Gawin ang pinakamaganda mong creative work sa tulong ng Firefly.
Ma-inspire, mag-explore ng mga bagong ideya, at pabilisin nang husto ang mga creative workflow gamit ang isang AI generator na binuo batay sa mga prinsipyo ng pananagutan, responsibilidad, at transparency.
Ang mga pangunahing kaalaman tungkol sa generative AI.
Posibleng matukso kang magsimula kaagad at simulang gumawa ng mga image gamit ang mga AI art generator. (Hindi ka namin masisisi — kamangha-mangha ang bilis nito, simple ito, at nakakatuwa ito.) Pero bago ka mapasubo nang husto, makakatulong na maging pamilyar sa kung paano gumagana ang generative AI para makagawa ka ng pinakamagagandang desisyon para sa iyo at makabuo ka ng pinakamagagandang posibleng resulta.
Tulad din ng kung paano gumagamit ang regular na AI ng data para lumutas ng mga problema, gumagamit ang generative AI ng data para mag-generate ng mga output gaya ng mga image, video, o pati musika batay sa isang partikular na kahilingan. Ang mga kahilingang ito ay karaniwang mga simpleng nakasulat na prompt, tulad ng “Victorian wallpaper na pattern ng mga lemon at bulaklak.” Gamit ang isang large language model, o LLM, ginagawang bagong bagay ng mga AI art generator ang text prompt mo — sa kasong ito, isang makulay na bagong design ng wallpaper.
Gusto mo mang makakita ng motorsiklong minamaneho sa buwan o makatotohanang larawan ng produkto ng isang sneaker, pwede kang mangarap at pag-eksperimentuhan ito gamit ang mga generative AI app gaya ng Firefly.
Mga pagkakaiba ng Adobe Firefly at Dall·E 3.
Ang Adobe Firefly ay hindi lang isang web application. Ito rin ang pamilya ng mga model ng generative AI na nagpapagana ng mga feature sa mga produktong tulad ng Adobe Photoshop at Adobe Illustrator.
Sinanay ang kasalukuyang model ng generative AI ng Firefly sa isang dataset ng content na may lisensya, gaya ng Adobe Stock, at content mula sa pampublikong domain kung saan nag-expire na ang copyright. Gamit ang Firefly, magagawa mong lahat ng uri ng mga AI creation, gaya ng mga image, vector, at text effect ang mga text na paglalarawan. Halimbawa, pwede kang gumawa ng watercolor ng isang sailboat habang palubog ang araw o pwede mong gawing aktwal na pizza ang mga titik ng pangalan ng paborito mong pizza parlor.
At simula pa lang iyon. Ginagawa na ang mga Firefly model para sa pagbabago ng mood ng isang video, pag-aalis ng mga distraction sa mga larawan, pagsubok sa mga opsyon sa design, paglalagay ng texture sa mga 3D object, at pagdaragdag ng mga bagong element sa mga illustration. Dagdag pa rito, palaging naghahanap ang Adobe ng mga bagong paraan para maglagay ng higit pang kakayahan ng Firefly sa mga app gaya ng Adobe Express, Photoshop, Illustrator, at iba pa.
Habang naghahanap ka ng pinakamagandang generative AI tool para sa mga pangangailangan mo, mainam na tingnan kung ano ang ginagawa ng mga creator ng app para bigyan ka ng mga resulta sa paraang idinisenyo para maging ligtas sa komersyal na paggamit, pinag-iisipan mo man ang DALL·E 3 o iba pang generative AI tool gaya ng Stable Diffusion at Midjourney.
Ang salitang “pizza” na nasa Cooper font na may text effect prompt na: Cheesy pepperoni olives at spinach pizza.
3 malalaking benepisyo ng Firefly.
Pinapadali ng karamihan ng mga AI image generator na gumawa ng nakakabilib na bagay gamit ang isang simpleng text prompt. Sa Firefly, mas marami ka pang magagawa — tulad ng maghanap ng bagong inspirasyon, tumukoy ng partikular na style, gumamit ng mga reference image, at i-streamline ang mga creative workflow mo, lahat habang sinusuportahan ang mas malawak na creative community.
Maraming benepisyo sa Adobe Firefly, pero narito ang tatlo na nakakatulong ditong mamukod-tangi.
