PUMUNTA SA SEKSYON
Paano fine-frame ng mga camera shot at angle ang pelikula mo.
Paggamit ng iba't ibang uri ng camera shot at angle.
Mga camera shot batay sa distansya at pag-frame.
Mga camera shot para i-frame ang maraming subject.
Ano ang ipinapahayag ng iba't ibang uri ng camera angle.
Mga movement-based na camera shot para magdagdag ng galaw.
Mga pangunahing camera shot para sa kuwento at ritmo.
Sulit kung susubukan mo ito para mahanap ang tamang anggulo.
Ang mga camera shot at angle ang bumubuo sa narrative mo at nagbibigay-daan sa mga audience mo para ganap na makisali sa kuwentong gusto mong isalaysay. Makakatulong sa iyo ang pag-aaral ng iba't ibang technique para maitakda ang tamang tone at mabigyang-daan ang audience mo na makakonekta sa pelikula mo.
Paano fine-frame ng mga camera shot at angle ang pelikula mo.
Ang Premiere ay isang makapangyarihang pang-enhance ng video na nagpapakita sa pinakamagandang bersyon ng footage mo. Hindi lang nito pinipino ang kulay, lighting, at bilis, kundi binibigyan ka rin nito ng mga tool para bigyang-diin ang epekto ng mga piniling shot mo.
- Ang iba't ibang uri ng anggulo at shot ng camera ay nagpapahayag ng iba't ibang impormasyon tungkol sa mga karakter at sa kanilang lugar sa mundo.
- Magagandang paraan ang mga wide at medium shot para ipakita ang mga setting at lokasyon.
- Ang mga close-up, point-of-view shot, at iba't ibang anggulo sa shot list mo ay tumutulong sa atin na malaman kung ano ang nararamdaman ng isang karakter.
Paggamit ng iba't ibang uri ng camera shot at angle sa pelikula.
Kasali sa shot composition ang pag-aayos ng mga visual element sa loob ng frame para makagawa ng maganda at makabuluhang image. Kabilang sa mga pangunahing aspekto ang balanse, symmetry, mga leading line, at negative space. Sa visual storytelling, puwedeng gabayan ng composition ang mata ng manonood, bigyang-diin ang mahahalagang elemento, at magpahayag ng mood o tensiyon. Halimbawa, ang paggamit ng negative space sa paligid ng isang karakter ay puwedeng magpahayag ng pakiramdam ng pag-iisa o kahinaan.
Mahalaga ang mga camera shot at angle para sa pagtatakda ng tone, bilis, at emosyonal na epekto ng isang eksena. Ang iba't ibang uri ng camera angle ay puwedeng gumawa ng talagang magkakaibang interpretasyon sa isang aksyon, gumagawa man ng anticipation sa pamamagitan ng mababang anggulo o gumagawa ng mas intimate na tagpo gamit ang close-up shot. Nakakaimpluwensya ang iba't ibang shot at anggulo sa kung paano tinitingnan ng audience ang mga karakter at ang kapaligiran nila.
Ngayong standard na sa mga smartphone ang mga de-kalidad na camera, accessible na ang paggawa ng pelikula sa mas maraming audience, na nagbubukas ng pinto sa mga bagong tinig at persective. Dahil madaling gamitin at portable ang mga mobile device, posible nang mag-eksperimento sa mga hindi pangkaraniwang camera angle sa pelikula, perspective, at mga bagong uri ng movie shot, na nakakagawa ng mga bago at mas dynamic na style ng pag-shoot.
Tatalakayin sa artikulong ito ang iba't ibang anggulo at shot ng camera, kung saan partikular na kasama ang mga sumusunod na kategorya:
- Mga shot batay sa distansya at framing — naka-focus sa kung paano naaapektuhan ng proximity sa subject ang mood, mga detalye, at emosyonal na epekto.
- Mga anggulo at perspective ng camera — ine-explore kung paano puwedeng baguhin ng mga vertical at horizontal na anggulo ang paraan ng pag-unawa ng mga manonood sa mga pangyayari at karakter.
- Mga shot batay sa paggalaw — nagdaragdag ng suspense, pagkasabik, o fluidity sa isang eksena batay sa kung paano ginagalaw ang camera.
- Mga pangunahing shot — nagbibigay ng kumpletong larawan ng kapaligiran para matulungang mabigyan ng direksyon ang manonood.
Mga uri ng camera shot batay sa distansya at framing.
Nakakaapekto ang focal length sa field of view at sa nakikitang distansya sa pagitan ng mga bagay sa frame. Ang mas malawak na focal length (hal., 24mm) ay nagbibigay ng mas malaking field of view at nagpapakita ng mga bagay na mas malayo sa isa't isa, habang kino-compress ng mas mahahabang focal length (hal., 85mm) ang eksena, para magmukhang mas magkakalapit ang mga bagay.
