#1e1e1e

DESIGN

Gumawa ng kagandahan at makahanap ng panloob na kapayapaan gamit ang mandala art at design ng mandala.

Tuklasin ang kasaysayan ng design ng mandala at makakuha ng mga tip kung paano gumuhit ng mga sarili mong bersyon ng mga sagradong simbolong ito.

I-explore ang Photoshop

Isang makulay na piraso ng mandala art

Ano ang mandala?

Sa sinaunang wikang Sanskrit ng Hinduism at Buddhism, ang mandala ay nangangahulugang “bilog.” Ayon sa kaugalian, isang geometric na design o pattern ang mandala na kumakatawan sa cosmos o mga deity sa iba't ibang mala-langit na mundo. “Tungkol ito sa paghahanap ng kapayapaan sa symmetry ng design at ng sanlibutan,” sabi ng artist na si Saudamini Madra.

Nagsimulang gumawa ng mga mandala ang artist at math professor na si Fernanda Bonafini dahil lang sa nakakatuwa ito. “Sa proseso ng pagguhit ng mandala artwork, nagiging mas kalmado at mas payapa ang pakiramdam mo, at bumabagal ang paghinga at tibok ng puso mo. Ang pakiramdam sa isip at katawan mo, at ang koneksyon ng mga ito, ay napakaganda,” sabi ni Bonafini.

Nakagawa na ng mga mandala ang mga tao sa iba't ibang kultura sa buong mundo, na nagmumungkahing pumupukaw ang anyong ito ng isang bagay na malalim sa kalooban ng bawat tao. Naniniwala ang mahusay na psychoanalyst na si Carl Jung na kinakatawan ng mandala ang Sarili at na ang pagguhit ng mandala ay nagbibigay sa isang tao ng sagradong espasyo para makatagpo ang Sarili na iyon. Itinuring niyang isang epektibong art therapy ang paggawa ng mga mandala, na tumutulong na pakalmahin at paginhawain ang mga taong may mga isyu sa kalusugan ng pag-iisip.

Ang mga Mayan, Aztec, Australian aborigine, at Katoliko sa Europe ay gumawa lahat ng mga mandala sa isa o iba pang paraan, pero pinakakaraniwan ang mga mandala sa Buddhist at Hindu art ng subkontinente ng India.

Mga Buddhist na monghe na gumagawa ng mandala na gawa sa buhangin
Mga Buddhist na mandala na gawa sa buhangin.

Sa loob ng maraming siglo, ginawa ng mga Tibetan Buddhist na monghe ang mga cosmic na diagram na ito mula sa may kulay na buhangin. Habang sadya nilang inilalagay ang bawat butil ng buhangin gamit ang mga metal na embudo at patpat, pumapasok sa isang flow state ang mga monghe. Kapag malapit na sila sa gitnang punto ng artwork, nae-experience nila ang transcendence ng Sarili at ang realidad ng isang sanlibutan kung saan malaya sa pagdurusa ang lahat ng nilalang. Pagkatapos, makalipas ang mga araw o linggo ng paggawa, isinasagawa nila ang kawalan ng attachment at ipinapakita nila ang pagiging pansamantala ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng pagsira sa mandala.

Isang Hindu na mandala
Mga Hindu na mandala.

Tinatawag ding mga yantra, dumating ang mga mandala sa Hinduism mula sa Buddhism. Parisukat ang mga tradisyonal na yantra, na may gate sa bawat gilid sa palibot ng isang gitnang bilog na naglalaman ng isa sa mga diyos ng Hindu. Sa pamamagitan ng meditative na paggawa ng mandala, tinatawag ng artist ang diyos na iyon para tulungan siyang tumuklas ng mga katotohanan ng sanlibutan.

Isang taong gumuguhit ng mandala

Paano gumuhit ng sarili mong mandala.

Magsimula sa isang tinatayang ideya ng kung ano ang gusto mong gawin. Pumili ng pabilog o parihaba, black and white o may kulay. Pwede kang gumuhit ng mga talulot at dahon para sa isang floral na mandala. Pero huwag kang mag-alala kung hindi ka sigurado kung ano ang gusto mo. “Kung minsan, wala akong ideya kung ano ang ginagawa ko,” sabi ni Madra. “Nagsisimula lang ako sa pinakamaliit na layer, ang pinakaloob na bilog, at pagkatapos ay pinapalaki ko ito at nagbabago ito. Gusto ko ang malayang flow.” Kung kailangan mo ng inspirasyon, pag-aralan ang mga pattern sa paligid mo para sa mga posibilidad, o tingnan ang ilan sa mga halimbawang mandala sa Behance.

