng art sa tabi ng dekorasyon.

Paggawa ng letter-based na art sa Illustrator.

Sa step-by-step na tutorial na ito, matututunan mo kung paano gumawa ng typographic art sa pamamagitan ng custom na kerning at mga OpenType adjustment.

#ebeefa

Mga paraan na pwede mong pag-eksperimentuhan ang kerning.

Nagiging pinakamalaking advantage ng designer ang kawalan ng mga nakatakdang panuntunan para sa kerning kapag gumagawa ng mga mas creative na paggamit sa type, tulad ng design ng logo o gawaing pang-editoryal. Sa mga medium na ito, nagiging paraan ang kerning para impluwensyahan ang hitsura at tone ng iyong design.

“Kung gusto mong gumawa ng mga nakakatuwang hugis o enerhiya sa iyong logo, pwede mong guluhin ang kerning at simulang tingnan kung paano nag-i-interact ang mga letterform,” sabi ng designer na si Jimmy Presler. Ibinigay niya ang halimbawa ng logo ng FedEx, na ang nakatagong arrow nito ay nabuo sa pamamagitan ng negatibong space sa pagitan ng mga titik.

Tinukoy ni DeCotes ang Nike bilang isa pang halimbawa ng sinasadyang kerning. “Kung titingnan mo ang mga classic na ‘Just Do It’ ad, mapapansin mong sobrang naka-kern ang mga titik na halatang hindi ito ang default na font. Pero kung hindi sobrang naka-kern ang mga ito, hindi ito magiging kasing mapangahas o kamangha-mangha.”

Ang aral? Sulitin ang flexibility na ibinibigay ng kerning. Maging creative at pwede kang makahanap ng mga bagong paraan para kontrolin ang hitsura, dating, o maging ang kahulugan ng iyong type.

“Masyado mang naka-kern ang mga bagay o naka-space out, airy, at komportable ang mga ito, makakakuha ka ng iba't ibang pakiramdam, tulad ng kung nakikinig ka sa isang kantang punk rock, isang kantang jazz, o isang piyesa ng classical,” paliwanag ni Presler.

Ilan pang tip sa kerning.

Bagama't subjective ang kerning, isaisip ang mga tip na ito mula sa mga pro habang nagsisimula kang pagbutihin ang iyong mga kasanayan.

1. Pagpira-pirasuhin ito: Magandang paraan ang paggawa gamit ang dalawang titik lang sa bawat pagkakataon para mahasa ang mata mo. Sa pamamagitan ng paghihiwalay ng mga pares ng kerning, mas madali mong makikita kung saan kailangang gumawa ng mga adjustment.

2. Humingi ng opinyon ng iba: Mahirap makita ang mga sarili mong pagkakamali, lalo na kung nagsisimula ka pa lang. “Kapag bago ka rito, patingnan ito,” payo ni Escobar.

3. Dumistansya ka sa trabaho: Gaano ka man kabihasa, mahalagang lumayo ka sa gawa mo. “Isa itong mahirap na sitwasyong pwedeng kahantungan mo, dahil pwede ka talagang matuon sa mga detalye ng pagtiyak na perpekto ang lahat ng bagay,” sabi ni Presler. “Gawin ito, pagkatapos ay lumayo ka saglit.”

4. I-print ito: Ang isa pang paraan para makakuha ng bagong perspective ay ang pag-print ng gawa mo. “Makakatulong talaga ang pag-print ng isang bagay sa iba't ibang laki para maunawaan mo kung saan mo posibleng kailanganing i-adjust ang kerning,” paliwanag ni Presler.

5. Tandaan ang mga karaniwang nagdudulot ng problema: Ang ilang partikular na kumbinasyon ng titik — tulad ng mga pares ng titik na may mga diagonal na arm o leg gaya ng A o V — ay karaniwang nangangailangan ng pag-adjust. Ang malalaking titik na sinusundan ng maliliit na titik ay mga pares ng kerning na may potensyal ding magdulot ng problema. “Karaniwang kailangan ng higit na adjustment ang unang titik pagkatapos ng malaking titik, lalo na sa serif font,” sabi ng designer na si Robin Casey.

6. Magsanay: Ang Kern Type, na isang kerning game para sa pagsasanay ng letterspacing, ay mahusay para sa pagkuha ng instant na feedback, habang posibleng mas talakayin ng mga tutorial ang mga mas advanced na technique sa Illustrator o InDesign.

Pagsasanay at pagkakalantad ang mga pangunahing sangkap sa pag-fine tune ng iyong kadalubhasaan sa kerning. Ngayong madali mo nang magagamit kapag kailangan ang mga tip at trick na ito, oras na para isagawa mo ang iyong know-how sa kerning.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/seo-articles/do-more-illustrator-color-blade