Nakakaapekto rin ang focal length sa depth of field, kung saan ang mas mahahabang focal length ay karaniwang gumagawa ng mas mababaw na depth of field, na puwedeng gamitin para ihiwalay ang mga subject mula sa background ng mga ito.
Ang iba't ibang layo ng camera ay puwedeng magpakita sa emosyonal na kalagayan ng isang karakter. Kapag gusto mong ipahayag ang emosyonal na pakikipagsapalaran ng isang karakter, puwede kang magsimula sa malalawak na shot na unti-unting lumilipat sa mga close-up habang nagiging mas emosyonal na mahina ang isang karakter. Gumagawa ito ng narrative na visual na sumasalamin sa panloob na kalagayan ng karakter.
Idedetalye namin ang mga sumusunod na uri ng shot batay sa distansya sa mga susunod na seksyon:
- Extreme close-up shot
- Close-up shot
- Medium close-up shot
- Medium shot
- Cowboy shot
- Medium long shot
- Long shot
- Full shot
- Wide shot
Extreme close-up shot (ECU).
Naka-focus ang extreme close-up shot sa isang partikular na detalye — puwedeng kasama rito ang mga mata, labi, o isang mahalagang bagay ng karakter — para paigtingin ang drama at ibaling ang atensyon ng manonood sa isang makabuluhang tagpo sa kuwento. Sa pamamagitan ng pagtuon sa isang maliit na tampok sa loob ng frame, pinatitindi ng ganitong uri ng shot ang koneksyon ng audience sa subject at madalas na isinisiwalat nito ang mga damdamin at emosyon na hindi palaging naipahahayag ng dialogue lang.
Halimbawa, sa isang eksena kung saan nasaktan ang isang karakter ng isa pang karakter, ang isang luhang tumutulo sa mukha niya ay maraming kayang sabihin tungkol sa nangyaring interaksyon.
Close-up shot (CU).
Ang mga close-up shot, lalo na ang mga extreme close-up, ay kadalasang gumagamit ng mas mahahabang focal length (85mm–135mm) para i-compress ang mga feature ng mukha at i-blur ang mga background. Maaaring gumamit ang mga filmmaker ng mas malalawak na aperture (f/1.8–f/2.8) para sa mababaw na depth of field.
Puwedeng magsiwalat ang close-up shot ng mga emosyon mula sa mga subtle na facial expression, mga pahiwatig ng body language, o isang makabuluhang bagay. Binabawasan nito ang mga bagay na nakaka-distract kapag naglalagay ng isang element sa frame.
Medium close-up shot (MCU).
Naka-frame sa medium close-up shot ang isang subject mula sa balikat o dibdib pataas, nang kinukunan ang parehong mga facial expression at ilang body language. Kadalasang ginagamit ang shot sa mga eksenang may matinding emosyon dahil tinutulungan nito ang audience na makakonekta sa nararamdaman ng karakter.
Halimbawa, maaari itong magsama ng mga aksyon tulad ng nakakuyom na kamao kasabay ng pagpatak ng luha sa mukha ng karakter. Sa pamamagitan ng pagpapanatili ng bahagi ng katawan sa frame, ang medium close-up shot ay nagbibigay-daan sa mga filmmaker na ipakita ang mga emosyon ng karakter at konteksto ng sitwasyon.
Medium shot (MS).
Ang mga medium shot ay kadalasang gumagamit ng mga karaniwang focal length (35mm–50mm) para magbigay ng natural na perspective. Kadalasang binabalanse ng lighting ang paksa at background.
Kadalasang ginagamit ang shot na ito sa mga eksena na may dialogue o interaksyon ng grupo dahil nagbibigay ito ng sapat na espasyo para ipakita ang maraming karakter habang ipinapakita pa rin ang iba't ibang aksyon at pahiwatig ng body language. Mahusay ang mga medium shot para sa balanseng coverage dahil pinapanatili nito ang visual na konteksto nang hindi kinakalimutan ang emosyonal na transparency.
Cowboy shot.
Noong 1930s, nagsimulang gumamit ang mga American filmmaker ng isang style ng movie shot na tinatawag na cowboy shot, na nagpapakita ng mga gunslinger mula sa sombrero hanggang gitna ng hita para maisama ang mga holster. Gumagamit ang mga modernong pelikula ng mga cowboy shot para ipakita ang body language ng isang subject at ilang background habang kinukunan pa rin ang mga facial expression nila. Sa Wonder Woman, halimbawa, kinunan ng cowboy shot si Diana habang tumatawid siya sa battlefield, sinusuntok ang mga bala at nakangiti habang ipinapakita ang lakas niya.