Ang unang hakbang para sa anumang mandala ay ang paggawa ng grid. “Gusto nating maging symmetrical ito, at gusto nating maging pantay-pantay ang lahat ng pattern,” sabi ni Madra. Iminumungkahi ni Bonafini ang pagguhit ng mga linya ng grid na tumatawid sa bilog nang kada 30 o 45 degrees. Parisukat o pabilog man ang iyong kabuuang hugis, pwede kang magsimula sa bandang gitnang punto gamit ang isang bilog. Pagkatapos ay magpasya kung anong mga pangunahing hugis ang gusto mong i-radiate mula sa bilog na iyon, tulad ng isang baligtad na U o V. Pagkatapos, bahagyang naiiba dapat ang susunod na layer. Pwede mong bahagyang baguhin ang hugis, punan ito ng iba't ibang stroke o kulay. “Parehong pattern ito, pero bibigyan ka ng maliliit na pagkakaibang ito ng ibang hitsura kapag natapos na ang obra mo,” sabi ni Madra.

Kung hindi ka sigurado kung anong mga pattern ang gagamitin, pag-aralan ang mga pattern na gusto mo sa iba pang mandala. Piliin ang mga pattern na patok sa iyo, at pagsamahin ang mga ito sa paraang gusto mo. Inirerekomenda ni Bonafini na mag-ensayong gawin ang mga pattern nang mga ito lang bago ilagay ang mga ito sa bilog. “Subukang sanayin ang braso mo na gawin ang paggalaw para magawa mong pareho ang laki ng mga ito. Iyon ang dahilan kaya magandang tingnan ang mandala.”

Iminumungkahi ni Madra na mangolekta ng mga pattern na gusto mo. “Gumawa ng repository ng mga pattern, para sa tuwing pakiramdam mo ay hindi ka makausad o parang pare-parehong pattern ang paulit-ulit mong iginuguhit, pwede kang sumangguni sa iyong repository.”

Makulay na drawing ng mandala art

Ang advantage ng digital drawing.

Hindi mo kailangang gumuhit gamit ang buhangin o gel pen para gumawa ng magandang mandala. Gustong-gusto ni Bonafini na gumuhit sa kanyang tablet. “Pwede akong gumawa, at kung hindi ko ito magustuhan, pwede akong magbura. Pwede kong gawin ang parehong pattern nang maraming beses. Sa papel, kung may maisip ako at pagkatapos ay hindi ito gumana, mawawala ko ang lahat.” Bukod pa rito, nagbibigay-daan sa iyo ang tablet na dalhin ang lahat ng art supply mo saan ka man pumunta. Pwede kang magdagdag sa iyong mandala sa tuwing nasa mood kang gawin ito.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/assets/video/creativecloud/design/discover/media_102a5d7fca56047a9e57d65896f8bab1be896c29c.mp4#_autoplay | video

Makatipid ng oras gamit ang symmetry.

Gumawa ng magagandang mandala nang napakabilis gamit ang mga opsyon sa symmetry sa Adobe Photoshop. Makakamit mo ang instant na symmetry sa pamamagitan ng pag-click sa icon na paruparo sa Options bar para buksan ang menu ng Paint Symmetry.

Piliin ang Radial o Mandala para hatiin ang iyong bilog sa mga segment. Binibigyang-daan ka ng Radial na pumili ng hanggang 12 segment, at umuulit ang bawat brushstroke sa paligid ng gitnang punto. Sa Mandala, pwede kang pumili ng hanggang 10 segment sa bawat pagkakataon, at ang bawat markang gagawin mo sa canvas ay masasalamin at mauulit sa bawat segment. Madali at nakakabighani ito, at posibleng magulat ka sa kagandahan na mabilis mong magagawa.

Sa isang bagong layer, piliin ang Brush, Pencil, o Eraser tool. Tandaang pwede mong iba-ibahin ang mga brushstroke mo at gamitin ang mga technique sa watercolor, at kung pinapanatili mo ang bawat ring sa hiwalay na layer, pwede mong baguhin ang mga linya o shading ng isang ring nang hindi kinakailangang i-adjust ang iba pang ring.

Habang mas nagiging bihasa ka at nagdaragdag ka ng complexity sa iyong mga pattern, tandaan ang payo ni Madra sa mga baguhan: “Palaging tandaan ang tatlong P: pagsasanay, pagtitiyaga, at pagsisikap.”

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/seo-articles/do-more-photoshop-color-blade