{{photoshop-lightroom-features}}
Mga film preset ng {{lightroom}}.
Magdagdag ng iba't ibang istilo ng pelikula sa mga larawan sa isang click lang. Tumuklas ng mga libreng preset sa Lightroom na makakapagbigay ng dating ng classic na film stock sa mga image mo.

Ano ang mga film preset?
Ginagaya ng mga film preset ang grain at hitsura ng isang retro film camera, kaya nagmumukhang mula sa lumang photo album ng pamilya ang larawan mo. Maraming mapagpipiliang sikat na film preset sa Lightroom na makakatulong sa iyong makakuha ng iba't ibang classic na hitsura.
Mahahanap mo ang mga sumusunod na preset na naka-preload sa Lightroom sa ilalim ng tab na Sa Iyo:

Creative › Mga Cool na Shadow at Warm na Highlight
Binabawasan ng preset na ito ang Contrast at mga Highlight para i-replicate ang hitsura ng isang photograph na kinuha sa isang lumang Fujifilm na camera gamit ang mga cool at light blue na hue na ino-offset ng mga warm at washed-out na tone.
B&W › B&W High Contrast
Sa pamamagitan ng pagsasagad sa mga white para gawing mas maliwanag ang mga ito at pagbabawas sa mga black para gawing mas madilim ang mga ito, ginagaya ng filter na Black & White High Contrast ang mga monochromatic na tone ng mga unang Kodak at Agfa film stock.


Creative › Cool Matte
Magkaroon ng madilim at malamlam na color palette gamit ang preset na itong nakabatay sa hitsura ng kupas na photograph na naka-print sa papel na matte.
Creative › Vintage Instant
Makamit ang retro at nostalgic na dating ng isang lumang Polaroid na image gamit ang warm at washed-out na preset na ito na nagtatampok ng mga binawasang white.

Mga film preset ng Adobe Lightroom mula sa mga pro.
Mag-explore ng mga libreng film emulation preset na magagamit mo sa proseso ng pag-edit ng larawan para mabigyan ng analog na dating ang mga larawan mo.

Preset pack sa Lightroom ni Chris Hau.
Ang preset bundle sa Lightroom na ito ay may kasamang pampelikulang preset para makapaglapat ka ng effect na pelikula sa sine sa photography mo.

Mga preset ng photography sa alagang hayop ni Rebecca Plattner.
Ang mga piniling ito mula sa photographer ng alagang hayop na si Rebecca Plattner ay may kasamang Retro na preset na magbibigay ng kupas na hitsura sa isang image, kahit na walang furry friend doon.
Paano gumawa ng sarili mong preset.
Isang maikling gabay sa kung paano gumawa at mag-save ng mga sarili mong preset na kahawig ng film photography sa Lightroom.
- I-edit ito:
Habang nakabukas ang image mo sa Lightroom, i-access ang menu na I-edit. - Baguhin ito:
I-adjust ang mga slider ng Light at Kulay at gumamit ng Mga Effect para magdagdag ng Grain o Vignette. - Pangalanan ito:
Mula sa window ng Preset, i-click ang tatlong tuldok sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Gumawa ng Preset, at pangalanan ang gawa mo. - I-save ito:
I-click ang I-save. Lalabas na ang bago mong preset sa panel na Mga Preset para magamit mo sa iba pang larawan.
Palaguin ang skillset mo sa tulong ng mga tutorial ng Lightroom.
Ngayong mukhang kinuha sa film ang larawan mo, tumuklas ng mga bagong paraan para pagandahin ang gawa mo.

Mag-edit kahit saan gamit ang mobile app.
Ang mga pagbabagong ginagawa mo sa Lightroom mobile ay tuloy-tuloy na nagsi-sync sa Lightroom para sa web o sa desktop mo.

I-adjust ng light at kulay.
Madali lang baguhin ang exposure, white balance, at iba pang settings para bumagay sa mga tagpuan at kulay ng balat.