Medium long shot (MLS).
Naka-frame sa medium long shot ang subject mula sa tuhod pataas, na lumilikha ng kombinasyon ng pagiging mulat sa espasyo at detalye. Nagbibigay ito ng sapat na distansya para ipakita ang mga aksyon at body language habang binibigyan pa rin ang mga manonood ng oras para emosyonal na makakonekta sa karakter.
Pangunahing bahagi na ang shot na ito ng mga Western movie, kung saan makikita mo itong ginagamit para ipakita ang mga nag-iisang tao sa malawak na tanawin, na gumagawa ng kawili-wiling pagkakaiba sa pagitan ng isang karakter at kapaligiran niya. Madalas din itong ginagamit sa mga pag-uusap nang nakatayo o kapag kinukunan ang mga kilos ng karakter, kaya't magandang pagpipilian ito para sa mga eksenang nangangailangan ng parehong aksyon at dialogue.
Long shot (LS).
Naka-frame sa long shot camera angle ang buong subject, na kadalasang mula ulo hanggang paa, habang ipinapakita rin ang malaking bahagi ng kapaligiran. Karaniwang ginagamit ang malawak na framing na ito para mag-focus sa distansya, sukat, o pagiging nag-iisa, nang inilalagay ang mga karakter sa konteksto ng kapaligiran nila.
Ginagamit ng mga filmmaker ang long shot camera angle para ipakilala ang setting, ipakita ang ugnayan ng karakter sa kapaligiran, o bigyang-pansin ang kalawakan — o kawalan — ng isang eksena.
Full shot (FS).
Naka-frame sa full shot ang buong katawan ng subject mula ulo hanggang paa, habang may sapat na espasyo sa frame para isama ang mga detalye ng background. Gumagawa ito ng visual na balanse sa pagitan ng karakter at ng kapaligiran niya, kaya't magandang pagpipilian ito para ipakita ang paggalaw, body language, at kapaligiran nang sabay-sabay.
Karaniwang ginagamit ang full shot kapag mahalaga sa eksena na makita ang buong karakter. Halimbawa, puwedeng ipakita ng full shot ang isang guro na nakatayo sa harap ng pisara sa silid-aralan, na naglalakad pabalik-balik habang naghihintay na magsimula ang unang araw ng pasukan.
Wide shot (WS).
Kadalasang gumagamit ang mga wide shot ng mas malalawak na focal length (16mm–35mm) para makunan ang malalawak na eksena. Maaaring kailanganin nito ang mas mataas na f-stops (f/8–f/11) para sa mas malawak na depth of field. Karaniwang ginagamit ng mga filmmaker ang wide shot para ipakilala ang sukat at setting o para bigyang-pansin ang ugnayan sa pagitan ng mga karakter at ng kapaligiran nila.
Madalas, puwedeng ituring na wide shot ang mga master shot, two-shot, cowboy shot, at iba pang uri ng shot.
Mga camera shot para i-frame ang maraming subject.
Ang pag-frame ng mga shot na may maraming subject — o ang paglipat sa pagitan ng perspective ng dalawa o higit pang karakter — ay nagpapakita ng emosyonal na tensyon o iba't ibang pananaw para makuha ang atensyon ng audience. Kabilang sa mga karaniwang technique ang over-the-shoulder (OTS) at point-of-view (POV) shot para lubos na maisama ang audience sa eksena na para bang bahagi sila ng aksyon.
Halimbawa, puwedeng maging epektibo ang OTS shot para sa isang debate sa pagitan ng dalawang karakter, kung saan nasa foreground ang isang karakter habang nakatuon ang camera sa reaksyon ng isa pa, na nagpapakita ng tunggalian sa pagitan ng dalawang karakter. Sa kabilang banda, puwedeng maging kapaki-pakinabang ang POV shot kapag ipinapakita ang isang estudyante na naglalakad papunta sa entablado ng auditorium ng paaralan para magbigay ng talumpati.
Malinaw na ipinapakita ng mga ganitong uri ng shot sa mga manonood ang dynamics sa pagitan ng iba't ibang karakter, na nagpaparamdam sa kanila na bahagi sila ng kuwento at hindi lang simpleng mga tagamasid.
Sa susunod na seksyon, tatalakayin natin ang mga sumusunod na uri ng shot:
- Mga over-the-shoulder shot
- Mga two shot
- Mga three shot
Over-the-shoulder shot (OTS).
