Bakit ko kailangang mag-edit ng batch ng larawan sa Lightroom?
Nag-i-import ka man ng mga larawan mula sa propesyonal na photoshoot o pang-araw na hike kasama ang pamilya mo, malamang na makakakuha ka ng maraming image na nangangailangan ng pare-parehong edit at pagbabago. Sa Lightroom, mabilis na paraan ang pag-edit ng batch para i-synchronize ang mga edit mo sa maraming piniling larawan at video.

I-streamline ang workflow mo sa pag-edit.
Makatipid ng oras sa pamamagitan ng pag-adjust sa settings, kabilang ang exposure, contrast, at kulay — para sa lahat ng media mo nang sabay.
Gamitin ang mga paborito mong preset.
Ang mga preset ay mga paunang ginawang set ng mga edit na gumagana tulad ng filter, kaagad na nagpapaganda sa mga larawan mo. Gumamit ng mga preset sa Lightroom para maglapat ng isang set ng mga pagbabago sa lahat ng media mo para gumawa ng partikular na hitsura at mood.


Mag-edit ng mga larawan at video.
Magagawa mo ang pare-parehong pagbabago sa mga larawan at video mo — lahat sa iisang batch.
Gumawa nang mas epektibo gamit ang AI masking.
Gusto mo bang paliwanagin ang bawat subject sa mga larawan mo, o padilimin ang bawat shot ng langit? Natutukoy ng mga AI mask ang mga parehong element sa iba't ibang image, kaya maa-adjust mo ang mga ito ayon sa mga specification mo.

Paano mag-edit ng batch sa Lightroom.
May ilang magandang opsyon ang Lightroom para maglapat ng mga edit mo sa maraming larawan.
Mag-copy at mag-paste ng mga edit mula sa isang larawan tungo sa isa pa.
Kapag naglapat ka na ng mga edit o preset sa isang larawan, ang pinakamagandang paraan para mag-edit ng batch sa Lightroom ay ang pag-copy sa mga edit na iyon at pag-paste sa mga iyon sa iba pang larawan sa batch mo.

Maglapat ng mga pagbabago sa isang batch ng mga larawan habang ini-import mo ang mga ito.
Para maglapat ng mga pagbabago sa isang grupo ng mga larawan habang ini-import mo ang mga ito sa Lightroom, pumunta sa Preferences > I-import. Tapos palitan ang opsyong Raw Default mula sa Adobe Default sa isang preset na gusto mo, kabilang ang mga custom na preset na ginawa mo mula sa sarili mong set ng mga adjustment.
Paano mag-edit ng batch sa Lightroom Classic.
May tatlong karagdagang paraan para ilapat ang settings ng pag-edit mo sa maraming larawan at video sa Lightroom Classic.

Maglapat ng mga preset habang nag-i-import.
Gamitin ang opsyong ito para maglapat ng preset habang nag-i-import ka ng mga larawan at video mula sa camera mo.
- Buksan ito:
Sa module ng Library, i-click ang I-import. - Piliin ito:
Buksan ang panel na Ilapat sa Pag-import sa kanang bahagi ng window ng Pag-import. - Piliin ito:
Pumili ng preset mula sa listahan. Ilalapat ito sa lahat ng image at video na ini-import mo.

Maglapat ng mga preset sa module ng Library.
Pumili ng naka-save na preset o mag-download ng preset at ilapat ito sa isang batch ng maraming larawan at video.
- Piliin ito:
Sa grid view mode ng Library, piliin ang mga larawan at video na gusto mong i-edit. - Baguhin ito:
Piliin ang preset na gusto mong gamitin mula sa panel na Mabilis na Pag-develop. Ilalapat ito ng Lightroom sa lahat ng pinili mong media.

Maglapat ng mga custom na edit mula sa isang larawan o video sa isang batch.
I-fine tune ang settings ng isang image o video, tapos i-sync ang settings mula sa na-edit na image sa natitirang bahagi ng batch.
- I-edit ito:
I-adjust ang kulay, lighting, white balance, at iba pang settings ng image o video gamit ang module na I-develop. - Piliin ito:
Piliin ang larawan o video na na-edit mo. Tapos piliin ang iba pang larawan at video kung saan mo gustong mailapat ang mga edit. Itatalaga ng Lightroom ang unang larawan o video na pinili mo bilang pagkokopyahan ng mga edit. - I-click ito:
I-slick ang I-sync sa module ng I-develop. Para makatipid ng oras, magagamit mo rin ang keyboard shortcut na Command+Shift+S (sa Mac) o Ctrl+Shift+S (sa Windows). - Itakda ito:
Magbubukas ang window ng Settings ng Pag-synchronize. Mula doon, mapipili mo kung alin sa settings ng unang image ang gusto mong i-synchronize sa iba pang larawan at video sa batch mo. - I-sync ito:
I-click ang I-synchronize at ilalapat ng Lightroom ang mga edit mo sa bawat piniling larawan o video.
Tumuklas pa ng mga feature sa Lightroom.
Hindi lang pag-edit ng batch ang maibibigay ng Lightroom. Mag-explore ng mga tutorial para magningning ang mga larawan at video mo.

Idisenyo ang perpektong preset.
Alamin kung paano gumawa ng sarili mong custom na preset para mabigyan ng parehong hitsura at dating ang maraming image.

Gumawa ng mga naka-target na pagbabago sa pamamagitan ng pag-mask.
I-explore kung paano ka matutulungan ng mga masking tool na gumawa ng mga edit sa mga partikular na bahagi ng image mo.