1. Respeto para sa creative community.
Itinatag ng Adobe ang mga prinsipyo ng pananagutan, responsibilidad, at transparency ng ethics ng AI. Ginawa ang Firefly sa paraang inirerespeto ang mga kasalukuyang customer at umaayon sa mga pinapahalagahan ng Adobe.
Kaya naman sinanay ang Firefly sa content na may lisensya, gaya ng Adobe Stock, at content mula sa pampublikong domain kung saan nag-expire na ang copyright. Idinisenyo ang Firefly para maging ligtas sa komersyal na paggamit, at available ito para sa enterprise-wide na pag-access.
Dagdag pa rito, bumuo ang Adobe ng Firefly bonus compensation plan para sa lahat ng kwalipikadong contributor sa Adobe Stock na ang content ay ginamit sa pagsasanay sa dataset ng unang komersyal na ini-release na Firefly.
2. Pumukaw ng creativity sa mga ganap na bagong paraan.
Magbibigay-daan sa iyo ang Adobe Firefly na gumawa ng higit pa sa paglalagay lang ng text prompt. Pwede mong gamitin ang mga sarili mong reference image at madaling mag-toggle sa iba't ibang uri ng content, style, kulay, tone, at composition style para mabilis na subukan ang mga bagong ideya.
Hindi sigurado kung anong art style ang gusto mong gamitin? I-click ang Surrealism, Cubism, o Cyberpunk at makitang magbago ang mga resulta mo nang naaayon dito. Sinusubukang magpasya sa pagitan ng wide-angle at close-up na image? Parehong subukan ang mga ito at tingnan kung ano ang mas mainam. Mahusay bang gumagana ang isa sa mga resulta mo pero hindi pa masyadong tama? I-click ang button na I-edit para magpakita ng mga katulad na resulta, o magdagdag at mag-alis ng mga element gamit ang Generative Fill sa loob mismo ng Firefly.
Binuo ang Firefly para tulungan kang bigyang-buhay ang mga ideya sa loob ng ilang minuto sa halip na ilang oras. Gustong makita kung ano ang hitsura ng “isang sala na maraming halaman” na may mga pulang couch na namumukod-tangi sa halip na puting upholstery? I-adjust ang prompt mo at mayroon ka nang pangalawang serye ng mga mock-up sa loob ng ilang segundo.
Kung makahulugan ang isang larawan, matutulungan ka ng Firefly na mag-generate ng dose-dosenang iba't ibang paraan para ipahayag ang mga ideya mo, bihasa ka mang graphic designer na gumagawa sa isang malaking proyekto o isang taong may astig na ideya para sa isang t-shirt. Ilang paraan lang ito na pwedeng pahusayin ng generative AI ang creative development.
3. Pabilisin ang mga creative workflow.
Madaling makita kung paano ka matutulungan ng Firefly na gumawa ng astig na bagong image nang mabilis. Pero paano kung nagtatrabaho ka sa creative na industriya at sanay ka nang gawin ang mga bagay-bagay sa isang partikular na paraan? Makakatulong ang Firefly na pabilisin ang trabahong ginagawa mo na.
Gamit ang AI image generation sa Firefly web app at mga feature na pinapagana ng Firefly sa Photoshop, Illustrator, at Adobe Express, makakakuha ka ng magagandang resulta sa mas maikling panahon. Halimbawa:
- Mag-brainstorm ng mga ideya para sa cover ng concept album ng banda mo. Sa halip na i-sketch ang lahat gamit ang kamay, sumubok ng iba't ibang prompt at tingnan kung alin ang pinakamainam bago ka gumugol ng maraming oras sa pagtutok sa mga detalye.
- Sumubok ng mga bagong color palette para sa iyong mga kumplikadong textile design. Subukang gumamit ng mga text prompt at Generative Recolor sa Firefly o Illustrator para makatipid ng mahalagang oras kapag nagdaragdag ng kulay sa mga detalyadong pattern at design.
- Mag-explore ng iba't ibang composition bago gumawa ng editorial imagery. Maging pamilyar sa litrato mo bago pumunta sa set. Gumamit ng Generative Fill para magdagdag ng iba't ibang prompt, at subukan ang iba't ibang camera angle nang mas maaga para siguradong madadala mo ang tamang lens sa shoot.
