Makikita ang inspirasyon kahit saan. 

Ganoon na rin ngayon ang Photoshop.

Photoshop sa iPad. Paparating na sa 2019.

Hindi Photoshop para sa iPad. Photoshop sa iPad.

Hindi Photoshop para sa iPad. Photoshop sa iPad.

Paparating na ang totoong Photoshop sa iPad kaya makakagawa ka ng hindi kapani-paniwalang bagay. Abot-kamay mo na ang lahat ng pamilyar na tool sa desktop at workflow mo, mula sa pag-retouch at pag-composite hanggang sa spot healing at mga blend mode. Mga layer? Narito silang lahat. Resolution? Walang pagkakaiba. Parehong-pareho ang mga PSD mo, sa desktop ka man gumagawa o sa tuktok ng bundok.

Magsimula rito. Pumunta kahit saan.

Magsimula rito. Pumunta kahit saan.

Dalhin ang imahinasyon mo sa mga bagong-bagong lugar. Palaging naka-sync ang mga file mo sa Photoshop, kaya pwede kang magsimula sa desktop mo, magtrabaho habang nasa byahe, at matapos sa couch mo.

 

Mangarap nang mas mataas sa Creative Cloud.
Behance

They Are Watching Us - Adobe Dimension Project

Mangarap nang mas mataas sa Creative Cloud.

Bahagi ang Photoshop ng grupo ng mga app at susunod na henerasyon ng mga tool na magagamit nang sama-sama. Mabilis na ilipat ang artwork sa Photoshop mula sa Illustrator. Gumamit ng pen at touch para gumawa ng mga nakakapukaw at bagong stroke sa drawing at painting sa Project Gemini. At gumawa ng mga photo-realistic na 3D image sa Adobe Dimension. Kung kaya mong isipin, kaya mong gawin.

Alamin pa ang tungkol sa Creative Cloud ›

Basahin ang blog post ›

Mas marami kaming inilagay rito. Para mas mapakinabangan mo ito.

Ito ang Photoshop sa iPad ayon sa pagkakadisenyo dito — magaan, mabilis, malakas, at ganap na compatible.

Touch and go

Touch and go

Gamitin ang lahat ng tool na kapareho ng sa desktop, tulad ng mga layer, mask, filter, at adjustment — gamit ang daliri. Mag-swipe, mag-pinch, mag-tap, mag-scribble, mag-slide.Mas mapapalapit ka na ngayon sa gawa mo.

Nasa mga detalye ang performance

Nasa mga detalye ang performance

Ang smooth at responsive na navigation ay nangangahulugang mabilis kang makakapag-pan, makakapag-zoom hanggang sa pixel grid nang may kontrol sa katumpakan, at makakapag-navigate sa lahat ng mga layer mo nang walang kahirap-hirap. 

Pag-sync sa cloud

Pag-sync sa cloud

Madali lang panatilihing naka-sync ang mga file mo sa desktop at mobile dahil hindi mo na ito kailangang gawin ngayon. Awtomatiko na ito. Hindi kailangang mag-import, mag-export, o mag-convert. Hindi magbabago ang mga PSD mo kahit saan at palaging updated ang mga ito.

Context-aware na UI

Context-aware na UI

Lumalabas lang ang mga pangunahing tool at operasyon sa selection kapag kailangan mo ang mga ito. Sa tulong ng mga napakaliit na pane, madali kang makakapag-navigate sa mga layer habang pinagtutuunan mo ang canvas mo, hindi ang kalat.

Pinapangarap namin ang kinabukasan at binubuo namin ito ngayon.

Paparating na sa iyo ang mga bagong app para sa mga makabagong experience. Silipin ang mga pinakabago namin inobasyon.

Gumawa ng mga photo-realistic na 3D image.

Gumawa ng mga photo-realistic na 3D image.

Ipinakikilala ang Adobe Dimension ›

Ang hinaharap ng drawing at painting.

Ang hinaharap ng drawing at painting.

Kilalanin ang Project Gemini ›

Design para sa augmented reality

Design para sa augmented reality.

Kilalanin ang Project Aero ›