Ang over-the-shoulder shots ay mga reverse shot na gumagamit ng standard hanggang sa bahagyang telephoto lens (50mm–85mm). Kailangang balansehin ng lighting ang dalawang subject habang pinapanatili ang depth. Pinapalakas ng mga shot na ito ang daloy ng pag-uusap sa pamamagitan ng paggaya sa kung paano natin nararanasan ang makatotohanang dialogue at inilalagay ang viewer sa posisyon ng bawat nagsasalita. Nakakatulong ito sa viewer para madaling masundan ang palitan ng usapan.
Ang shot na ito ay puwedeng magpakita ng emosyonal na distansya sa pamamagitan ng pasimpleng pagkontrol kung gaano kalapit o kalayo ang pakiramdam ng manonood sa bawat subject. Kapag nakaposisyon sa likod ang audience ng isang karakter, puwede itong gumawa ng mas may pinapanigang perspective sa point of view ng karakter na iyon. Puwede nitong ipakita ang nagbabagong power dynamics, bigyang-diin ang tensyon, o ipakita ang mga hindi binabanggit na emosyon depende sa kung paano ine-edit at binubuo ang shot.
Two-shot.
Ang shot na may dalawang subject ay kilala bilang two shot. Sa pamamagitan ng pag-capture ng interaksyon ng mga subject, distansya nila sa isa't isa, at body language nila, maraming maikukuwento ang two-shot sa manonood tungkol sa relasyon ng mga subject. "Sinisikap naming panatilihin ang two-shot sa karamihan ng eksena at pagkatapos ay gumamit ng single o tight shot para sa isang killer line o mahalagang detalye," sabi ni Ruckus Skye.
Three-shot.
Kasama sa three-shot ang tatlong karakter sa iisang frame, na kadalasang iniaayos para bigyang-diin ang mga interaksyon at relasyon nila. Madalas gamitin ang shot na ito para ipakilala ang dynamics tulad ng pagkakaisa, kawalan ng balanse, o tunggalian sa loob ng grupo.
Kapag pantay-pantay ang pagitan o magkakadikit ang mga karakter, puwedeng ipahiwatig ng shot na ito ang kolaborasyon o pagkakaroon ng magkakatulad na bagay na pinahahalagahan. Sa kabilang banda, kung may isang karakter na nakahiwalay sa grupo o naka-frame nang may ibang taas, puwedeng ipakita ng shot na ito ang tensyon o hindi pagkakaunawaan sa loob ng grupo.
Ano ang ipinapahiwatig ng iba't ibang uri ng camera angle sa pelikula.
Ang taas ng camera kumpara sa subject ay nakakaapekto sa pananaw ng manonood tungkol sa power dynamics. Sa mababang camera angle (pataas ang tingin), nagmumukhang mas dominante ang mga subject, samantalang ang mataas na angle (pababa ang tingin) ay puwede namang magpakita ng kahinaan nila. Ang sobrang baba o taas na camera angle ay puwedeng magpagulo sa perspective, na nagpapalaki sa mga feature na mas malapit sa camera. Puwedeng mapatindi pa ang distortion na ito sa pamamagitan ng paggamit ng wide-angle lens na malapit sa subject.
Tatalakayin sa seksyong ito ang mga sumusunod na uri ng camera angle sa pelikula:
- Eye-level shot
- High angle shot
- Low angle shot
- Dutch angle shot
- Overhead shot/Bird's-eye view
- Point-of-view shot
- Reverse shot
- Profile shot
Eye-level shot.
Ang eye level ang angle ng pang-araw-araw na buhay. Ang walang pinapanigang camera angle na ito ay walang gaanong epekto sa pagkukuwento tulad ng pag-shoot mula sa itaas o ibaba ng subject, at maraming filmmaker ang umiiwas sa paggamit ng eye level sa gawa nila. "Walang perspective," sabi ni Lane Skye. "Kapag nasa itaas ka ng karakter at pababa ang tingin, mukha siyang mas maliit," dagdag ni Ruckus Skye. "Marahil, hindi kasintindi ang kumpiyansa o kapangyarihan niya. At kung titingnan mo ang sinumang superhero, palagi kang nakatingala sa kanya. Cliché man ito, puwede mo pa rin itong gawin sa mas maliliit na antas at mas subconscious ito."
Itinuturing na eye level shot ang neutral shot dahil nakaposisyon ang camera sa parehong taas ng mga mata ng subject, na nagpapakita kung paano natin nakikita ang ibang tao sa tunay na buhay. Iniiwasan ng anggulong ito na bigyang-diin ang power dynamics o emosyonal na distansya, kaya ito ang pinakamahusay na shot para magpakita ng realism at pagiging objective.