- Mag-design ng template ng post para sa social media para sa negosyo mo. Makatipid ng oras sa pagsubok ng iba't ibang layout gamit ang Text to Template sa Adobe Express. Ilarawan lang ang uri ng template na gusto mo, piliin ang pinakamagandang resulta, at i-customize ito para umakma sa brand mo.
- Hilinging makakita ng iguana na nakasuot ng pink na suit. Dahil kung minsan ay kailangan mong magpahinga sa trabaho at matawa.
Text-to-image prompt: Isang sala na maraming halaman at may pulang couch.
Paano gamitin ang Adobe Firefly.
Pagandahin ang AI art mo sa Adobe Firefly.
Kapag nakuha mo na ang mga inisyal mong resulta, pwede mong i-adjust ang mga image na na-generate ng Firefly sa pamamagitan ng pagpili mula sa iba't ibang uri ng content, style, kulay, tone, at composition.
Subukang magdagdag sa text prompt mo.
Ang text prompt na “lalaking nakasuot ng beanie hat at salamin” ay magje-generate mismo ng mga ganoong image. Pero magdagdag pa ng mga mapaglarawang salita sa prompt mo at magje-generate ang Firefly ng mga mas partikular na resulta. I-update ang prompt mo para maging “Portrait ng futuristic na lalaking Asian na nakasuot ng beanie hat at salamin, apocalyptic” at bibigyan ka ng mga image na nagtatampok ng lahat ng detalye sa bago mong paghahanap.
I-adjust ang uri ng content.
Kapag nagdagdag ka ng prompt sa feature na text to image sa unang pagkakataon, pipiliin ng Firefly ang uri ng content na sa tingin nito ay pinakamainam. Mula roon, pwede mong piliin ang Larawan o Art para makakita ng mga opsyon na mukhang mas mapaglarawan o makatotohanan. I-off lang ang Auto kung gusto mong panatilihing pareho ang uri ng content mo habang sumusubok ka ng mga bagong prompt.
Pagandahin ang mga resulta mo gamit ang Mga Style at marami pa.
Maraming tool para baguhin ang mga na-generate na image mo sa Firefly. Mula pop art hanggang 3D art, magbibigay-daan sa iyo ang menu ng Style na i-adjust ang mga resulta batay sa mga art movement, theme, at pati materyal tulad ng metal para baguhin ang texture ng isang image. Sumubok ng hitsura na mukhang iginuhit o humiling ng mga photorealistic na image.
Pag-eksperimentuhan ang mga opsyon sa Kulay at Tone at Lighting para baguhin ang dating ng mga resulta mo, at pati pumili ng iba't ibang composition kung iba sa hinahanap mo ang anggulo ng pinal na image mo.
Sa pamamagitan ng pagpili ng maraming opsyon mula sa mga menu na ito, pwede kang makagawa ng mga natatanging na-generate na image nang walang limitasyon.
Text-to-image prompt: Portrait ng futuristic na lalaking Asian na nakasuot ng beanie hat at salamin, apocalyptic.
Subukan ang mga text effect ng Adobe Firefly.
Makakatulong na makita kung ano ang posible bago ka maglaan ng oras sa pagdaragdag ng mga element ng design sa mga wordmark, logo, at iba pang text treatment. Doon ka matutulungan ng Firefly na mag-isip ng mga ideya bago ka gumawa.
Mula sa lava hanggang sa mga icicle at driftwood hanggang sa madadahong halaman, pwedeng magdagdag ang feature na mga Text effect sa Firefly ng mga effect at style sa anumang bahagi ng text. I-type ang salitang gusto mong makita at ang effect na gusto mong bumalot sa mga titik at panoorin kung paano gumana ang Firefly. Pwede mo pang i-adjust ang mga resulta mo sa pamamagitan ng pagpili ng iba't ibang font, kung gaano kabagay ang effect sa text, at pag-adjust sa kulay ng background na nagfe-frame sa mga stylized na titik mo.
Wala nang mas magandang paraan para maunawaan ang mga posibilidad ng Firefly kung hindi ang i-test drive ito. I-explore kung ano ang maitutulong ng Firefly sa iyo na gawin.