DESIGN
Tumingin ng inspirasyon para makatulong na mapaganda ang mga ideya mo para sa logo.
Ang paggawa ng isang simbolo na mabilis na nagbubuod sa isang brand ay posibleng maging isang nakakatakot na gawain, pagdating sa design at mga teknikal na pagsasaalang-alang. Tumuklas ng insight at payo sa kung paano paunlarin ang kasanayan mo bilang designer ng logo.
Paano palinawin ang diwa ng isang brand.
Sa isang tingin lang dito, maraming maipapahayag tungkol sa brand kahit ang isang hindi gaanong matagumpay na logo. Ang magagandang logo ay ilan sa mga pinakakilala at matunog na simbolo sa planeta.
“Sa design ng logo, nagkukuwento ka sa isang napakaliit na espasyo,” sinabi ng designer na si Dylan Todd. “Pag-isipan kung ano ang sinusubukan mong sabihin at alamin ang pinakamahusay na paraan para ipahayag ito, gamit man ang graphics o type.” Makakatulong ang pag-unawa sa design ng logo para makaiwas ka sa mga hindi magandang ideya nang sa gayon ay makagawa ka ng malaking pahayag sa maliit na espasyong iyon.
Paano masasabing maganda ang isang logo?
Sa isang propesyonal na logo, kailangang maipahayag ang misyon, mga pinapahalagahan, at diwa ng isang kumpanya. Ang pagtatanong tungkol sa mga bagay na ito ay dapat unang bahagi ng proseso ng isang designer kapag gumagawa ng custom na logo. Ang pagkilala sa kliyente o kumpanya ang unang hakbang tungo sa paggawa ng perpektong logo para sa kanila.
“Nagsisimula ako sa isang questionnaire na binuo ko para pag-usapan kung ano ang gustong sabihin ng kliyente at kung sino ang kanilang audience,” sinabi ni Todd. Sinabi ng graphic designer na si Jimmy Presler, “Magtanong tungkol sa damdaming gusto nilang ipahayag at ang mga partikular nilang layunin sa proyekto. Mas maganda kung mas maraming reference image ang makukuha mo.” Mas magagawa mo ito nang tumpak kung nauunawaan mo ang vision at pagkakakilanlan ng kliyente bago mo simulang i-design ang logo. Alamin ang kuwento nila, at sabihin ito gamit ang isang tatak.
“Isa kang commercial artist na naroon para ihatid ang mga kahingian ng komersyo, ” sabi ni Todd. “Ang taong kumukuha sa iyo ay may vision na sinusubukan mong isagawa. Kung minsan ay pwede kang magbigay sa kanila ng isang bagay na ikagugulat nila, pero hindi mo gustong bigyan sila ng isang bagay na salungat sa kuwentong gusto nilang ipahayag.”
Mga tip para sa pagpapaganda ng mga design ng logo mo.
Kapag sinisimulan ang isang logo, iminumungkahi ni Presler na palawakin ang isang ideya. “Halimbawa, makikita ko kung gaano karaming magkakaibang paraan at kung gaano ko kasimpleng maiguguhit ang isang ulo ng kuneho,” sinabi niya. “Patuloy kong uulitin ang pangunahing ideya at pagkatapos ay tutukuyin ko kung alin sa mga iyon ang mas matagumpay.”
Ginagawa ni Todd ang kanyang mga naunang sketch nang digital. “Bubuksan ko ang Adobe Illustrator at magsisimula akong mag-type ng mga bagay at maghahati ng mga titik at maglilipat-lipat ng mga bagay — mas katulad ito ng scuplture kaysa drawing,” sinabi niya.
Isa sa mga paborito niyang paraan ng pagpapaganda ng logo ang pag-bend, pag-shape, at pag-distort ng text gamit ang mga curvature tool. Gamit ang isang Bézier curve, makakagawa ang mga designer ng malilinis na arko batay sa mga fixed point. “Gumagawa ito ng isang ganap na bagong paraan para sa mga typeface at design ng logo,” sabi niya.
Alamin ang mga pangunahing kaalaman tungkol sa paggawa ng mga curve.
Alamin kung paano gumawa ng mga curve gamit ang mga linya, type, o image gamit ang mga curvature tool ng Illustrator.
Binigyang-diin din ni Todd na napakahalaga sa paggawa ng magagandang logo na pamilyar ka sa mga tool mo. Mahigit isang dekada na ang ginugugol niya sa pagpapahusay ng kanyang mga kasanayan sa Illustrator. “Maging pamilyar sa mga tool mo na parang isa kang karpintero,” sinabi niya, at iminumungkahi niyang maglaan ng oras ang mga designer para pag-eksperimentuhan ang lahat ng kailangang tool sa Illustrator.
Magsimula sa mga tool ng Illustrator.