Kapag gumagamit ng medium focal length lens — kadalasang nasa pagitan ng 35 mm hanggang 50 mm sa full-frame camera — nananatiling totoo ang perspective sa kung paano nakikita ng mga tao ang mundo.
High angle shot.
Sa high angle shot, nakaposisyon ang camera sa itaas ng aktor na nakatingin pababa sa kanya. Sa perspective na ito, nagmumukhang maliit, mahina, o nawawala sa kapaligiran niya ang mga karakter. Kadalasang ginagamit ang high angle shot sa mga pelikulang horror, thriller, o suspense dahil nagpapahiwatig ito ng panganib o gulat.
Sa simula ng Titanic, gumamit si James Cameron ng high angle shot kay Rose na nakatingin pababa sa karagatan bilang simbolo ng kawalan niya ng kapangyarihan sa paggawa ng sarili niyang mga desisyon sa buhay. Gayundin, sa Harry Potter franchise, si Dobby na house elf, ay halos palaging kinukunan sa high angle shot. Pinapatibay sa ganitong uri ng camera angle ang maliit niyang pangangatawan at ang mababa niyang tungkulin bilang hamak na alila.
Low angle shot.
Ang anumang shot na nakatingin pataas sa isang karakter ay tinatawag na low angle shot, nakaposisyon man ang camera nang ilang pulgada sa ibaba ng eyeline ng karakter o nasa may paanan niya. Nagbibigay ang low angle shot ng impression na nakaposisyon ang karakter sa ibabaw ng audience, kaya ginagamit ito ng mga direktor para magpahiwatig ng kapangyarihan at awtoridad.
Nakakatulong ang ganitong uri ng camera angle sa manonood na makaugnay at makaunawa sa mga makapangyarihan at hindi mahinang karakter, kaya madalas itong ginagamit sa mga action film o superhero film. Sa classic western na Stagecoach, ipinakilala ang bayaning karakter ni John Wayne gamit ang low angle shot kung saan nagmumukha siyang malaki at may kontrol.
Dutch angle shot.
Puwedeng makamit ang mga Dutch angle shot gamit ang kahit anong lens. Kailangan lang i-tilt ang camera mula sa horizontal axis nito, na karaniwang 15 hanggang 45 degrees. Hindi tulad ng basic tilt shot, nagdudulot ang Dutch angle shot ng pakiramdam na may mali sa isang karakter o sa loob ng eksena. Madalas itong ginagamit sa pelikula para bumuo ng tensyon o pagkabalisa, na kadalasang nagpapakita ng kawalang-katatagan ng isip ng isang karakter o pagkabalisa sa eksena.
Bird's-eye view overhead shot.
Mula sa itaas, maaaring ipahiwatig sa aerial shot ang kaliitan ng mga subject o ang kalawakan ng kapaligiran nila. Puwedeng ipakita sa overhead shot ang kawalan ng kapangyarihan, pagiging nag-iisa, o kawalan ng kabuluhan. Halimbawa, puwedeng mag-pan ang shot na ito sa isang malaking lungsod pagkatapos ng isang apocalyptic na pangyayari, na nagpapakita ng mga nasirang gusali at mga usok sa buong horizon line para isaad ang malaking epekto ng pangyayari sa mga naninirahan dito.
Point-of-view shot (POV).
Puwedeng gumamit ang point-of-view shot ng iba't ibang focal length depende sa gustong epekto. Maaaring gamitin ng filmmaker ang handheld o stabilized na paggalaw ng camera para gayahin ang natural na paggalaw ng ulo.
Binibigyang-daan ng POV shot ang audience na makita ang mundo sa pamamagitan ng mga mata ng isang karakter, na mas naglulubog sa audience sa emosyonal na estado at mga karanasan ng karakter. Puwede itong gumawa ng mas malalalim na koneksyon sa pagitan ng manonood at mga karakter ng pelikula dahil hinahayaan nito ang audience na maramdaman ang mga emosyon kasama ng subject.
Reverse shot.
Puwedeng gamitin ng filmmaker ang reverse shot para ipakita ang reaksyon o dialogue ng isa pang karakter sa unang ipinakitang karakter (sa POV shot). Kinukunan sa shot na ito ang kabaligtarang perspective ng POV shot, at kadalasang sumusunod ito sa over-the-shoulder shot, na nagbabago ng pananaw habang pinapanatili ang parehong axis ng paggalaw para sa pagkakapare-pareho ng espasyo.
Kadalasang gumagamit ang shot na ito ng medium focal length (sa pagitan ng 35mm at 50mm) at katulad na framing sa isang POV shot (na karaniwang medium o medium close-up) para mapanatili ang scale at perspective. Sa pamamagitan ng paglipat sa dalawang perspective, pinapanatili ng shot na ito ang interes ng audience sa dialogue at mga aksyon nang hindi gumagamit ng nakakagulat na pagbabago sa mga pananaw.
