https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/indesign/pricing-info-ste

Ano'ng Kasama

  • Tuloy-tuloy na access sa mga bagong feature at update ng produkto
  • Adobe Fonts para sa access sa libo-libong font sa mga app mo
  • 100GB ng cloud storage para sa tuloy-tuloy na pag-sync at pag-share ng file
  • Adobe Express para sa madadaling paraan para gumawa ng graphics, mga web page, at video na kuwento
  • Adobe Portfolio para sa paggawa ng magagandang website ng portfolio

{{frequently-asked-questions}}

Magagamit ba ang InDesign nang walang membership?

Hindi, magagamit lang ang InDesign at ang mga pinakabagong bersyon ng mga Creative Cloud app kung may membership plan.

Kasama ba sa membership ang lahat ng update sa InDesign?

Oo, gamit ang InDesign, magkakaroon ka ng access sa lahat ng pinakabagong update at release kapag naging available na ang mga ito.

Ano ang pagkakaiba ng mga taunang plan at buwanang plan?

Nangangailangan ang taunang plan ng isang taong commitment at ito ang pinakamura naming plan. Mayroon itong 14 na araw na money back guarantee. Kung magkakansela ka pagkatapos noon, sisingilin ka ng 50% fee para sa mga natitirang buwan. Binibigyan ka ng buwanang plan ng flexibility na ihinto at simulan ulit ang membership mo nang walang cancellation fee.

Mai-install ba ang mga application sa computer ko o cloud-based ang mga ito?

Lokal na mai-install sa computer mo ang mga desktop application ng Creative Cloud mo — kabilang ang Illustrator. Hindi mo kailangan ng tuloy-tuloy na koneksyon sa internet para magamit ang mga ito. Kailangan mo lang kumonekta sa internet nang isang beses kada 99 na araw para i-validate ang membership mo.

Pwede ko bang gamitin ang software sa mahigit isang computer?

Oo, pwede kang mag-install at gumamit ng mga desktop app ng Creative Cloud sa dalawang computer, gaya ng computer sa bahay at sa trabaho. (Mac, PC, o tig-isa nito.)