Ang pundasyon ng branding.

Ang logo ang isa sa mga pinakamahalagang bahagi na kailangang isipin kapag nagba-brand ng isang kumpanya. Madaling makikilala ang isang brand dahil sa isang agaw-pansin at expressive na logo, nasa isang napakalaking billboard man ito o nasa isang maliit na business card. Kung gusto mong gumawa ng makabago at contemporary na aesthetic para sa brand mo, pag-isipang gumamit ng isa sa maraming modernong style ng logo.

Ang mga modernong logo ay natatanging kumbinasyon ng mga classic na element ng graphic design at trendy na tema. “Kamakailan, nakita kong mas gumagamit ng typography, at kung minsan, ang mga modernong logo ay nauuwi sa minimalism,” paliwanag ng designer na si Sarah Giffrow. Bagama't uso ngayon ang mga simpleng logo na may malinis na linya at kapansin-pansing type, isipin ang negosyo o brand mo kapag nagde-design. Tiyaking hindi maluluma ang logo mo sa paglipas ng panahon. Hindi mo gugustuhing magmukhang outdated ang brand mo pagkalipas lang ng ilang taon.

Trendy o timeless?

Bagama't pwedeng maapektuhan ang isang modernong logo ng anumang bago at sikat, tandaang karaniwang umuulit ang mga trend sa paglipas ng panahon. Ang sikat ngayon ay naimpluwensyahan ng mga trend sa design ng logo sa nakalipas na ilang dekada. “Iyon ang katangian ng mga trend,” sinabi ni Giffrow. “May ideya ang isang tao, at pagkatapos ay sa tingin ng lahat ay maganda ito, at pagkatapos ay sisimulan itong gawin ng lahat. Kaya, ang magagawa mo ay kamukha ng lahat ng nasa paligid mo, at hindi iyon mainam. Sa logo, dapat kang gumawa ng maiiba at kakatawan sa kung sino ka at ano ang ginagawa mo.”

Pero hindi lahat ng modernong logo ay kailangan magmukhang ginawa ang mga ito sa isang karaniwang logo maker. Kumuha ng inspirasyon sa mga trend, pahalagahan ang kagandahan ng mga ito, at ilapat ang mga prinsipyong ito sa gawa mo sa isang bago o hindi inaasahang paraan. Napakaraming trend sa design ang umuusbong dahil may mga bagong tool sa pag-design o feature ng produkto. Subaybayan ang mga update sa mga digital na design program kapag na-release ang mga ito, at posibleng makagawa ka ng isang bagay na wala pang nakakagawa.

Typography

Pagdating sa mga logo, napakahalaga ng typeface, lalo na kung kasama sa logo ang buong pangalan ng negosyo. Pumili ng style na angkop sa industriyang kinabibilangan ng brand mo. Para sa isang institusyon sa pananalapi, pwede kang pumili ng mas tradisyonal o classic na serif font. Pero para sa isang hip na lifestyle brand, posibleng mas angkop ang mas modernong sans serif na typeface.

Isang modernong design ng logo
Isang modernong design ng logo
At ang font ay panimula pa lang. Kadalasan, pipili ako ng font na sa tingin ko ay bagay naman, kung kaya, mas pagtutuunan ang pag-fine tune ng espasyo sa pagitan ng mga titik, paglilinis ng mga edge, o pag-aalis ng mga curlicue,” sinabi ni Giffrow. Sa mga logo, mayroon kang kalayaang paglaruan ang kerning, stem height ng titik, o ang anggulo ng mga stroke.

Mga icon at geometric na hugis

Kadalasang kabilang sa mga modernong logo ang mga simpleng element ng design, gaya ng mga graphic na hugis o maliit na drawing na linya. Makakapagdagdag ang mga element na ito na visual interest o makakapagbigay ng hint sa industriyang kinabibilangan ng brand. “Gamit ang geometry, mga simpleng hugis, at linya, mapapanatili mong malinis at simple ang logo, at mas matagal itong maluma,” sinabi ng designer na si George Bokhua. “Simple, malinis, sopistikado: Iyan ang formula para sa modernong logo.”

Mga bilog na may magkakaibang kulay para sa color palette ng isang logo

Color palette

Pagdating sa branding, mahalaga ang kulay. At napakaraming mailalahad ng iba't ibang color palette tungkol sa brand mo. Nakakapagpakalma at neutral na kulay ang asul na naaangkop para sa maraming kumpanya sa iba't ibang industriya. Samantala, makapangyarihang kulay ang red na pwedeng magpahiwatig ng kalakasan o pagiging agresibo. Sumalamin dapat ang mga kulay na pipiliin mo sa katangian ng brand mo.

Pero huwag gumamit ng masyadong madaming kulay. Pwedeng maging masakit sa mata ang logo mo kapag ginamit nito ang lahat ng kulay ng bahaghari. Pumili na lang ng limitadong palette, gaya ng ilang complementary na kulay o isang black-and-white na tema na may iisang matingkad na kulay bilang accent. Gusto mong mailagay nang maayos ang logo mo sa print at digital na material, kaya tandaan iyon habang pumipili ng palette.

1. Kilalanin ang kliyente mo.

Bago ka makapag-design ng logo, kailangan mong maunawaan ang brand. Makipagkita sa kliyente mo para pag-usapan kung ano ang hinahanap nila at kung bakit gusto nilang baguhin ang design ng logo nila. “Sa tingin ko, ang pagbabago ng design ng isang logo ay hindi isang bagay na dapat mong gawin kada taon o kahit pa kada dalawang taon. Dapat ay talagang makabuluhan itong gawin, dahil sa madaling salita ay pinipindot mo ang reset button sa pagiging nakikilala ng brand mo,” sabi ni Giffrow.

