Adobe After Effects
₱1,046.00/buwan
Kunin ang After Effects bilang bahagi ng Creative Cloud.
Ilabas ang iyong pagiging mahikero gamit ang VFX software ng Adobe After Effects. Palahuin ang mga object, gumawa ng mga 3D animation, kontrolin ang panahon sa screen, at gumawa ng special effects na ginagawang mukhang tunay ang imposible.
Pagandahin ang iyong footage gamit ang Adobe After Effects. Alisin ang hindi mo gusto at magdagdag ng mga kamangha-manghang visual — mula sa motion graphics hanggang sa mga sumasabog na effect.
Mag-alis ng mga pagkakamali at abala.
Mag-alis ng mga boom mic, karatula, at tao sa live-action na footage gamit ang Content-Aware Fill, at laktawan ang rotoscoping na nakakaubos ng oras. Napakadali na ngayon ng pag-aalis ng mga object sa footage ng video.
Idagdag ang gusto mong lagay ng panahon.
Magpaulan o magpabagyo ng niyebe sa iyong scene. Magdagdag ng makabagong lens flare para sa maliwanag na sikat ng araw. O gumawa ng umaagos o umaangat na usok para gawing nakakatakot ang mga scene.
Maayos na handheld na footage
Hindi kailangang itapon ang nanginginig na footage. Gamit ang motion tracking, puwede mong gamitin ang Warp Stabilizer VFX para i-animate ang iyong scene at bumawi para sa hindi sinasadyang paggalaw.
Magdagdag ng 3D geometry at lalim.
Gawing mga high-resolution na video ang mga animation. Gamitin ang renderer ng Cinema 4D para mag-bend ng mga layer sa 3D space at gawing mga 3D object ang mga layer ng text at hugis.
I-import ang iyong mga asset mula sa Photoshop, Illustrator, Character Animator, o Animate. I-export ang iyong visual effects sa Premiere Pro.
Gumawa ng mga pang-Hollywood na title sequence.
Gumawa ng mga pamagat na puwedeng gamitin sa mga blockbuster na pelikula sa pamamagitan ng pag-import ng mga asset ng Adobe Illustrator sa After Effects at manipulahin ang mga ito gamit ang Cinema 4D Lite.
Mag-export ng animated na scene o puppet.
Madaling magdagdag ng visual effects sa mga animated na character. I-drag at i-drop lang ang asset sa panel ng Project ng After Effects mula sa panel ng Project ng Character Animator.
Tuklasin kung paano gumamit ng mahuhusay na tool sa VFC para magbigay ng mga nakaka-engganyong kuwento.
Matuto ng mga technique sa visual effects.
Magdagdag ng mga pamagat at mag-type sa isang scene, mag-blur ng mga hindi gustong element, at epektibong gumamit ng mga green screen gamit ang 3D Camera Tracker.
Gumawa sa 3D/
I-explore kung paano bumuo ng mga 3D model, magdagdag ng mga ilaw, magdagdag ng camera na hahagip sa buong scene, lahat gamit ang compositing software ng After Effects.
₱1,046.00/buwan
Kunin ang After Effects bilang bahagi ng Creative Cloud.
₱1,898.00
Mga creative app na nangunguna sa industriya na may simpleng pamamahala ng lisensya.
Alamin pa