Profile shot.
Naka-frame sa profile shot ang isang subject mula sa gilid, na kinukunan ang buong profile ng mukha nila, na karaniwang sa 90 angle sa camera. Puwedeng magdulot ang shot na ito ng pakiramdam ng malalim na pag-iisip, observational detachment, o emosyonal na distansya dahil hindi nito ipinapakita sa audience ang direktang eye contact o frontal na ekspresyon mula sa subject.
Binibigyang-daan ng profile shot ang mga filmmaker na ipakita ang paglayo ng loob o pangkalahatang pagninilay ng isang karakter. Karaniwan itong naka-frame sa medium hanggang medium long na distansya gamit ang focal lens sa pagitan ng 35mm at 55mm, na nagpapakita ng natural na hitsura habang kinukunan pa rin ang postura at mga facial expression.
Mga movement-based na camera shot para magdagdag ng galaw.
Para makasabay sa aksyon, kailangang mapanatili ng camera ang bilis ng paksa. Ang mga shot na may kasamang pisikal o visual na paggalaw ng camera — gaya ng dolly shot o tracking shot — ay puwedeng mag-ambag sa pacing ng kuwento, emosyonal na lalim, o oryentasyon ng espasyo.
Tatalakayin natin ang mga sumusunod na movement-based shot sa mga susunod na seksyon:
- Tracking shot
- Pan shot
- Dolly in/out at zoom shot
Tracking shot.
Ang tracking shot ay may camera na sumusunod sa subject sa kapaligiran nila, na kadalasang gumagalaw sa tabi, sa harap, o sa likod nila. Nagdudulot ang technique na ito ng pakiramdam ng momentum na nagpaparamdam sa manonood na bahagi sila ng aksyon.
Puwedeng gawin ang tracking shot mula sa maraming anggulo, kabilang na ang mga side profile, low angle, o over-the-shoulder shot, depende sa pakiramdam o visual na epekto na gusto mong i-highlight.
Halimbawa, habang naglalakad ang isang subject sa madilim na pasilyo, puwede siyang i-track ng camera mula sa gilid para i-highlight ang tensyon at takot sa paggalugad ng isang nakakatakot na gusali.
Pan shot.
Sa pan shot, gumagalaw nag camera nang horizontal para ipakita ang nakatagong impormasyon sa pamamagitan ng unti-unting pagpapalaki sa field of vision ng audience. Puwede itong bumuo ng tensyon habang inaabangan ng audience kung ano ang papasok sa frame o maghatid ng kamalayan sa espasyo habang ipinapakita nito ang kapaligiran sa paligid ng mga subject.
Puwede mo ring isama ang pan shot sa iba't ibang camera angle para baguhin ang tone, perspective, o focus ng eksena sa loob ng isang tuloy-tuloy na paggalaw. Ang isang halimbawa nito ay ang paggamit ng profile shot ng isang karakter na nakaupo sa bar, kung saan nagpa-pan ang camera sa mukha niya para ipakita ang ekspresyon niya. Patuloy na nagpa-pan ang camera sa likod niya para ipakita ang isa pang karakter na papasok sa bar mula sa kabilang panig ng kuwarto.
Dolly in/out at zoom shot.
Kailangan ng dolly shot ng pisikal na paggalaw ng camera sa isang track o platform na may gulong para maingat na lumapit o sumunod sa isang subject. Nagbibigay ito ng natural at pulidong hitsura para sa pelikula mo. May ilang pangunahing uri ng dolly movement, at ang bawat isa ay tumutulong sa pagsulong ng kuwento sa iba't ibang paraan:
- Dolly in. Lumalapit ang camera sa subject — na karaniwang gumagamit ng telephoto o medium lens — para bumuo ng matinding emosyon o dagdagan ang focus sa isang partikular na element sa eksena. Ginagamit ang shot na ito para bigyang-diin ang realization ng isang karakter o bumuo ng anticipation habang lumalapit ang manonood sa karakter.
- Dolly out. Sa shot na ito, lumalayo ang camera sa subject, na nagdudulot ng pakiramdam ng kahinaan, pagkakawalay, o pagsisiwalat. Para isimbolo ang pagbabago o isolation, gumamit ng mas malawak na focal length para mag-focus sa background at kapaligiran habang lumiliit ang subject sa frame.
