Gamitin ang mga sarili mong expression ng mukha para pasalitain ang isang character.
Magsimula sa isang naka-predesign na character.
Pumili ng naka-preload na puppet mula sa home screen ng Character Animator para i-explore ang facial motion capture. Pagkatapos ay panoorin itong magkaroon ng buhay habang gumagalaw ka.
Gumawa ng custom na avatar mula sa isang template.
Pumili ng simpleng character mula sa home screen at pagkatapos ay i-edit ang mga feature ng kanyang mukha. Puwede ka ring kumopya at mag-paste ng mga feature sa isang character mula sa isa pang character.
Mag-sync gamit ang na-upload o live na video at audio.
Itapat ang mukha ng puppet sa mukha mo sa live na video, gamit ang facial capture na walang marker. Magsalita sa mikropono ng computer mo at magli-lip sync ang puppet nang real time, o mag-upload ng naka-prerecord na audio na gagayahin ng puppet mo.
Magdagdag ng mga makatotohanang detalye tulad ng paggalaw ng buhok.
Piliin kung ano ang gagalaw sa character mo at kung paano, kasama ng facial animation, gamit ang mga tool sa Physics ng system sa pag-capture, maglapat ng mga batas sa gravity.
Magdisenyo ng de-kalidad na animated na mukha mula sa simula.
Pinapadali ng integration ng app ang mga pag-edit ng mukha.
Piliin ang puppet mo at pumunta sa I-edit › I-edit ang orihinal para buksan ang character mo sa Photoshop o Illustrator. Awtomatikong malilipat sa Character Animator ang mga pagbabagong gagawin mo roon.
Hayaan ang mga kapaki-pakinabang na tutorial sa app na gabayan ka.
Bisitahin ang home screen ng Character Animate para mag-explore ng mga tutorial sa paggawa ng animation, kapana-panabik na bagong feature, at nakakatuwang nako-customize na character.
Mag-animate ng sample na mukha gamit ang data sa motion capture.
Mag-recreate ng paggalaw nang walang kahirap-hirap. Sapat ang pagiging advanced ng mga pang-beginner na tool ng Character Animator para sa mga propesyonal na animator. Gagayahin ng iyong puppet ang paggalaw ng iyong mga kilay, ilong, bibig, pupil, ulo, boses, at marami pa.
- Piliin ito:
Mag-double click sa isang naka-predesign na character mula sa home screen sa Character Animator. - Suriin ito:
Tiyaking naka-enable sa app ang camera at mikropono ng laptop mo. Tingnan kung lalabas ang mukha mo at mga soundwave sa panel ng Camera at Mikropono. - I-sync ito:
Ideretso ang tingin mo at i-click ang I-set sa Hindi Gumagalaw na Pose sa ilalim ng Camera at Mikropono para maglapat ng mga tracking point sa mukha mo. - I-record ito:
Gamitin ang mga button na Mag-record at Huminto para mag-record ng clip ng character na ginagaya ang paggalaw ng mukha at boses mo habang gumagalaw at nagsasalita ka sa real time. - I-export ito:
I-save ang proyekto mo. Pagkatapos ay i-click ang File › I-export para gawing video file ang scene mo.
Sumunod para magsimulang mag-animate ng mga mukha.
Mag-design ng basic na mukha mula sa isang template.
Gawing anumang uri ng custom na puppet ang isang template ng Character Animator.
Gumawa ng mga animated na mata at eyeball.
Unawain kung paano gumawa ng mga mata at eyeball na gumagalaw sa paraang gusto mo.
Alamin ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa hugis ng bibig.
Magkaroon ng insight sa paggawa ng bibig ng character mo at sa paggawang makatotohanan ng mga paggalaw nito.
Mag-animate ng buong character mula sa mga mata hanggang sa mga braso at binti.
Gawin nang walang kahirap-hirap ang pag-animate ng buong puppet, kabilang ang mukha at katawan.