Mag-unlock ng mga ideyang hindi pa nagagamit sa arkitektura gamit ang generative AI.
- Magagamit ng mga architect ang generative AI bilang collaborator para mag-synthesize ng data, mga aesthetic, at mga ideya sa mga ganap na bago at hindi pa nae-explore na paraan.
- Ang bilis at kahusayan ay mga karagdagang benepisyo sa paggamit ng generative AI bilang bahagi ng proseso ng architectural design.
- Para simulan ang pag-explore sa potensyal ng generative AI sa arkitektura, alamin kung paano gumagana ang mga AI generator, mag-eksperimento gamit ang mga sarili mong prompt, at subaybayan ang mga bago at hindi inaasahang ideya.
Pagpapaganda sa proseso ng architectural design.
Napakakumplikado ng paggawa ng environment — ito man ay isang hindi pangkaraniwang skyscraper, pansamantalang installation sa komunidad, o maging tila simpleng maliit na bahay.
Ang design ay isang aspeto lang ng isang mas malaking proseso sa arkitektura na kinabibilangan ng pagsasaalang-alang sa mga building code, structural engineering, mga batas sa zoning, mga environmental system, budget ng client, at marami pang iba. Bagama't lubhang napabilis ng teknolohiya tulad ng computer-aided design (CAD) ang arkitektura kumpara noong mga panahong gumagamit pa ng drafting, kailangan pa rin ng matinding brainpower at creativity para makabuo ng kamangha-manghang istruktura o environment.
Dito makakatulong ang generative AI. “Hindi lang binabago ng generative AI ang mga paraan kung paano nagtatrabaho ang mga architect — kung saan binabago nito ang mga yugto ng pag-design at kanilang mga tradisyonal na paraan ng pag-explore — pero ganap din nitong binabago ang mga paraan kung paano natin tinitingnan, inilalarawan, at pinag-iisipan ang mundong ginagalawan natin. Sa huli, binabago nito ang paraan kung paano natin pinapatakbo at idinidisenyo ang ating mga environment para sa mga potensyal na kinabukasan,” sabi ni Professor Emily C.S. Pellicano ng Syracuse University School of Architecture.
Sa pamamagitan ng pag-integrate ng generative AI sa proseso ng architecture design, mas mahusay na makakagawa ang mga architect ng mga makabagong itinayong environment.
4 na benepisyo ng generative AI para sa mga architect.
Gaya ng sitwasyon ng generative AI sa lahat ng propesyon at sitwasyon ng paggamit, ine-explore pa rin ng mga architect ang maraming paraan kung paano makakatulong sa kanilang larangan ang bagong teknolohiyang ito. Kinakatawan ng mga sumusunod ang ilan lang sa mga benepisyo ng generative AI sa mga nagtatrabahong architect at mga estudyante ng arkitektura.
1 Isang collaborative partner na palaging available.
“Ang talagang nakakapanabik sa akin sa pag-integrate ng generative AI sa architectural practice ay ang pagiging collaborative partner ng teknolohiya sa proseso ng pag-design,” sabi ni Pellicano.
Lalo na sa mga unang yugto ng proseso kung saan ang mga architect ay gumagawa ng konsepto, nag-uulit, at nagde-develop ng kanilang vision, pwedeng magsilbing sounding board ang generative AI. Halimbawa, pwedeng magtanong ang mga architect sa isang generative AI model tungkol sa mga kamakailan o makasaysayang proyekto para makita kung saan angkop ang kanilang ideya sa architectural landscape. O, pwede nilang i-stress test ang mga paunang ideya gamit ang mga kakayahan sa text-to-image.
Halimbawa, pwedeng mag-input ang isang architect ng iba't ibang text prompt sa isang AI image generator tulad ng Adobe Firefly para makita kung ano ang posibleng hitsura ng isang hindi pangkaraniwang konsepto bago gawin ang design.
2 Mas malalawak na pananaw at malikhaing pag-iisip.
Ang hindi “pag-iisip” ng teknolohiya sa paraang katulad ng sa mga tao ang isa sa pinakakapana-panabik na aspeto ng generative AI. Kahit ang mga pinakamalikhaing tao ay may mga paniniwala sa kung ano ang posible, at ganoon din ang mga architect. Tulad ng sinabi ni Pellicano, ang generative AI ay “may kakayahang gumawa ng mga bagong koneksyon at tumukoy ng mga hindi inaasahang ugnayan, pattern, at potensyal na dating hindi mapagtatanto mula sa ating kanya-kanyang pananaw.”
