MGA FEATURE NG PHOTOSHOP
Paano mag-rotate ng layer sa Adobe Photoshop.
Alamin ang tungkol sa maraming paraan ng pag-rotate ng isang layer sa proyekto mo sa Photoshop.
Mahalaga ang mga layer sa halos lahat ng ginagawa mo sa Photoshop. Ang bawat pag-edit na ginagawa mo sa isang image ay puwedeng ipatong sa ibabaw ng larawan bilang bagong layer. Sa pamamagitan ng pagdaragdag at pag-edit ng mga indibidwal na layer, puwede kang mag-edit nang hindi nakakasira — nang pinapanatili ang orihinal na image para makabalik ka sa simula anumang oras.
Ang pag-rotate ng layer ay simpleng pagkuha ng isa sa maraming layer sa proyekto mo at pag-ikot nito pakanan o pakaliwa sa isang nakapirming point, nang hindi iniiikot ang iba pang parte ng image.
May ilang paraan para mabigyan mo ng tamang pag-tweak ang image mo sa pamamagitan ng pag-rotate ng layer.
Kung nagdagdag ka ng logo bilang layer sa gawa mo, puwede mo itong i-rotate para masigurong nakaayon sa gusto mo ang hitsura ng disenyo.
Gumagawa ng mirror effect? I-rotate ang layer na may duplicate na image para ihanay ito sa orihinal.
I-rotate ang isang layer ng graphic design para bahagyang baguhin ang hitsura nito.
Habang nagmamanipula ng larawan para sa composite, puwede mong baguhin ang anggulo ng isang element na idinagdag mo para mai-blend ito sa larawan.
May ilang iba't ibang paraan para mag-rotate ng layer.
Ang pinakamabilis at pinakamadaling paraan ay gumagamit ng Move tool para matapos ang trabaho sa tatlong hakbang lang.
Puwede mo ring gamitin ang Free Transform tool para i-rotate ang layer mo. Bagaman isa itong mas manual na workflow, nag-aalok ang pamamaraang ito ng mas maraming opsyon para sa pag-ikot ng layer mo sa partikular na bilang ng degrees.
Pabilisin ang workflow mo at gumugol ng mas kaunting oras sa pag-navigate sa mga menu gamit ang tips at pinakamahuhusay na kasanayang ito.
Pindutin ang Ctrl+T o Command+T sa Mac para buksan ang Free Transform menu o mag-right click sa layer at piliin ang Free Transform mula sa drop-down menu.
I-hold ang Ctrl key at i-click ang bawat layer na gusto mong baguhin sa Layers panel. Kapag ginamit mo ang Move o Free Transform tool, magro-rotate ang lahat ng ito ang sabay-sabay.
Kapag naka-enable ang Show Transform Controls, makikita mo ang pivot point kung saan iikot ang layer mo. I-click at i-drag ang pivot point para i-set ito kahit saan sa canvas mo.
I-convert ang layer sa Smart Object para protektahan ang pixels nito kapag ni-rotate o ni-resize mo ito. Sa ganitong paraan, mapapanatili ang kalidad ng image kahit paulit-ulit mong i-edit.
I-explore ang mga tutorial para malaman kung ano pa ang kaya mong gawin sa Photoshop.
Ang mga filter ay mabilis na paraan para gumawa ng malalaking pagbabago sa kulay at tone ng isang image.
Alamin kung paano mag-crop, magtuwid, o kaya ay baguhin ang laki ng isang image sa Photoshop.
Taunan, sinisingil buwan-buwan
₱1,450.40/buwan kasama ang VAT
Kunin ang Photoshop sa desktop at iPad bilang bahagi ng Creative Cloud.
Lahat ng mga feature ng Photoshop, Illustrator, at higit sa 20 na Creative Cloud apps para sa graphic design, photography, pag-edit ng video, at web content.
₱1,261.12/buwan kasama ang VAT
Makatipid ng mahigit 75% sa 20+ Creative Cloud Pro.
Makakuha ng hanggang 5 lisensya para sa iyong team at makatipid ng 30% sa unang taon. 20+ Creative Cloud app kasama ang Photoshop at mga eksklusibong feature sa negosyo.
Based on your location, we think you may prefer the United States website, where you'll get regional content, offerings, and pricing.