Pahusayin ang pag-unawa mo sa toolset ng Illustrator para matulungan ka sa paggawa mo ng logo.
Sinabi rin niya na bagama't walang tiyak na panuntunan sa design, dapat maglaan ng oras ang mga bagong designer na malaman kung paano ito gawin. “Kailangan mo ng magandang pundasyon sa mga pangunahing kaalaman bago mo simulang subukang lumabag sa mga panuntunan,” sabi ni Todd.
Pagsasaalang-alang sa mga detalye at pagiging nauunawaan ng logo.
Inaasahang madaling matutukoy ang isang logo. Napakahalagang nababasa ito, kaya ingatang huwag sumobra sa pag-design. “Ipakita ito sa mga taong hindi designer,” sinabi ni Presler. “Ipakita mo ito sa ina, ama, o sa kapitbahay mo. Posibleng mukhang cool ang isang bagay, pero kung walang makakabasa sa isinasaad nito, kailangan mong pag-isipan ulit ang diskarte mo.”
“Ipakita ito sa mga taong hindi designer, Ipakita mo ito sa ina, ama, o sa kapitbahay mo. Posibleng mukhang cool ang isang bagay, pero kung walang makakabasa sa isinasaad nito, kailangan mong pag-isipan ulit ang diskarte mo.”
Ang mga logo ay karaniwang hindi dapat magmukhang mga coat of arm, government seal, o archaic device. May magandang dahilan kung bakit naging mas stylized na shield na may stripe ang dating mukhang mapalamuting coat of arms na logo ng Cadillac: maduduling ka sa kakahanap ng mga detalye sa crest na may iba't ibang hindi matukoy na bahagi. Mas direktang naipapahayag ng logo kung saan pinasimple ang mga detalyeng iyon ang pagkakakilanlan ng brand.
Mahirap maging simple. Kinikilala ni Alyssa Newman, na isa ring digital painter, na para sa mga artist at designer na nasanay sa detalye, posibleng napakahirap gumamit ng mga simpleng element ng design. “Tinatanong ko, ‘Paano ko epektibong maipapahayag ang badge o icon o logo na ito sa pamamagitan ng mga napaksimpleng hugis?’” Ang artistry sa paggawa ng magandang logo ay makikita kung saan nagtatagpo ang pagiging simple at creativity.
Paano pinapadali ng mga vector ang pag-scale.
Kailangang maging maganda ang mga logo kapag pinalaki, pinaliit, o ni-reproduce sa iba't ibang surface tulad ng mga business card, letterhead, at sasakyan ng kumpanya. Kailangang bumagay ito kapag may kulay, black and white, at gray scale. Kapaki-pakinabang na tool ang mga vector para sa pag-scale para matugunan ang iba't ibang pangangailangang ito.
Pag-explore ng mga iconic na logo.
Karaniwang gusto ng mga kliyente ang mga agaw-pansin at natatanging logo para mamukod-tangi sila sa iba. Para magawa iyon, ipinapayo ni Todd na huwag lang sumunod sa mga trend sa design ng logo, at nagbabala siya sa paggamit ng ilang font na masyadong nang ginagamit. “Magagandang font ang Futura, Helvetica, or Gotham, pero makikita mo ang mga ito saan ka pumunta,” sinabi niya. “Ang huling bagay na gugustuhin mo ay magkaroon ng logo na parang nakita mo na.”
Para maiwasan ang pag-uulit at matulungan ang isang kliyente na mamukod-tangi, huwag matakot na lumihis sa pangkaraniwan. Pwedeng creative na logo ang mismong kailangan ng kliyente. “Nagawa na ang lahat dati,” sinabi ni Newman. “Pagdating sa minimalist na logo o icon, gugustuhin mo ring panatilihin itong authentic hangga't posible. Kaya, huwag matakot na gawin itong medyo kakaiba.”
Gayunpaman, huwag din namang madaliin ang sarili mong gawin ang susunod na mabilis na matukoy na brand icon. Ang swoosh ng Nike, logo ng Apple, at ang smile ng Amazon — magagandang halimbawa para sa inspirasyon sa design ng logo — nagpapabatid ang lahat ng ito ng napakapartikular na damdamin. Gayunpaman, nagagawa ito ng mga ito dahil nakamit na ng mga ito ang iconic na status sa paglipas ng mga taon sa pamamagitan ng pagiging matatalinong design na hindi kailangang palitan habang nagbabago ang mga style.
Posibleng o posibleng hindi maging iconic ang isang logo. Hindi iyon kontrolado ng designer. Ang pagiging nababasa at nagagamit ng logo ang makokontrol mo. Para magsimula sa paggawa ng magandang logo, tingnan ang tool sa pag-design ng logo ng Adobe.
https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/seo-articles/do-more-illustrator-color-blade