• Mas malaki sa 40 MB ang file
  • Hindi maproseso ang request
  • Hindi namin maproseso ang ganitong uri ng file. Pakisubukan ulit.
  • Isang file lang ang puwedeng i-upload sa bawat pagkakataon.
  • Lampas sa maximum na dimension (8,000 x 8,000 pixels) ang image. Paki-resize at subukan ulit.
  • promoid=XT3PGSJ8&mv=other

Ang nagpapatuloy na ganda ng retro technology.

"Ang lahat ng nakikita mong kakaiba, pangit, nakakabagabag, at hindi kaaya-aya sa isang bagong medium ang magiging signature nito," ayon sa isinulat ng artist at producer na si Brian Eno sa libro niya noong 1996 na A Year with Swollen Appendices. "CD distortion, ang jitteriness ng digital video, ang basurang tunog ng 8-bit — ang lahat ng ito ay pahahalagahan at gagayahin nang kasingbilis ng pag-iwas sa mga ito."

Tulad ng hula ni Eno, ang mga tracking error at baluktot na linya ng sirang analog media ay isa na ngayong aesthetic na ginagamit ng mga artist sa obra nila. Para makagawa ng mga ganitong image, hindi na maaasahan ng isang modernong artist ang mga gula-gulanit na tape o sirang cathode ray tube. Ang mga tunay na distortion sa retro media tulad ng VHS ay aksidente lang, at naging obsolete na dahil sa modernong teknolohiya.

Ang glitch art ay ang sadyang pag-uulit ng mga pagkakamali ng lumang media. Ang paggawa ng glitch art ay paggawa ng mga sadyang "aksidente." Tulad ng pixel art, na kumukuha ng inspirasyon sa mga limit ng retro technology, ginagamit ng glitch art ang mga kakulangan ng teknolohiya ng nakaraang panahon para gawing isang koleksyon ng mga image na mahirap makalimutan at misteryoso.

Pag-simulate ng mga glitch effect scan line.

Walang ibang nagsasabing "glitchy retro technology" tulad ng mga scan line ng lumang television set. Ang banayad na video effects sa background ng mga lumang CRT tube display ay nagbibigay ng batayan para sa mood at feel ng glitch effects. Ang halftone pattern ng Photoshop (na makikita sa Filter › Pixelate › Color Halftone) ay puwedeng mag-simulate ng mga scan line kapag naka-set ito sa Line option. Binibigyan nito ang mga image file ng banayad na hitsura ng ibang panahon, kahit na hindi ka mag-apply ng anupamang ibang photo effects.

Pag-distort at paghiwalay ng mga kulay.

Ang mga lumang television set at crystal display ay madaling magkaroon ng coloration at registration error na maaaring magbigay sa mga image ng hiwalay at sirang hitsura. Ang mga RGB (red, green, blue) channel sa Photoshop ay nagbibigay ng paraan para mapaghiwa-hiwalay mo ang mga kulay ng image at makagawa ng sariling color separation.

Ang mga RGB channel ang pangunahing paraan ng paghiwa-hiwalay sa mga kulay ng isang image sa Photoshop. Kapag sinusubukan mong magdagdag ng glitch effect sa image, suriin kung alin sa tatlong channel ng kulay na ito ang pinakahalata at alin ang puwedeng i-shift nang kaunti sa multichannel mode para makagawa ng magandang resulta. Halimbawa, kung maraming blue ang larawan, magkakaroon ng dramatic effects kapag inihiwalay ang blue channel.

Piliin ang RGB channel na gusto mong gamitin sa Channels panel, at piliin ang All sa document. Ang Wave effect ay puwede lang mag-apply ng color-based distortion sa isang layer. Ang bilang ng generator ay indikasyon kung ilang wave ang nandoon, at ang wavelength at amplitude ay nakakaapekto sa hugis ng mga nagreresultang wave.

Puwede mo ring i-randomize ang mga distortion sa pamamagitan ng pagpunta sa Filter › Distort › Wave at pagpili sa Randomize option. Puwede kang mag-randomize ng buong image (na magdudulot ng hindi mahuhulaang resulta), pero sa rectangular Select tool, posibleng limitahan ang distortion na ito sa partikular na lugar. Puwedeng gumamit ng kahit anong Select tool, pero puwedeng gayahin ng rectangular Marquee Select tool ang mga blocky at distorted na hugis ng mga lumang TV monitor.

Para paghiwa-hiwalayin ang mga kulay, kopyahin at i-paste ang image nang dalawang beses, para magkaroon ka ng tatlong kopya nito sa tatlong magkakaibang layer. Sa Blending Options panel, i-disable ang mga green at blue channel sa unang image, ang red at blue sa pangalawa, at ang red at green sa pangatlo. Pumunta sa Blending mode at piliin ang Screen sa dalawang itaas na layer. Ang paggalaw sa dalawang itaas na layer ay makakagawa ng glitch effect, kung saan nagiging blur ang mga RGB channel ng image ding iyon habang ipinoposisyon mo ang mga ito.

Na-edit na image na may mga static at glitch error

Paano mag-simulate ng mga static at tracking error.

Posible ring mag-simulate ng tracking error sa pamamagitan ng pagpili ng mga piraso ng image at sadyang paggalaw sa mga ito.

Paano mag-simulate ng horizontal tracking error.

Gamitin ang Rectangular Marquee tool para kumuha ng mahahaba at maninipis na bahagi ng image. Ilipat ang mga bahaging iyon gamit ang Move tool para hindi tumugma ang mga ito sa iba pang bahagi ng larawan, at maaari ding magdagdag ng distortion effects. Ulitin ito nang ilang beses para makuha ang characteristic look ng sirang broadcast o naistorbong satellite feed.

Paano mag-simulate ng static.

Para makagawa ulit ng "snow" at visual noise ng retro VHS tape o glitching CRT monitor, pumili ng bahagi ng image gamit ang Rectangular Marquee tool at gamitin ang Wave option (sa ilalim ng Distort at Filter menu) para magdagdag ng visual noise. Mahalaga ang pagiging random at chaos para gumawa ng authentic na glitch — gamitin ang Randomize button para gawing unique ang bawat distortion effect.

Paano mag-distort ng maliit na parte ng screen.

Puwede mo ring kunin ang mga indibidwal na bahagi ng larawan para sa distortion. Piliin ang mga ito gamit ang Rectangular Marquee tool, mag-right click, at piliin ang Layer Via Copy para mag-apply ng wave distortion sa partikular na lugar na iyon.

Gamit ang mga technique na ito, makakakuha ka ng modernong high-resolution na image at puwede mo itong iproseso sa pamamagitan ng artful at artificial aging para makagawa ng mga nakakapukaw na image mula sa dating nakikita lang bilang pagkasira.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/seo-articles/do-more-photoshop-color-blade