DESIGN
Ang lahat ng detalye ng design ng mascot logo.
Kailangan mo mang gumawa ng mascot character para sa isang sports team o i-update ang pagkakakilanlan ng brand mo, i-explore ang mundo ng mga mascot logo gamit ang mga insight na ito mula sa mga propesyonal.
Kailan at bakit dapat gumamit ng mascot.
Ang mga mascot ay posibleng mga kakaibang character na nagsasayaw sa mga baseball game. Sa ibang pagkakataon, kumakatawan ang mga ito sa isang kumpanya sa mga patalastas o sa mga marketing material. “Pero sa madaling salita, ang mascot ay isang may buhay na character na kumakatawan sa isang organisasyon o negosyo. Mayroon itong buhay sa labas ng logo, ” sinabi ng graphic designer na si Lenore Ooyevaar. Makakapagbigay ang mga mascot ng personalidad sa brand o sports team mo at makakatulong na bigyang-buhay ang organisasyon mo.
Pwedeng maging mga personified na hayop at bagay at maging mga exaggerated na human caricature ang mga mascot. “Gugustuhin mo ang isang mascot kapag kailangan mo ng malaking personalidad o mayroon kang malaking personalidad,” sinabi ng graphic designer na si Ashley Lippard. “Pero kung mayroon kang introverted na kumpanya, malamang na hindi magiging angkop ang isang mascot.”
Kung may mascot ka, kakailanganin mong gumawa ng logo para dito. Para sa ilang brand, nasa logo lang ang mascot. Para sa iba, pwedeng isang pisikal na character na nasa mga event o isang animated na personalidad na nagsasalita sa mga patalastas ang mascot. “Bukod sa mga sports team, karaniwang ginagamit ang mga mascot ng brand sa mga pandagdag na logo, at hindi sa pangunahing logo,” sinabi ni Lippard. Makakaapekto ang paglalagyan mo ng mascot logo sa design, layout, at mga kulay na pipiliin mo.
Unawain ang kompetisyon.
Bago ka magsimula, alamin ang ginagawa ng mga kakumpitensya mo. Kung kailangan mong mag-design ng mascot para sa isang unibersidad, tingnan ang iba pang paaralan sa rehiyon at alamin kung anong mga mascot ang ginagamit ng mga ito. Kung nasa field ka ng e-sports, tingnan ang iba pang gamer o team. At kung nagtatrabaho ka para sa isang brand, suriin ang kompetisyon sa industriya ninyo para malaman kung paano mo mapag-iiba ang sarili mo.
I-deisgn ang personalidad.
“Sa palagay ko, mahalaga sa mga mascot ang personalidad. Nangyayari ito kapag ang face ng brand ay isang malaki o nakakatawang bagay o kilala ng nakararami,” sinabi ni Lippard. Kung ikaw ang in charge sa design ng mascot, magsimula sa personalidad ng brand o team mo. Ano ang kinakatawan ng negosyo mo? O anong uri ng sport ang nilalaro ng team mo? Mula roon, pwede kang gumawa ng mga pagpili tungkol sa character at isipin kung anong mga hayop o bagay ang mahusay na makakapaghatid sa mensahe.
Pumili ng character mo.
Pumili ng bagay o hayop.
Gusto mong humanap ng hayop o character na makakapanghikayat sa mga customer mo, audience mo, at heograpikong rehiyon mo. At, kailangang natural na bumagay ang character sa personalidad na pinili mo para sa mascot mo. Kung gusto mo ng matapang na mascot, pag-isipang gumamit ng ahas, tigre, o lobo na character. Kung gusto mo ng mascot na hindi aasahan, pag-isipang gumamit ng baboy, giraffe, o elepante bilang mascot mo. Depende sa brand mo, baka gusto mo ng mascot na mas cute o ligtas, lalo na kapag mga bata ang target na audience mo. Kung iyon ang sitwasyon, pag-isipang gumamit ng kuneho, unicorn, o panda na character. Anumang hayop ang piliin mo, maging intensyonal sa pagpili.
Tutukan ang mga detalye.
Mula roon, pwede kang pumili ng mga tema ng kulay at ng design style. Pero tiyaking mayroon kang dahilan para sa bawat pagpiling gagawin mo. Ang hugis ng mukha ng character at ang mga kulay na pipiliin mo ay pwedeng mag-ambag sa kuwento ng mascot, i-highlight ang pagiging kakaiba nito, o makatulong na makuha ang tono at vibe ng character.
Isipin ang mga sitwasyon ng paggamit.
Habang dine-design mo ang mascot, isipin kung saan ito gagamitin. Posibleng kailangan mo lang ang mukha ng character para sa isang logo. Pero kalaunan, posibleng gawing pisikal na costume ang mascot, at kakailanganin mo ring isipin ang buong katawan ng character. Posibleng kailangan itong i-animate para sa isang ad, o kailangan nitong magsalita sa isang patalastas kalaunan. Bagama't pwede kang gumamit ng maliit na bahagi ng mascot mo para sa logo, isipin ang paggamit at saklaw ng character para bumagay sa isa't isa at magkaroon ng saysay ang lahat ng bahagi.
Gawing namumukod-tangi ang design mo.
Company logo man ito sa isang business card o gaming logo sa isang t-shirt, dapat maganda at agaw-pansin ang mga design ng mascot. “Kung minsan, may mascot na ang kliyente at gagawa ka ng logo para sa kasalukuyan nilang mascot. Posibleng kailangan nila ng napakasimpleng bersyon ng logo nila o ng vector na bersyon para magamit nila ito sa iba't ibang sitwasyon,” sinabi ni Ooyevaar. Kung iyon ang sitwasyon, sumubok ng limitadong color palette at gumamit ng madidilim na outline para mangibabaw ang character mo. Palaging i-design ang mga logo mo bilang mga vector file para pwedeng ma-scale ang mga ito sa kahit anong laki para sa kahit anong destinasyon.
Madalas na exaggerated ang mga mascot logo, gaya ng mga caricature. Gumagamit ang mga ito ng mga simpleng hugis para ipahayag ang personalidad ng brand o team. Pero ang mga mascot logo ay mga logo pa rin. Kailangan ay nakikita, pinasimple, at natatangi ang mga ito. Posibleng kailangang kasama sa logo ang buong pangalan ng team o negosyo. At kailangan pumukaw ang design ng isang partikular na damdamin at ilahad ang personalidad ng character. Tingnan kung paano ginawa ng ibang mga designer ng logo ang design ng mascot logo para tulungan kang magsimula:
- I-explore kung paano ginawa ng designer na ito ang isang talagang kawili-wiling e-sports logo, mula sa paunang design hanggang sa pinal na produkto.
- O tingnan ang magagandang team logo na ito para sa lahat ng uri ng sports.
- Bibigyan ka ng mga bagong idea para sa logo ng koleksyon na ito ng mga madaling maintindihan at nakakaaliw na design ng mascot para sa mga negosyo.
- Gumamit ng classic na pamamaraan gaya ng ginawa ng artist na ito sa isang kamangha-manghang design ng mascot na agila.
Pagdating sa mga mascot logo, paglaruan ito. Ang mga mascot ay hindi gaanong seryoso, at sa mga exaggerated na personalidad at proportion ng mga ito, kasiya-siya dapat na i-design ang mga ito. Subukan mo ito gamit ang Adobe Illustrator at bigyang-buhay ang negosyo o team mo.
https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/seo-articles/do-more-illustrator-color-blade