- Dolly zoom. Tinatawag ding "Vertigo effect" ang dolly zoom kung saan pinagsasama ang dolly in o out at ang kasabay na pag-zoom sa kabilang direksyon. Nagdudulot ito ng pakiramdam ng pagkalito at nagpapakita ng panic, shock, o biglaang realization na nangyayari sa loob ng eksena. Epektibo ang telephoto lens sa dramatikong shot na ito para i-exaggerate at i-distort ang background.
Mga pangunahing camera shot para sa kuwento at ritmo.
Kung wala kang maaasahang shot para magtakda ng tone, puwedeng malito ang mga manonood sa pelikula mo. Ang mga foundational shot ay may tiyak na layunin sa narrative o editorial, tulad ng pagkuha ng buong coverage, pag-angkla ng eksena, o pagpapakita ng mahahalagang detalye.
Tatalakayin ang mga sumusunod na uri ng shot sa mga susunod na bahagi:
- Master shot
- Establishing shot
- Cut ins/insert shot
- Cut away shot
- Reaction shot
- Push-in/push-out shot
Master shot.
Ang mga shot kung saan kinukunan ang lahat ng aksyon na nangyayari sa isang eksena ay tinatawag na master shot, at karaniwan itong naka-set up bilang long shot o wide shot. Dahil nirerekord nito ang lahat, napakahalagang uri ng camera shot nito para sa basic coverage. Puwedeng hayaan ng mga editor na makahinga ang isang eksena sa pamamagitan ng pag-cut sa master shot sa mga pause sa aksyon o dialogue.
Magkaiba ang layuning ginagampanan sa pelikula ng master shot at establishing shot. Kinukunan sa master shot ang buong eksena mula simula hanggang katapusan, na kadalasang isang take lang. Nagsisilbi itong angkla para sa eksena, na nagpapakita sa lahat ng karakter at ugnayan nila sa espasyo sa loob ng kapaligiran. Sa kabilang banda, nagpapakita ang establishing shot ng bagong lokasyon sa simula ng eksena. Nagbibigay ito sa manonood ng geographic context, gaya ng kung saan at kailan nangyayari ang isang eksena.
Establishing shot.
Ang establishing shot ay isang wide shot na ginagamit sa simula ng eksena para itakda ang tone, oras, at lokasyon. Ipinapakita nito kung saan magaganap ang aksyon, na karaniwang kumukuha ng mga panlabas na kapaligiran gaya ng mga gusali, kapitbahayan, o tanawin.
Halimbawa, ang mabagal na aerial shot ng skyline ng lungsod sa paglubog ng araw na may maraming sasakyang bumper-to-bumper ay maaaring magpahiwatig ng moderno at masigasig na setting, habang ang static na wide shot ng walang lamang kalye sa pagsikat ng araw ay puwedeng magtakda ng tahimik at introspective na tone.
Cut ins/insert shot.
Kinukunan sa mga ganitong uri ng close-up shot ang maliliit na detalye tulad ng mga kamay o paa ng subject. Kung titingin ang isang karakter sa text sa telepono niya , maaaring gustuhin ng direktor na kumuha ng close-up camera angle ng screen ng telepono. Ina-isolate ng insert shot ang maliliit pero makabuluhang detalye sa loob ng mas malaking eksena.
Idinidirekta ng mga shot na ito ang atensyon ng manonood sa mga aksyon, galaw, o bagay na mahalaga sa narrative pero puwedeng hindi mapansin. Maaaring kasama rito ang isang bagay tulad ng kamay na nagpapasa ng note sa ilalim ng desk sa silid-aralan.
Cut away shot.
Ang cutaway, na kabaligtaran ng cut-in, ay lumilipat mula sa subject patungo sa iba pang bagay, tulad ng mula sa gulat na facial expression ng aktor patungo sa tumatahol na aso o mula sa bolang tumatawid sa goal line patungo sa mga tagahangang nagsisigawan sa stand. Ang pagtitipon ng mga ganitong uri ng movie shot ay puwedeng maging kapaki-pakinabang para sa pag-edit nang magkakasama ng maraming take ng parehong eksena.
Pinuputol sa cut away shot ang pangunahing aksyon sa isang eksena para ipakita ang isang bagay na may kaugnayan pero nasa labas ng pangunahing frame, gaya ng isang lokasyon, bagay, o aksyong hindi nakikita sa screen. Nagdaragdag ito ng visual na konteksto nang hindi nasisira ang continuity. Naaakit ng cut away shot ang atensyon sa mahahalagang element ng narrative sa pamamagitan ng pagpapakita kung saan nagre-react ang isang karakter o pagbuo ng tensyon sa pamamagitan ng pagpapakita ng isang bagay na hindi pa napapansin ng subject.
Reaction shot.
