.

Photography

Lightroom vs Photoshop: Kailan dapat gamitin ang bawat program sa pag-edit ng image.

Parehong mahusay na tool sa pag-edit ng image ang Adobe Lightroom at Adobe Photoshop. Alamin kung saan nakatuon ang bawat tool at tuklasin ang ideyal mong workflow sa pag-edit ng larawan.

Hindi sigurado kung aling apps ang pinakabagay sa iyo?

Saglit lang. Tutulungan ka naming malaman.

Head-to-head na paghahambing.

Bagaman ang Lightroom at Photoshop ay parehong program sa pag-edit ng digital photography na maraming pagkakatulad sa function, idinisenyo ang dalawa para tumugon sa magkakaibang pangangailangan at makamit ang magkakaibang layunin. Sa mataas na antas, ang Lightroom ay ang pinakamagandang tool para mag-manage at magproseso ng libo-libong larawan na nasa mga device mo. Nakatuon ang Photoshop sa higit pang kontrol para makakamit ng mga mas kumprehensibong edit na tutulong sa iyong gawing perpekto ang ilang image. Minsan, hindi ito sitwasyon ng kung aling tool ang dapat gamitin, pero sitwasyon ng kung kailan dapat gamitin ang isa o pareho sa proseso ng post-production.

Kailan dapat gamitin ang Lightroom.

Pwede mong isipin ang Lightroom bilang panimula para sa post-processing. Sa maraming sitwasyon, nandito ang lahat ng kailangan mo. Hindi tulad ng Photoshop, na nakatuon sa iba't ibang creative na disiplina, partikular na binuo ang Lightroom para epektibong mapangasiwaan ang workflow ng propesyonal na photographer, mula sa pag-manage ng larawan hanggang sa mga panapos na detalye.

Pwede mong pagpilian ang Lightroom at Adobe Lightroom Classic. Ang Lightroom Classic ay isang program sa desktop para sa mga larawang lokal na naka-store, gaya ng hard drive mong external o nasa computer. Sino-store ng Lightroom ang mga file mo sa cloud, na nagbibigay-daan sa iyong walang hirap na ilipat ang workspace mo mula laptop papuntang tablet papuntang telepono o mula sofa papuntang coffee shop.

Pagkakaayos

Isa sa mga pinakamahalagang feature ng Lightroom ang pag-manage ng image. Maraming photographer ang nagsisimula sa proseso ng pag-edit gamit ang Lightroom, dahil mahusay ito sa pangangasiwa ng malalaking bilang ng mga larawan, para mas marami kang magawa nang mas mabilis. Epektibo mong maisasaayos, mama-manage, at mahahanap ang mga larawan sa catalog na parang library. Mag-rate ng mga larawan para matukoy ang pinakamagagandang shot at gumamit ng mga album at koleksyon para mag-manage ng mga photoshoot at project. May mga opsyon din sa paggamit ng keyword at paghahanap ang Lightroom para mahanap ang eksaktong larawang kailangan mo.

Pag-edit

Pagkatapos mong ma-import ang mga file mo, lumipat sa Develop module para magpaganda at mag-edit ng mga larawan. Dito, mababago mo ang settings mo para mapaganda ang bawat aspekto ng larawan mo. Pagandahin ang light at kulay, iwasto ang perspective, mag-sharpen, at magdagdag ng mga creative na effect para mamukod-tangi ang mga image mo. Ang mga preset sa Lightroom ay feature na nakakatipid ng oras na ginagawang madali ang pag-apply ng parehong settings sa isa o napakaraming image, na kilala bilang mga batch edit. Pwede kang gumawa ng mga sarili mong preset o mag-download ng malawak na iba't ibang preset sa pamamagitan ng feature na Discovery Interactive Edits. Nang hindi lumilipat sa Photoshop, pwede mo ring gawing mas maputi ang ngipin, bawasan ang red-eye, at gamitin ang healing brush para mag-alis ng mga blemish.

Gumagamit ang Lightroom ng non-destructive na pag-edit, na nangangahulugang pwede mong baguhin ang larawan nang hindi permanenteng binabago ang orihinal na file. Kung gumagamit ka ng mga raw na file, makikinabang ka sa flexibility na ibinibigay sa iyo ng mga raw na image kapag nag-e-edit, nang hindi nawawala ang orihinal na data. Ganoon din sa pagsisimula ng trabaho sa Lightroom gamit ang mga JPEG file.