Tanungin ang kliyente mo ng mga partikular na tanong tungkol sa gusto nila. Ano ang produkto o serbisyo nila? Bakit natatangi ang kumpanya nila? Sino ang audience nila? Sino ang mga kakumpitensya nila? Ano ang pagkakakilanlan ng brand nila? At ano ang ilang logo na gusto nila? Kapag nakuha mo na ang mga sagot dito, handa ka nang magsimula.

Collage ng iba't ibang modernong design ng logo

2. Magsagawa ng pananaliksik tungkol sa industriya.

Para i-design ang wastong logo, kailangan mong i-explore ang kontekstong paggagamitan nito. Paano mina-market ng iba pang brand ang sarili nila? Kapag alam mo kung ano ang ginagawa ng kakumpitensya, malalaman mo kung paano gagawing naiiba ang logo na ito sa iba. Isipin din kung saan gagamitin ang logo. Isaalang-alang kung ang negosyo ay ganap na digital o kung ang logo ay ilalagay sa isang signage o ipi-print sa merchandise.

3. I-sketch ang mga ideya mo.

Ngayon ang tamang oras para ilagay sa papel ang mga ideya. Gumuhit ng anumang ideya, o pahiwatig ng isang ideya, na naiisip mo. Magulo at hindi kumpleto ang mga ito at hindi ito dapat ipakita sa kliyente mo. “Sa mga sketch, ako lang ang nakakakita ng potensyal sa mga ito, mas mahirap para sa mga kliyente na isipin ito. Kung kaya, talagang pinagsisisihan kong ipakita kaagad ang mga sketch sa kliyente, dahil may ilang napakagandang ideya na tinanggihan, at mga hindi magandang ideya na pinili nang walang pinatunguhan," paliwanag ni Bokhua.

Isang taong nagse-sketch ng mga modernong design ng logo sa mesa niya
Magandang pagkakataon ito para isaalang-alang ang content ng logo mo. Gusto bang isama ng kliyente ang buong pangalan ng negosyo sa company logo? O mas magiging angkop ang isang abstract na logo na nagpapahiwatig sa industriya? Subukan ang parehong pamamaraan at tingnan kung ano ang pinakagusto mo.

4. Gamitin ang mga paborito mong ideya.

Kapag na-sketch mo na ang malalawak na ideya para sa logo, pumili ng ilan sa mga paborito mo at ipagpagtuloy ang mga design na iyon gamit ang Adobe Illustrator. “Para sa mga baguhan, ipinapayo ko sa kanilang magkaroon ng hindi bababa sa tatlo o apat na araw para buuin ang mga ideya nila. Dahil ito ay karaniwang isang proseso para mapaganda ang mga mabilisang sketch na iyon,” sabi ni Bokhua.

Panatilihing black and white ang mga design mo sa ngayon, dahil gusto mong mabasa nang maayos ang logo sa grayscale. Gumamit ng vector file para makakuha ng malilinis na linya at maaayos na gradient na madaling i-edit. Papayagan ka nitong i-scale ang logo sa anumang laking kinakailangan nang hindi nasisira ang kalidad ng image.

Style guide ng iba't ibang element ng design ng logo

5. Mag-present sa kliyente mo at humingi ng feedback.

Ipakita sa mga kliyente mo ang mga design ng logo mo at alamin ang opinyon nila. Limitahan pa rin ang bilang ng mga opsyon na ipapakita sa kliyente mo. “Kapag nakagawa ng 45 logo, mahirap para sa lahat na pumili. Karaniwan ay hindi napipili ang magaganda. Hindi maganda ang kalalabasan nito. Para sa akin, karaniwan ay nagpapakita ako ng tatlong opsyon,” sinabi ni Bokhua.

Huwag panghinaan ng loob kung humiling sila ng mga pag-edit at pagbabago. Ang pag-brand ay isang proseso at kadalasang tumatagal ng ilang round ng design at mga pag-edit para maitama. Kung gusto ng mga kliyente mo ang mga partikular na aspeto ng iba't ibang design, isipin kung paano mo mapagsasama ang mga iyon sa isang bagong logo.

6. Gumawa ng mga pagbabago at i-finalize ang design mo.

Gamit ang lahat ng hawak mong feedback, mababalikan mo ang mga design ng logo mo at magagawa ang mga pagbabago. Ngayon na ang oras para pag-eksperimentuhan din ang mga color palette. Posibleng kailanganin mong magsagawa ng ilang round ng pagsusuri at pag-edit kasama ng kliyente mo para makuha ang perpektong logo sa huli.

Bago mo simulan ang susunod mong modernong design ng logo, tingnan kung ano na ang nagawa ng iba pang designer. Kung mananatili kang updated sa mga kasalukuyang trend, pwede mong malaman kung anong mga istilo ang gusto mo, at kung alin ang mga gusto mong iwasan. Tingnan ang mga modernong logo na ito sa Behance para makakuha ng ilang ideya:

Palaging nagbabago ang mga trend sa modernong logo, pero matutulungan ka ng ilang partikular na style at technique na makagawa ng timeless na logo na namumukod-tangi sa lahat. Subukang gamitin ang mga modernong design ng logo ngayon.


Mga Contributor

Sarah Giffrow, George Bokhua


https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/seo-articles/do-more-illustrator-color-blade