DESIGN
Magdagdag ng splash ng kulay gamit ang design ng watercolor na logo.
Ang simpleng talsik ng paint ay makakapagbigay sa watercolor na design mo ng magaan at organic na dating. Sundin ang mga tip na ito para magamit ang effect na ito sa susunod mong design ng logo at makagawa ng isang bagay na natatangi at makatawag-pansin.
Ano ang watercolor na logo?
Ang isang watercolor na logo ay karaniwang may splash ng kulay sa background, na may typography o mga graphic na element na nakalagay sa ibabaw ng mga brush stroke o watercolor na hugis. Mabilis na maipaparating ng mga design na ito ang isang partikular na pagkakakilanlan ng brand. “Babagay ang watercolor sa isang partikular na uri ng negosyo. Halimbawa, hindi ito babagay sa isang kumpanya ng gulong,” sabi ng graphic designer na si Ashley Lippard. “Epektibo ang watercolor para sa isang bagay na mas romantic, banayad, o nakatuon sa lifestyle.” Ang isang maliit at lokal na boutique ay isang uri ng negosyo na pwedeng bumagay ang identity kapag ipinares sa mga watercolor.
Watercolor, pagkakakilanlan ng brand, at contrast.
Kailangang bumagay nang mabuti ang mga splash ng watercolor sa iba pang visual element sa logo. “Kung mayroon kang graphic sa isang watercolor na background, ayaw mong mag-blend ito sa background,” sabi ng designer na si Lenore Ooyevaar. “Hindi iyon mababasa nang maayos.” Kailangang nakikilala at nauunawaan kaagad ang mga logo, kaya tiyaking kapansin-pansin ang iba mo pang element ng logo kapag isinaayos ang mga ito sa harap ng isang watercolor na background.
Posibleng nakakatuksong pagsamahin ang mga splash ng watercolor at mga katulad na element ng graphic design tulad ng cursive na typography o mga watercolor na bulaklak, pero kadalasang parehong aspeto ng pagkakakilanlan ng brand ang natatamaan ng mga element na iyon. Pwedeng maging susi ang contrast para sa isang hindi malilimutan at mabisang logo, at pwedeng mamukod-tangi ang watercolor kapag ipinares sa isang bagay na iba ang theme. “Lalong mainam ang watercolor kapag sinamahan mo ito ng hardness ng modernism,” sabi ni Lippard.
Pwedeng magmukhang kabigha-bighani at dramatic ang isang mukhang modernong serif font na ipinosisyon sa harap ng mga mas soft na watercolor texture. Maipapahiwatig din nitong versatile at maraming bahagi ang isang negosyo. Naglalahad ng kuwento ang bawat logo, at kapag pinagsama mo ang mga soft na brush stroke at mas solid na element, makakapagpakita ng depth at dimensionality ang logo mo.
Paano gamitin nang mabuti ang watercolor.
Bagama't kaaya-ayang tingnan ang mga watercolor na logo, hindi bumabagay ang mga ito sa lahat ng konteksto ng graphic design. Kailangan ay magagamit ang logo nang grayscale, black and white, at may kulay. Kapag nagde-design ka ng watercolor na logo ng kumpanya, tiyaking nababasa pa rin ito nang wala ang watercolor na element. Posibleng hindi maipakita ng mga business card, stationery, at ilang merchandise ang mga watercolor na element ng logo mo, pero kailangan mo pa rin ng logo na magagamit para sa mga bagay na iyon.
Ibig sabihin, kailangang magsilbi pa ring logo ang mga hindi watercolor na element ng isang logo ng negosyo. Kailangang magpahayag ng pagkakakilanlan ng brand ang typography at iba pang visual element, kahit na walang splash ng watercolor sa background. “Ang pinakamahalagang bahagi ay ang type at ang icon na kasama ng type,” sabi ni Ooyevaar. “Pangalawa lang ang background.” Bagama't posibleng ang watercolor na background ang pinakamakatawag-pansing bahagi ng logo, kailangan ding natatanggal o napapalitan ito.
Gumawa ng mga bersyon ng logo mo na mayroon at walang watercolor na element. Kadalasang nangangahulugan itong itinuturing ang watercolor na hugis bilang mas tradisyonal na graphic element. “Kapag ginamit nang tama ang watercolor, itinuturing lang itong kulay,” sabi ni Lippard. “Mayroon kang hugis na karaniwang solid na kulay lang, pero gusto mo ng higit pang depth sa kulay na iyon. Doon talagang magagamit ang watercolor.”
“Kung magwa-watercolor ka, ituring ito bilang kulay o texture sa logo,” sabi ni Lippard. “Hindi bilang ang logo.” Ang isang mahalagang bahagi ng paggamit ng watercolor na logo ay ang pagtukoy kung kailan ito gagamitin. Sa mga sitwasyon kung saan pwede kang gumamit ng mas malaki o mas high-resolution na logo, tulad ng sa isang website o bintana ng store, pwedeng gamitin ang watercolor.
Mag-paint gamit ang mga watercolor sa Adobe Fresco.
Magbibigay-daan sa iyo ang Adobe Fresco na gumawa ng mga logo, painting, at higit pa gamit ang mga digital na watercolor. I-explore ang iba't ibang live brush, paint, at technique na maibibigay ng Fresco, at matutong gumawa ng sarili mong watercolor painting, nang wala ang kalat ng mga aktwal na materyal.
Pag-blend ng watercolor sa Fresco.
Sa watercolor, nagbe-blend, dumadaloy, at kung minsan ay pumapatak sa isa't isa ang mga pigment. Tuklasin kung paano nananatiling basa, nag-i-interact sa mga digital na brush at surface, at nagkakamit ng classic na hitsura ng watercolor ang mga digital na watercolor ng Fresco. Kapag may gusto kang watercolor effect, madali itong ilagay sa Adobe Illustrator o iba pang Creative Cloud app.
https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/seo-articles/creativity-for-all-blade