Kailan dapat gamitin ang Photoshop.

Habang nakatuon ang Lightroom sa pagsasaayos at pagproseso ng mga larawan, nakatuon ang Photoshop sa pagmanipula, paggawa, at pagpapaganda ng image. Ang Photoshop ay ang pinakamagandang opsyon para sa mga image kung saan gusto mong maging perpekto ang bawat pixel. Pwedeng magsimula sa Lightroom ang mga photo retoucher, fine artist, o compositing artist pero sa huli, aasahan nila ang Photoshop para gawin ang karamihan sa pagbabago. Pwedeng isipin na matapat ang Lightroom sa photography, habang nagbibigay-daan naman sa iyo ang Photoshop na gawin ang mga image na naiisip mo.

Pag-retouch

Nagtatampok ang Photoshop ng mga tool sa pag-edit na nakatuon sa pagbabago ng hitsura at content ng larawan nang mas mahusay kaysa sa Lightroom. Pwede kang mag-alis ng mga nakakagulong object gamit ang teknolohiyang Content-Aware o mag-combine ng maraming larawan para sa isang composite, na gumagawa ng mga surreal o photo-real na image mula sa maraming larawan. Magagawa ng mga graphic designer na mag-combine ng mga image sa text at mga vector graphic, habang mare-reimagine ng mga illustrator ang mga larawan para makagawa ng panibagong gawa. Ang mga filter, mga layer, masking, at mga kontrol sa pag-transform ng Photoshop ang mga pangunahing building block para sa pag-edit ng mga image.

Mga layer

Tulad ng mga non-destructive na workflow sa Lightroom, pwede kang gumawa nang non-destructive sa Photoshop sa pamamagitan ng pagsulit sa mga Layer at Smart Object. Buuin ang image mo gamit ang mga layer at layer masking, na maa-adjust at mare-refine mo, dahil alam mong nilalaman ng mga layer ang orihinal na impormasyon ng image mo.

Posibleng mayroon kang layer para sa kulay o adjustment ng white balance mo, layer na may makulimlim na langit, layer na may blue na langit, at iba pa, lahat nakapatong sa orihinal mong image. Posibleng magkaroon ng learning curve sa mga layer kumpara sa mga slider ng universal na adjustment ng Lightroom, pero mahusay ang mga ito para sa pag-manage ng gawain sa post-production.

Pagsamahin ang dalawa para sa dynamic na duo.

Kapag alam ang mga pagkakaiba ng Lightroom at Photoshop, makakatulong sa iyong piliin ang pinakamagandang editor ng image para sa isang project, pero sa maraming sitwasyon, hindi ito desisyon na isa lang ang pipiliin. Idinisenyo ang dalawa para gumana nang maayos sa tulong ng isa't isa. Pwede kang magproseso ng larawan sa Lightroom at pagkatapos ay pindutin ang command E o control E para ipasa ito sa Photoshop, kung saan mafa-fine tune mo ito.

Parehong mahusay na opsyon sa photo editing software ang Photoshop at Lightroom, pero hindi lang ang dalawang ito ang magagamit mo. Kasama sa Photoshop ang Adobe Bridge, na ginagamit para mag-manage ng maraming uri ng file, at Adobe Camera Raw, na nagtatampok sa parehong world-class na image processing engine ng Lightroom. O pwede mong dalhin sa mobile ang lahat ng pag-edit mo gamit ang Adobe Photoshop Express at Adobe Lightroom para sa mobile. Tuklasin ang lahat ng photography app na kasama sa Adobe Creative Cloud Photography plan.

Sa huli, ang pasya sa pagitan ng Lightroom at Photoshop ay nakadepende sa mga layunin ng mga creative na project mo at personal mong preference. Madalas na ang sagot ay gamitin pareho. Ngayong alam mo na ang mga pinagkaiba ng dalawa, pwede mong idisenyo ang workflow mo para magawa ang mga larawang gusto mo. Ang pinakamainam na paraan para matuklasan kung ano ang para sa iyo ay mag-enjoy at mag-eksperimento hanggang sa mahanap mo ang perpekto mong proseso sa pag-edit.

Baka magustuhan mo rin