Dahil hindi palaging nasa taong nagsasalita ang pinakamahalagang visual sa isang pelikula, ang mga reaction shot ay mga close-up shot na nagbibigay ng mahahalagang pagkakataon para sa pag-unlad ng karakter at kuwento. Kinukuha ng mga reaction shot ang emosyonal na tugon ng isang karakter sa isang bagay na nangyayari sa labas ng screen — maaaring isang biro, isang pagsisiwalat, o isang banta — at nagbibigay sa audience ng pananaw sa damdamin ng isang karakter na hindi maipapakita ng isang shot na naka-focus sa nagsasalita.
Push-in/push-out shot.
Sa isang push-in shot, lumalapit ang camera sa subject para hikayatin ang atensyon o focus ng manonood. Kabaligtaran naman ang push-out shot, na nagha-highlight sa pag-iisa ng isang karakter sa pamamagitan ng pagdaragdag ng distansya sa pagitan ng manonood at ng subject. Ang mga ganitong uri ng gumagalaw na shot ay karaniwang nangangailangan ng dolly, jib, o Steadicam.
Gumamit ng mga sequence shot na gumagana sa paraang visual at thematical.
Kabilang sa shot sequencing ang pag-aayos ng mga shot para gumawa ng isang magkakaugnay na daloy ng narrative. Para sa epektibong pag-sequence, alamin ang progression ng mga shot size, direksyon ng screen, at pagtutugma ng tingin. Madalas gamitin ng mga filmmaker ang 180-degree rule para mapanatili ang pagkakapareho ng espasyo sa pagitan ng mga shot at matiyak na nananatili ang mga karakter sa parehong posisyon sa mga cut. Ang paglabag sa patakarang ito nang walang dahilan ay maaaring makalito sa audience mo at makasira sa daloy ng eksena.
Kontrolado mo ang pacing sa pamamagitan ng tagal ng shot at ritmo ng mga cut. Ang mas mabibilis na cut ay karaniwang nagdudulot ng mas maraming tensyon o pagkasabik, gaya ng sa isang commercial. Sa kabilang banda, ang mas mababagal na sequence na may mas mahahabang take ay maaaring gamitin sa isang documentary para hayaang mas natural na lumabas ang impormasyon o emosyonal na konteksto.
Para sa mas malaking epekto, kinukunan ang ilang eksena bilang isang sequence shot, na isang tuloy-tuloy na take nang walang cut. Binibigyang-daan ng technique na ito ang mga manonood na maranasan nang real time ang tagpo.
Totohanin ang vision mo gamit ang Premiere.
Maraming iba't ibang camera shot at angle ang kailangan para gumawa ng nakakaakit na kuwento at nakakamanghang visual na kuwento. Makakatulong ang pagsasanay ng iba't ibang technique para bumuo ng suspense, magtakda ng tone, at lumikha ng obra maestra.
Binibigyan ka ng Adobe Premiere ng video editing software na nagpapabilis sa editing workflow mo at nagbibigay-daan sa iyo na mag-eksperimento sa iba't ibang framing, cut, transition, at iba pa. Gumagawa ka man ng commercial, maikling pelikula, o documentary, makakatulong sa iyo ang Premiere na gumawa ng pulido, propesyonal, at pangsineng video.
Mga FAQ tungkol sa mga camera angle at shot.
Hanapin ang Creative Cloud plan na para sa iyo.
Premiere Single App
₱1,450.40/buwan kasama ang VAT
Taunan, sinisingil buwan-buwan
May kasamang 100GB na cloud storage, Adobe Fonts, at Adobe Portfolio.
Creative Cloud Pro
₱4,289.60/buwan kasama ang VAT
Taunan, sinisingil buwan-buwan
Makakuha ng 20+ Creative Cloud app, kasama ang Premiere.
Mga Estudyante at Guro
₱1,261.12/buwan kasama ang VAT
Taunan, sinisingil buwan-buwan
Makatipid ng mahigit 70% sa Creative Cloud Pro.
Negosyo
Regular na nasa halagang ₱5,633.00/buwan
Alternatibong nasa halagang ₱3,887.00/buwan hindi kasama ang VAT kada lisensya
Taunan, sinisingil buwan-buwan
Makatipid ng 30% para sa unang taon sa mga creative app na nangunguna sa industriya na may simpleng pag-manage ng lisensya. Valid para sa hanggang 9 lisensya. Magbayad ng ₱3,887.00/buwan hindi kasama ang VAT para sa unang taon at ₱5,633.00/buwan hindi kasama ang VAT pagkatapos noon. Mga bagong subscriber lang.
Tingnan ang mga tuntunin | Tingnan kung ano'ng kasama