DESIGN
Sa design ng vintage na logo, ang lahat ng luma ay bago ulit.
Maraming maipapahayag ang isang retro na logo tungkol sa kung saan nagmula ang isang kumpanya, mga pinapahalagahan at saloobin nito, o kung anong time period ang sinusubukan nitong gayahin. Alamin kung paano ka makakagawa ng isang natatanging logo na may classic na hitsura.
Ang emosyonal na kakayahan ng retro na design.
May kakayahan ang graphic design na agad na magpakita ng isang partikular na time period. Pwedeng magmukhang galing sa panahon bago ang 1900 ang isang kumplikadong monogram. Ang kupas at naka-stencil na lettering ay katangian ng unang bahagi ng ika-20 siglo. Ipinapaalala ng mga psychedelic na kulay ang dekada sisenta, samantalang ang mga bubble na titik ay mukhang signage noong dekada sitenta, at ginagamit ng pixel art ang mga alaala ng dekada otsenta at dekada nobenta. Kadalasang nostalgic at nagbibigay-inspirasyon ang mga vintage na logo at retro na design, at ang isang mahusay at creative na vintage na logo ay pwedeng sabay na pagmukhaing orihinal at parang galing sa ibang panahon ang isang kumpanya.
May dalawang uri ng mga vintage na logo: Iyong mga batay sa mga mas luma at dati nang logo ng negosyo na talagang nagmula sa isang retro na panahon at mga bagong logo na nilalayong magpakita ng mga nakaraang time period. Narito ang kailangan mong isaalang-alang kapag dinadala sa kasalukuyan ang isang lumang logo o gumagawa ng bagong logo na nagpapakita ng ibang panahon.
Paano mag-update ng dati nang vintage na logo.
Pwedeng ipakita ng vintage na logo ang haba ng buhay at matatag na pundasyon ng isang kumpanya, na isang benepisyong sinusulit ng maraming heritage na kumpanya. “Mas inaalala ng ilang kumpanya ang tradisyon, gaya ng isang negosyo ng pamilya na may mahabang kasaysayan,” sabi ng designer na si Sarah Giffrow. “Interesado silang ipahayag ang kanilang deka-dekadang experience.”
Ang pagdadala ng lumang logo sa kasalukuyan ay karaniwang may kasamang pagpapasimple ng mga kumplikadong element ng vintage na design. Ang mga logo mula sa huling bahagi ng 1800s at unang bahagi ng 1900s ay kadalasang nagtatampok ng mga detalye gaya ng mga coat of arms, scrollwork, at kumplikadong typography na hindi madaling napapaliit para sa mga item gaya ng stationary o merchandise.
Para mag-update ng mga dati nang vintage na logo, dapat mong tukuyin ang mga kinakailangang element ng mas lumang logo at bigyan ng bagong bihis ang mga element ng logo na iyon sa saklaw ng mga kasalukuyang pangangailangan sa design, gaya ng mga vector image na mase-scale nang walang limitasyon. Kapag nagawa nang mahusay, ang isang na-update na vintage na logo ay kakatawan sa kasaysayan at experience at ipapahiwatig din na makabuluhan at nakakasabay sa panahon ang isang organisasyon.
“Tungkol ito sa pagpapasimple ng ideya mula sa nakaraan ng kumpanya,” sabi ni Giffrow. Partikular niyang binanggit ang logo ng IBM, isang simbolo na mula sa pagkakaroon ng napakaraming detalye ay nagbagong-anyo ngayon bilang tatlong malilinaw na titik. Sa paglipas ng panahon, naging mas simple ang logo pero kasabay niyon ay naging mas madali itong makilala.
Kung minsan, gugustuhin ng isang kumpanya na gumamit ng mga mas lumang logo para i-highlight kung gaano katagal na ang kanilang kumpanya. Halimbawa, kung nagdiriwang ang isang organisasyon ng malaking anibersaryo, posibleng magandang paraan ang pagbabalik sa orihinal na logo at paglalagay nito sa pangselebrasyong merchandise para pumukaw ng nostalgia at i-highlight ang kuwento ng brand ng kumpanya mula sa nakaraan.
Para sa mga mas lumang logo na may mga detalyadong element ng graphic design, tiyaking nasa setting ang mga ito kung saan malinaw at nakikita lahat ang mga element na iyon. Pwedeng mawala sa visual shuffle ang hand-lettering at mga mas lumang uri ng typography. Sa pamamagitan ng mga logo, dapat ay palaging madama ng tumitingin kung tungkol saan ang brand mo nang hindi siya naduduling.
Mga tip para sa mga contemporary na vintage style na logo.
