Icertis

Mas mabilis na kumumpleto ng mga kontrata sa buong organisasyon mo.

Pahusayin ang Icertis Contract Intelligence solution mo gamit ang mga legal na may bisang e-signature — habang nakakatipid ng maraming oras at pera.

Mga e-signature na maaasahan ng negosyo — at mga customer mo.

Mahalaga ang tungkulin ng mga kontrata sa mga pang-araw-araw na transaksyon sa negosyo. At nangangailangan ang bawat kontrata ng kahit isang signature. Sa Acrobat Sign, ang inirerekomendang e-signature solution para sa Icertis Contract Intelligence (ICI) platform, mahusay mong makukumpleto ang lahat ng uri ng kontrata nang malawakan nang panatag na natutugunan ng bawat e-signature ang mahihigpit na kinakailangan sa seguridad at pagsunod. Hindi lang iyan, magkakaroon ka pa ng higit na productivity, mas maliit na gastusin, at mas magandang experience para sa mga user.

Approved Trust List.

Sa pamamagitan ng pag-integrate ng Acrobat Sign sa ICI, magagawa mong:

Pabilisin ang paggawa at pag-apruba ng kontrata. Binibigyang-daan ng Acrobat Sign ang mga naka-automate na workflow ng e-signature para matiyak na mga tamang tao ang lalagda sa mga tamang kontrata sa tamang pagkakasunod-sunod — sa loob ng ilang minuto o oras, sa halip na ilang araw at linggo.

Makatipid ng maraming oras at pera. Matutulungan ka ng prosesong 100%paperless mula sa Acrobat Sign at ICI na mapalagdaan at maaprubahan nang mas mabilis ang mga kontrata. At nangangahulugan iyon na malaki ang matitipid sa gastusin — humigit-kumulang $28 kada transaksyon sa e-signature.*

Lumagda at mag-manage ng mga dokumento nang walang kahirap-hirap. Binibigyang-daan ng Acrobat Sign ang sinuman ng mag-send, lumagda, at magbalik ng mga dokumento sa anumang device, kahit saan. Subaybayan ang status ng mga natitirang kontrata sa ICI gamit ang real-time na pagsubaybay.

Tugunan ang mahihigpit na kinakailangan sa seguridad. Binibigyan ka ng Acrobat Sign ng higit na visibility habang secure na sino-store ang mga dokumento sa cloud o sa Icertis. Binibigyan ka ng kumpiyansa ng mga audit trail at tamper-evident na selyo para sa bawat dokumento na secure ang bawat dokumento.

Magpatupad ng mga legal na may bisang e-signature sa buong mundo. Tinutugunan ng Acrobat Sign ang mga pamantayang nangunguna sa industriya kabilang ang PCI DSS, HIPAA, SOC 2 Type 2, at ISO 27001 para matiyak ang pagsunod sa batas, higit na privacy, at pinaigting na seguridad.

forrester

Pahusayin ang productivity mo gamit ang Acrobat Sign.

Binibigyang-daan ka ng mga ganap na digital experience sa Acrobat Sign na gawing mas mahusay at productive ang negosyo. Ipinapakita sa isang kamakailang pag-aaral ng Forrester na nagiging 28 beses na mas mabilis ang cycle sa tulong ng Acrobat Sign — isang dahilan kung bakit ang Acrobat Sign at Adobe Acrobat ang nasa likod ng mga employee at customer experience para sa mahigit 50% ng Fortune 100.*

*“The Total Economic Impact of Acrobat Sign”, isang kinomisyong pag-aaral na isinagawa ng Forrester Consulting sa ngalan ng Adobe, Agosto 2019.

Marami ka pa bang gustong malaman?

Kailangan mo man ng ilang pangunahing impormasyon tungkol sa mga solution namin

o gusto mo ng naka-customize na quote para sa natatangi mong environment,

narito kami para tulungan kang masagot ang mga tanong mo.

Marami ka pa bang gustong malaman?

Kailangan mo man ng ilang pangunahing impormasyon tungkol sa mga solution namin, o gusto mo ng naka-customize na quote para sa natatangi mong environment, narito kami para matulungan kang masagot ang mga tanong mo.