Ano ang mga benepisyo ng Firefly?
- Pinapadali ng user-friendly na control panel ng Firefly na i-adjust ang style, theme, lighting, at composition para tumugma sa vision mo ang mga na-generate na image mo.
- Mas mabilis kang makakagawa ng creative work gamit ang mga feature ng Firefly sa iba pang Adobe app.
- Idinisenyo ang Firefly para maging ligtas para sa komersyal na paggamit para makagawa ka nang may kumpiyansa.
Ang mga essential ng generative AI.
Inilalarawan ng terminong generative AI ang lahat ng artificial intelligence na gumagawa ng bagong content batay sa mga pattern na natututunan nito mula sa data. Pwedeng kasama sa data na iyon ang mga image, text, musika, video, computer code, o ibang pang content. Ginagamit ng mga model ng generative AI ang data na iyon para mag-generate ng bagong bagay.
Ang mga AI art generator tulad ng Firefly ay ginagawang mga image ang mga word prompt. Gamit ang mga tool na ito, magagawa ng mga propesyonal na artist at designer na mabilis na mag-brainstorm, sumubok ng mga bagong ideya, at bumuo ng mga mood board. At ang lahat ng tao, kahit na hindi sila propesyonal, ay magagawang mag-generate ng mga image para sa social media, mga marketing material, mga presentation, o para sa katuwaan lang.
Alamin pa ang tungkol sa kung paano gumagana ang generative AI.
Text to vector sa Illustrator
Paano naiiba ang Firefly sa NightCafe.
Habang nagbibigay ang karamihan ng mga generative AI tool ng isang function, gaya ng paggawa ng mga image sa text, ang Firefly ay may kasamang ilang feature ng generative AI. Isang magandang alternatibo sa NightCafe ang Firefly web app dahil pwede mo itong gamitin para mag-generate ng mga image, pero makakakuha ka rin ng mga partikular na module para sa pag-generate ng mga text effect at mga bagong color palette. At pwede mong gamitin ang feature na Generative Fill para mag-alis o magdagdag ng mga object sa mga image mo.
Bukod pa sa web app, naka-embed din ang Firefly generative AI sa loob ng iba pang Adobe creative app kaya maisasama ito ng mga artist at designer sa kanilang mga workflow. Kung gagamit ka ng Adobe Photoshop, pwede mong gamitin ang Generative Fill at Generative Expand para magdagdag ng mga bagong object sa mga image o i-extend ang canvas gamit ang bagong content na maayos na nagbe-blend sa orihinal na image mo.
Text to vector sa Illustrator
Paano napapanatili ng Firefly ang pangako ng Adobe sa creative community.
Binuo ng Adobe ang pamilya ng mga model ng generative AI ng Firefly nang isinasaalang-alang ang mga creator at sumusunod sa mga prinsipyo ng pananagutan, responsibilidad, at transparency ng ethics ng Adobe AI.
Sinanay ang aming paunang komersyal na model ng Firefly sa content na may lisensya, gaya ng Adobe Stock, at content mula sa pampublikong domain kung saan nag-expire na ang copyright. Bumuo kami ng model ng kompensasyon para sa mga contributor sa Adobe Stock na ang content ay ginamit sa dataset para sanayin ang mga model ng Firefly. Hindi nagsasanay ang Firefly sa personal na content ng mga customer ng Adobe Creative Cloud.
Idinisenyo ang Firefly para maging ligtas para sa komersyal na paggamit, para ma-explore ng mga indibidwal at enterprise creative team ang iba't ibang paggamit para sa content na gine-generate nila.
Ang pinakamagandang paraan para malaman ang tungkol sa Firefly ay sa pamamagitan ng pag-explore dito nang ikaw lang. Simulang mag-generate ng mga image nang libre sa web app at tuklasin ang lahat ng pwede mong gawin.
{{questions-we-have-answers}}
Ano ang mga pangunahing pagkakaiba ng Adobe Firefly at Nightcafe?
Saan kinukuha ng Firefly ang data nito?
Sulit ba ang Adobe Firefly?
Oo. Pwede mong subukan ang Firefly nang libre, pagkatapos ay piliin ang plan na naaangkop para sa iyo.
Makakuha ng 25 buwanang generative credit sa libreng plan, 100 buwanang generative credit sa Firefly Premium plan, at mas marami pa bilang bahagi ng Single App plan o Creative Cloud All Apps plan.