Hindi talaga luma ang ilang vintage na logo, pero gusto ng mga itong ipaalala ang isang partikular na panahon. Posibleng gusto ng isang barberya na makuha ang dating ng isang tonsorial parlor noong unang bahagi ng ika-20 siglo o posibleng gusto ng isang tindahan ng record na magmukhang galing ito sa 1967. Para magawa iyon, kailangang simulang alamin ng logo maker ang mga trend at pamamaraan sa design ng time period na gusto nilang ipakita. Hangga't maaari, suriin ang mga publication at artifact na gusto mong gayahin para sa inspirasyon sa design. Hindi sapat na pagmukhain lang na kupas ang isang logo. “Pagmumukhain itong luma ng maraming tao,” sabi ng designer na si Ashley Lippard, “pero dagdag na lang iyon.”
Para talagang maipaalala ang isang panahong matagal nang natapos, alamin ang teknolohiya ng printing at replication na available noong panahong iyon. Hindi kasing crisp o consistent na gaya ngayon ang media mula sa nakaraan. Hindi gaanong matingkad at kapansin-pansin ang mga vintage na kulay kaysa sa nagagawa ng mga modernong printer, at kadalasang hindi gaanong tumpak ang registration ng linya at iba pang detalye.
“Kung gusto mo ng Americana na dating,” sabi ni Lippard, na tinutukoy ang American na design noong unang bahagi ng ika-20 siglo, “may pagkamarumi ito. Gumamit ng mga cream at tan. May texture.” Bihirang malinaw ang mga kulay sa huling bahagi ng 1800s at unang bahagi ng 1900s. “Kumuha ng purong pula at magdagdag dito ng kaunting itim,” sabi ni Lippard. “Americana na Americana iyon. Hindi kasing ganda ng sa atin ang printing nila, kaya hindi ito kasing linis ng sa atin. Walang pulido sa panahong iyon.”
Gayunpaman, tandaang kailangang magagamit pa rin sa ika-21 siglo ang iyong vintage na logo. Ang mga logo ay kailangang nababasa, kailangang napapalaki at napapaliit ang mga ito, at dapat magandang tingnan ang mga ito nang grayscale, may kulay, at black and white. Posibleng magmukhang galing sa kasagsagan ng disco ang isang logo, pero kailangang magkaroon ito ng totoong silbi sa digital age. “Tingnan ang silbi ng mga t-shirt noong dekada sitenta,” sabi ni Lippard. “Humugot ng ideya mula roon, pero huwag itong kopyahin.” Ang pagkuha ng ideya sa mga mas lumang trend ay hindi nangangahulugang paggaya lang sa klase ng trabahong ginagawa ng mga graphic designer sa mga nakaraang dekada.
Gumawa ng mga sarili mong vintage na logo.
Posibleng magmukhang screen-printed na piraso ng analog art mula sa mas naunang dekada ang isang vitage na logo, pero magiging vector file pa rin ito na ilalagay mo sa mga business card at coffee mug. Ang paggawa ng isang bagay na mukhang nakaraan pero epektibo sa hinaharap ay nangangahulugang kailangang gawin din ng isang logo designer para sa vintage na logo ang ginagawa niya para sa anupamang proyekto: Kilalanin ang kliyente, ang industriya niya, at kung ano ang epektibo ngayon. “Ang malaking hamon ay gumawa ng isang bagay na nagpapaalala sa isang vintage na panahon pero sa paraang hindi mukhang luma,” sabi ni Giffrow.
Ang isang magandang paraan para gawin ito ay tingnan ang larangang kinabibilangan ng kumpanya mo, at gumawa batay sa mga contemporary na trend sa design sa sektor na iyon. “Makakatulong ang industriyang pinagtatrabahuhan nila na limitahan ito,” sabi ni Giffrow. “Hindi magiging epektibo ang ilang partikular na color palette sa ilang partikular na industriya.” Halimbawa, ang mga tech company ay karaniwang gumagamit ng mga deep blue na kulay. Pwedeng magpakita ang isang vintage na tech logo ng monogram mula sa panahon ng mga aparatong pansuma, pero idagdag ang contemporary na asul para gawin itong moderno.
Para magsimula, makakakita ka ng mga template ng vintage na logo sa Adobe Stock. Gamitin ang mga ito para sa inspirasyon o bilang mga nako-customize na building block para sa susunod mong design ng retro na logo.
Makapangyarihan ang nostalgia, gayundin ang tradisyon at experience. Kapag nagawa nang tama, ang isang vintage na logo ay makakakuha ng ideya sa lahat ng iyon at magagamit ang retro style para maglahad ng bagong kuwento.
https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/seo-articles/do-more-illustrator-color-blade