Pwedeng magbukas ng mga bagong gabay para sa creativity ang mga hindi inaasahan o imposibleng makamit na resultang posibleng hindi pa nae-explore ng mga architect.
3 Mas sulit na paggamit sa mahalagang oras.
Binalaan ni Pellicano ang mga estudyante laban sa paggamit ng generative AI technology para tapusin lang nang mas mabilis ang kanilang mga takdang-aralin — mahalagang naglalaan ng oras ang mga susunod na architect para palawakin ang kanilang kaalaman at usisain ang mga pagpapalagay. Sa halip na tingnan bilang isang tool na nakakatipid sa oras ang generative AI, tingnan ito bilang isang bagay na makakatulong sa mga architect na sulitin ang kanilang oras sa pamamagitan ng pagbawas sa mga manual na gawaing paulit-ulit.
4 Mas kaunting nasasayang, mas malaking kita.
Ang pagsasaalang-alang sa mga napakaraming salik mula sa pinakasimula ng mga proyekto ang isa sa pinakamahihirap na bahagi ng architecture process. Kung magkakaroon ng hindi inaasahang pangyayari pagkatapos ng unang yugto ng design — ipagpalagay na may hindi pagkakaunawaan sa budget, at hindi na ngayon pasok dito ang ilan sa mga materyal para sa pagtatayo — pwede nitong maantala ang isang proyekto.
Dahil sinanay ang generative AI sa malalaking volume ng data na kayang saklawin ang mga hadlang sa site, budget, mga materyal para sa konstruksyon, mga kinakailangang code, at iba pa, makakatulong ito sa mga architect at sa kanilang mga team na isaalang-alang ang mga potensyal na problema bago pa mangyari ang mga ito at maibalik ang lahat sa ayos (at sa budget) nang mas mabilis. Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng access sa ganitong uri ng detalyadong data ay magbibigay-daan sa mga architect na matukoy ang mga kakulangan at oportunidad na posibleng hindi nila nakita, na makakatulong sa mga architect na masulit ang epasyo at mga materyal — isang malaking ambag sa sustainability.
Mahalagang tandaan na, bagama't binibigyan ng generative AI ang mga architect ng “mga superpower,” hindi ito pamalit sa kritikal na pag-iisip at pagmamalakasakit ng tao. Hindi pa rin kayang isaalang-alang ng malalaking dataset kung saan sinanay ang mga generative AI application ang lahat — lalo na ang epekto sa kultura, personal, at komunidad ng mga itinayong environment.
Tandaan: collaborator ang generative AI, at hindi ito pamalit para sa matalas na pag-iisip at creativity ng tao.
Ang proseso ng architecture design at generative AI.
Bagama't wala pang isang generative AI application para sa architecture, isinasama na ito sa proseso ng pag-design ng mga estudyante at propesyonal bilang pandagdag sa kasalukuyang teknolohiya. May mga sitwasyon ng paggamit ang generative AI sa kabuuang architectural design process, pero magandang lugar ang schematic design at mga yugto ng pag-develop ng design para simulan ang pag-explore ng mga posibilidad.
Narito ang ilang halimbawa ng mga posibleng magawa kapag na-integrate ang generative AI sa architectural process:
Schematic design
Paggawa ng konsepto
Makakatulong ang mga AI generator sa mga estudyante at nagtatrabahong architect na mag-explore ng napakaraming opsyon nang mabilis bago sila magpasya sa direksyon ng design. Pwede silang magsimula sa isang ideya at text-to-image generation, o gumamit ng mga kakayahan tulad ng Generative Fill at Generative Expand sa Photoshop para pagandahin ang mga mabilisang sketch o larawan para malaman ang posibleng maging hitsura ng konsepto kapag naisagawa na ito.
Site strategy at imaging
Sa isa sa kanyang mga architecture design studio sa Syracuse University, gumagamit si Pellicano ng generative AI para tulungan ang mga estudyante na matuto ng mga bagong paraan para maisalarawan, ma-visualize, at maunawaan ang ginagawa nilang physical site. Gumagamit ang mga estudyante niya ng “neural style transfer” na proseso at mga aerial na larawan ng site para magtanong, magsuri, at magplano para sa site. Sa pagsasanay na ito, nagsisimula ang mga estudyante sa mga aerial na image ng site at pagkatapos ay “inililipat” ang mga alternatibong image ng site (halimbawa, historikal na paggawa ng mapa, mga sensory o weather map, mga mapa ng legal na buwis, at iba pa) sa orihinal na aerial na larawan.
“Binibigyang-daan nito ang mga estudyante na mag-isip ng mga alternatibo na labas sa kanilang pinaniniwalaang dapat na maging hitsura ng site, kung paano ito inaayos, o kung paano ito nauugnay sa konteksto nito sa mga posibleng bago at produktibong paraan,” sabi ni Pellicano.
Video generation
Simula sa base ng isang 3D render o kasalukuyang ginagawang animation, makakatulong ang generative AI sa mga architect na gumawa ng mga malinaw at mapaglarawang video nang mabilis na magbibigay sa mga tumitingin ng immersive experience ng design. Isang mahalagang tool ang video para tulungan ang mga architect na planuhin at isaayos ang flow ng espasyo at kung paano dapat gumalaw ang mga tao rito.
Pag-develop ng design
Pag-edit ng image.
Gagamit ang karamihan ng mga architect ng 2D at 3D na computer-aided design software para gumawa ng detalyadong vision ng istrukturang kanilang idinidisenyo. Gamit ang generative AI, mabilis silang makakapagdagdag ng konteksto at style sa mga image, gaya ng landscape design, mga materyal para sa pagtatayo, mga texture, at mga kulay, at mga karagdagang element tulad ng furniture, hardware, at iba pang element ng interior design. Dagdag pa rito, gamit ang mga kakayahang tulad ng outpainting — na kilala sa Photoshop bilang Generative Expand — malalakihan ng mga architect ang mga image o madali nilang mababago ang aspect ratio habang napapanatili ang hitsura at dating.
2D and 3D rendering.
Pwedeng matagalan bago magawang 3D model ang isang flat at 2D na design. Gayunpaman, gamit ang bagong teknolohiya, kayang pabilisin at pasimplehin ng generative AI ang paggawa nito. Mahalaga pa rin ang pagkakaroon ng kaalaman sa paggawa ng 3D model bilang isang architect, syempre, pero makakatulong ang halos instant na 3D rendering na pabilisin ang mga biglaang pagbabago kung talagang kinakailangan.
Ang kinabukasan ng generative AI sa arkitektura
Tulad ng kung paanong naging bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ang artificial intelligence — isipin ang autocorrect, halimbawa, o ang map app na tumutulong sa iyo na makaiwas sa mabagal na trapiko nang real time — nakatakda ang generative AI na maging isang seamless na bahagi ng proseso ng architectural design.
“Inaasahan kong magsisimula nang isama ng lahat ng architect ang AI sa kanilang gawa, alam man nila ito o hindi,” sabi ni Pellicano. “Lalo pa itong maisasama sa ating mga standard na software package at tahimik itong gagana sa mga paraang hindi natin alam, o sa mga hindi inaasahang paraan.” Ang generative AI technology ay magsisilbing extension ng creativity at vision ng architect, magbubukas ng mga bagong posibilidad gaya ng palaging ginagawa ng teknolohiya — mula sa ruler at compass hanggang sa drafting machine hanggang sa computer-aided design software at iba pa.
Ano ang payo ni Pellicano sa mga architect na gustong manguna sa paggamit ng teknolohiyang generative AI? Alamin kung paano gumagana ang generative AI. Alamin ang mga ginagamit na dataset ng iba't ibang modelo, i-explore kung paano gumagana ang content synthesis, at mag-eksperimento, mag-eksperimento, mag-eksperimento. Ang mga hindi inaasahang resulta — ang mga bagay na posibleng hindi maisip ng tao — ang may pinakamalaking potensyal para sa inobasyon.
“Para sa sinumang gustong gumamit ng generative AI, inirerekomenda kong gamitin ang teknolohiya nang may pagkamausisa at pagnanais na mawalan ng kaunting kontrol,” sabi ni Pellicano.
Contributor